Kabanata 4

8 0 0
                                    

LAKAMBINI—4

DALI DALING sinalubong ni Elisha ng yakap si Caleb. Kakarating lang nito sa graduation party niya. Tinugon naman ni Caleb ang kanyang yakap at matamis siyang nginitian. How could she resist him? This man right in front of her will probably be the only man she loves.

Dinala niya ang binata sa garden nila, kung saan pwede sila mapag isa at mapagkwentuhan ang nangyari. It was her day dahil kakagraduate niya lang but she can't find herself celebrating kung ang tanging lalakeng mahal niya ay malungkot. Tahimik lang nila pinagmamasdan ang mga bituin sa gabi, hindi niya pinilit ang binata magkwento, hihintayin niya hanggang ito na mismo ang magkwento sakanya.

Rinig na rinig ang tawanan ng mga matatandang Altamirano, at ang tawa ni Rias habang may sinasabi ito. Ang dahang dahang tugtog ng jazz mula sa banda na binayaran ng kuya Makisig niya ay maririnig din sa tahimik na gabi. Ang tanging pokus lamang ng lahat ay magpakasaya dahil ang prinsesa ng mga Altamirano ay nakapagtapos na.

Ngunit, ang prinsesa ay nakatuon lamang sa kasiyahan ng isa. Elisha sat there waiting for Caleb to open up. Ilang minuto ang nakalipas ay bumuntong hininga si Caleb, humilig ito sakanyang balikat at pinagsiklop ang kanilang mga kamay. The princess' heart beat fast but she did not hope.

"She broke up with me, El...Hindi na daw niya kaya...She didn't want me to wait for her. I said I don't mind waiting, I'll wait how long pero ayaw niya. She thinks she's holding me back pero I can't help thinking...what if I was the one holding her back? Hindi niya sinabi yun pero naramdaman ko yun..."

Wala siyang masabi. What could she possibly tell him? Kaya niyakap na lamang niya ang binata at pinaramdam dito kung gaano kaimportante sakanya ito. Gusto niyang sabihin na sobrang importanteng ito sakanya, na kahit ano mang gawin niya ay kaya niyang iwan para lang dito.

"Wala akong magawa, El...I sat there stunned at what everything she said. Wala man lang ako masabi...kahit man lang mag makaawa, hindi ko nagawa"

"Well, do you want to talk to her again? To tell the things you haven't said...do the things you haven't done?"

Bumuntong hininga ang binata. "Strangely, no...I feel sad that she broke up with me, depressed even pero for some reason I don't want to chase her" pilit itong ngumiti at tumawa, "It's weird. I'm weird"

Umiling si Elisha, "I don't think so. Maybe you just got tired chasing her that's why when she gave you an ultimatum, tumigil ka na din"

Ang pilit na ngiti ni Caleb ay unti unting lumaki hanggang umabot ito sa tenga at ang mata nito ay naningkit sa tuwa. "Look at you, such a big girl. Giving me advices..."

Hindi mapigilan mamula ni Elisha, "W-Well—"

Tumawa ito, "It's okay, El. Thank you, actually" He sighed, "It's your graduation day but here you are...comforting an old man like me. You should be out there partying with your family"

"Hindi ka naman matanda...we're just few years apart" aniya. Lumabi siya. 

Caleb is not really that old! He's just 26 years old at dahil wala na itong girlfriend ay balik single life na ito. Surely, a lot of women would be delighted kapag nalaman nila na single na si Caleb.

"Whatever you say, big girl" Tumayo ito at nag unat sabay baling sakanya, "Come on, let's join in on the fun. Mamaya niyan patayin ako ng kuya Makisig mo at Tyson dahil sinosolo kita. Ikaw pa naman ang prinsesa nila"

NAPABUNTONG hininga si Elisha habang tinitignan ang mga pinsan at kaibigan niya na sobra na sa kalasingan. Kanina pa wala ang kanyang mga magulang at ibang mga matatanda, mas naunang gumayak ang mga ito at iniwan silang mga bata. Everyone in the three families were in the legal age kaya wild ang graduation party niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 17, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

LakambiniTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon