Ngumiti ako, nakatingin ako sakanya na may puno ng pagmamahal. Hinawakan ko ang kanyang kamay at dahan dahan inangat ito, sinusuot ang kanyang singsing.
"Aking mahal, gusto kong malaman mo na ikaw lang ang mamahalin ko ngayon at sa susunod na araw pa. Hanggang ako'y bawian ng buhay ng Diyos. Ikaw ang sagot ng Diyos sa aking munting dasal noong mga oras na ako'y gulong gulo. Ipapangako sa iyo na sa hirap o sa sarap ng buhay, ilalagay ko ang Diyos sa sentro ng ating pagmamahalan, na kung ikaw man ay mapalayo ay ilalapit kita. Mahal na mahal kita."
Ngumiti siya. Narinig ko ang sinabi ng pari na maari na niya akong halikan. Tinanggal niya ang veil ko, ngumiti siya at kitang kita ko sakanyang mata ang puno ng pagmamahal, at kumikinang ito dahil sa luha.
Dahan dahan siyang lumapit at hinalikan ako.
Finally, after long years of waiting for his love.
I'm finally his. His Araullo.
BINABASA MO ANG
Lakambini
RomanceMula bata pa lang, si Caleb na ang minahal ni Elisha. Para sa dalaga, hindi niya maatim magmahal ng iba maliban sa binata. Ngunit ano kaya masasabi ng tadhana?