Kabanata 3

16 0 0
                                    

LAKAMBINI—03

NAGISING si Elisha na mabigat ang pakiramdam, sa resort na sila natulog ni Caleb dahil buong gabi sinamahan ni Elisha si Caleb sa pag iyak nito.

Hindi na maganda ang relasyon nito sa nobya, nakwento nito na lagi na lang nag aaway ang dalawa at wala na mapagkasunduan.

Buong gabi, tinataga ang puso ni Elisha, nasasaktan siya na nakikita niya si Caleb na nasasaktan. Mukhang mahal na mahal ng binata ang nobya.

Dahan dahan lumapit si Elisha kay Caleb, mahimbing itong natutulog, magulo ang buhok nito at kita niya ang bakas nang pagluha nito kagabi.

Hindi mapigilan pasadahan ni Elisha ang buhok nito, she caressed his face, closed her eyes and whispered to herself, "Lord, I pray for healing to Caleb's heart, give him answers to his questions, give him peace to his confusion, and give him light to his darkness. In Jesus Mighty Name, Amen."

Binuksan niya ang kanyang mata at mahimbing pa rin natutulog ang binata. Hindi niya mapigilan mapangiti dahil ang anghel nito tignan.

Despite na hindi maganda ang relasyon nito sa nobya ay ayaw ni Elisha na maghiwalay ang dalawa.

Ayaw niyang makita na malungkot ito katulad kagabi, gusto niyang bumalik ang sigla nito—ang pagiging masayahin nito.

Hindi na siya naghahangad na mapasakanya si Caleb, basta masaya lang ang binata ay masaya na din siya.

"IN SHORT, martir ka." Ani Marikit sabay ininom ang Mocha Frappe nito.

Kasama ni Elisha ang mga pinsan niya sa isang coffee shop na malapit sakanyang kolehiyo na pinapasukan.

Nasa Manila si Marikit dahil nag interview ito ng isang respondent para sa thesis nito, meanwhile, si Micah ay nag aaral sa UP Manila kaya mabilis itong nakapunta sa Vito Cruz. While, Esther and Rias works in Makati kaya madaling nakapunta ang mga 'to.

"Marikit" Saway ni Micah. Mukhang hindi maganda ang mood nito dahil wala ang usual na playful nitong ngiti.

"Bakit, hindi ba totoo? Caleb consoles to her. Elisha likes him. Hinahayaan niya. Ginagawa niya ang sarili niya na panakip butas.  Hindi ba pagpapakamartir 'yon?" Walang prenong salita ni Marikit.

Napakagat si Elisha sakanyang labi, masakit ang sinabi nito pero may halong katotohanan. Wala siyang magawa kundi hayaan ito.

"Shut your tactless mouth, Marikit. Anong point ng pagsasalita mo diyan? Nakakatulong ba yan sa situation ni Elisha? Hindi naman diba? Nakakasakit ka lang ng tao." Sabi ni Micah, for the first time, nakita ni Elisha na tumikom ang bibig ng ate Marikit niya.

Wala itong sinabing pabalang kay Micah. Mukhang nakita nito ang punto ng huli kaya tahimik na lang ininom ang Mocha frappe nito. Lahat tuloy sila ay napatingin kay Micah, kanina pa niya napapansin na hindi maganda ang mood nito.

Nakita ni Elisha ang pagtingin ni Micah sa phone nito, ang inis nitong mood ay nagbago, mabilis itong tumayo at walang paalam na umalis sa coffee shop.

Sinundan ni Elisha ang pag alis ni Micah, may tinatawagan ito at mukhang umiiyak ito. It was weird to see Micah like that, lagi kasi itong nakangiti o tumatawa.

"Probably that Concepcion boy." Ani Rias, sabay buga ng hangin mula sa cigarette nito.

Napatingin silang lahat sakanya.

Sa magpipinsang Concepcion, tatlo ang lalake, so which one? Hindi nagsalita si Rias at pinagpatuloy lamang ang pagsisigarilyo nito.

Mukhang it's them to find out which of the Concepcion boys ang nakabago sa timpla ng kanilang pinsan. Tinanggal ni Rias ang hawak na cigarette at iidiniin ito sa ashtray.

LakambiniTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon