Kabanata 1

29 0 0
                                    

LAKAMBINI—01

YEAR 2000

MATAGAL NA nakatingin lang si Elisha sa mga damit na nilatag niya sa kama. Nakapag make up na siya, maayos na ang buhok niya, may napili na siyang sapatos at binase niya ang damit na susuotin niya sa sapatos na napili niya. Ang problema lang, hindi siya makapili kung anong damit ang susuotin niya. Nang tinanong naman niya sa kanyang ina, sinabi lang naman nito na bagay ito lahat sakanya.

"Come on, Elisha! Choose already." Ani ng kanyang nakakatandang pinsan na si Esther. Ito ang pinakamalapit na pinsan niya dahil sa lahat ng pinsan niya, eto ang pinakamalapit sa bahay nila kaya sabay silang lumaki. Apat na taon ang tanda nito sakanya. "Pupunta lang naman tayo sa party ni Caleb."

"That's the point, ate. It's Caleb's party. Hindi pwedeng magmukha akong ewan doon." Malumanay niyang pagkakasabi habang tinitignan pa rin ang susuotin niya. She wants to wear a dress pero ayaw din naman niya ng sobrang formal, ayaw din naman niya ng sobrang casual. Napabuntong hininga siya. Pinili na lang niya ang isang simpleng classy dress, isa itong white turtle neck dress na body hugging.

"Grabe, you're still 14 years old, ang ganda na ng katawan mo. Are you sure you don't want to take my offer to be a model?" Manghang mangha na usal sakanya ng pinsan habang pinagmasdan siya nito pagkatapos niyang suotin ang napili niyang dress.

Mahinhin naman siyang tumawa, "Mahiyain ako, ate. I don't think I'm up for that."

"You don't know that. Malay mo, mahiyain ka nga pero pagharap ng camera, magbabago ka ng anyo!"

She playfully rolled her eyes, pagkatapos niya makapili ng damit ay agad na silang umalis ng kanyang ate Esther. Dala dala nito ang kakabili nitong kotse. Ayon dito, nakipag pustahan ito sa ama na kung makakapasok ito sa UP ay kailangan ito bilhan ng auto and her ate Esther actually did it. With flying colors pa. Isa kasi ito sa mga nakakuha ng mataas na grado.

Dumating na silang dalawa sa bahay ni Caleb, galing kasi siya sa bahay ni Esther kaya kailangan pa nilang mag drive pero kung galing siya sa bahay niya mismo ay maglalakad siya ng konti kasi kapit bahay niya naman ito. Pagkatapak niya pa lang sa bahay ay narinig niya ang malakas na tugtugan ng mga Western music, hindi magulo ang party pero hindi rin ito masasabing tahimik, it was a typical party hosted by Caleb na may booze, tawanan at mga pinsan nito na nagdo-dominate sa dance floor.

Hindi mahilig pumunta si Elisha sa party, lalong lalo na pinagbabawalan naman siya ng kanyang magulang dahil wala pa siya sa legal age, kaya lang naman napayagan siya dahil malapit si Caleb sa pamilya niya. The Araullos were always close with the Altamiranos.

Agad na hinanap ng kanyang mata si Caleb, kailangan niya agad batiin ito at ibigay ang regalo niya. Nang madapuan niya ang nag grupo na mga lalakeng Araullo ay nakita niya sa gitna ng mga iyon ay nakaupo si Araullo at nakikipagtawanan sa mga pinsan. Mabilis naman niyang hinila si Esther papunta sa grupo. Syempre, hindi niya kakayanin kung mag isa lang, kailangan nandoon ang palaban niyang pinsan.

Mabilis naman namukhaan siya ni Caleb, kasi nang nakita siya ay ngumiti agad ito sa direksyon niya, naramdaman niya ang pagbilis ng tibok ng puso niya at pamumula ng kanyang pisngi. "Elisha! Esther! Glad you girls came. Nandito na mga iba niyong pinsan, they're somewhere..." sabi nito sabay hinahanap ang grupo nito tapos kumibit balikat nang hindi nakita ang mga iba pa niyang pinsan. "Nice, Elisha! Nagdadalaga ka na. Parang kailan lang ang baby mo pa."

Ngumuso siya pero nag iinit ang kanyang pisngi. "I'm already in highschool, kuya." Malambing niyang sabi sabay bigay sa regalo nito. Malambing naman talaga siya magsalita, pero mas nilalambingan niya kapag kausap ang kuya Caleb niya.

Matagal na kasi siyang may gusto kay Caleb, simula sampung taon gulang niya. Noong una ay harmless crush lang kasi mabait naman kasi ito sakanya tapos ang lambing pa, laging pinagbibigyan ang gusto niya. Gwapo din ito at nakaka-fall ang ngiti kaya hindi niya mapigilan magkagusto, hanggang ngayon ay may gusto pa rin siya dito.

LakambiniTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon