LAKAMBINI—02
AKALA NI Elisha ay manhid na siya sa sakit pero mas lalong napatunayan niya na may mas matalim pang kutsilyo ang sasaksak sa puso niya para makaramdam siya ulit ng sakit.
Tama nga ang kutob niya, pinakilala ni Caleb ang nobya nito. Nagkilala ang dalawa sa Manila, coincidence lang na parehas sila ng hometown which is Cavite kaya sabay nang umuwi ang dalawa.
Talia Marquez was well known in Cavite dahil lagi ito sumasali ng iba't ibang pageant. She was an aspiring beauty queen. Matayog ang pangarap nito na makatapak sa Binibining Pilipinas. Mabait ito, matamis ang ngiti at matalino. Lahat na nasa dalaga.
Elisha can't help but sigh, kahit alam niyang birthday niya ay parang naagaw ni Talia ang atensyon ng lahat. She can't help but feel jealous. An ugly feeling pero wala siyang magagawa.
"Bakit ba dinala ni Caleb si Talia? Wala naman siya sa invitation list ah." Mataray na wika ng kanyang pinsan na si Marikit. Naiinis din ito sa situation.
Nagpa-party na ang mga tao ngayon, ang kanyang mga magulang ay umuwi na at iniwan na ang party sa kanila. Kaya sila sila na ang magkakasama. Gusto din makisaya ni Elisha pero hindi niya mapigilan mapatingin sa tapat na table kung saan si Caleb at Talia.
"Ewan ko diyan kay Caleb, may iba namang araw pwede ipakilala ang girlfriend pero sa mismong araw mo talaga." Naiinis na din na usal ni Micah, minsan niya lang makita na naiinis ang mga pinsan niya na mga carefree. Pati din si Rias ay nakikita niyang iniirapan ang table nila Caleb. Tahimik lang si Esther at Adah pero hindi rin nila gusto ang situation. Ang mga pinsan niyang lalake naman ay pigil din sa inis, hindi naman kasi nila pwede pagsabihan si Caleb na wag dalhin ang nobya nito.
"Hay! Manhid talaga yan si Caleb. Bakit ba nagkagusto ka sa damuho na yun, Elisha?" Tanong ni Marikit. "Gusto mo hanapan na lang kita ng iba?"
Pilit naman siyang ngumiti, "It's okay, ate. Hayaan na natin siya. Wala naman akong karapatan."
"It's your birthday, Elisha. Inaagaw niya ang atensyon mo sa mismong birthday mo." Ani Adah. Mukhang hindi na napigilan ang init nito sa pinsan. "Kung ako nasa kalagayan mo, magmumukmok talaga ako. You're too nice."
Hindi na lamang pinansin ni Elisha ang mga pinsan niya at si Adah. Kinakalma niya ang sarili. Lalo nang nakita niyang may binulong si Caleb kay Talia para mapatingin sa table nila.
Maya maya ay tumayo si Talia at lumapit ito sa table nila. Siya lang ang ngumiti sa table na iyon. Si Micah at Rias ay parang mas pinagtutuunan ang phone, si Adah naman ay kinakausap si Esther while si Marikit ay harap harapan talagang inirapan si Talia. Nakaramdam siya ng tension, at naramdaman niya ang pagka-awkward ni Talia.
"Hello ate Talia." Magalang niyang bati sa dalaga. Mas lalong gumanda ito sa malapitan, kitang kita ang perpektong pagkahubog ng kanyang mukha. Minsan talaga ay may taong binibiyayaan talaga ng balde baldeng kagandahan. "I heard you're Caleb's girlfriend. C-Congrats po." Pinilit niyang maging normal. Nakatingin na sakanya ang mga pinsan niya at si Adah.
"Thank you, Elisha" Matamis itong ngumiti sakanya. "By the way, I know I kinda gatecrashed in your debut—"
"Kinda?" Sabi ni Marikit, siniko naman siya ng katabi na si Micah. Tumikhim ito.
"Anyways, I brought you a gift. I hope you don't mind. It's also an apology din dahil bigla bigla akong dumating. Si Caleb kasi eh...masyado siyang nae-excite na ipakilala ako sa magulang niya. Sabi ko after your debut kasi nakakahiya."
Oh.
Inabot nito ang isang hindi gaano kalakihan na red box, maganda ang pagkakabalot nito. Tumango siya at matamis na nginitian ang dalaga, she appreciates the gesture. "Salamat ate Talia. I hope I could meet you again after this." Ngumiti ng matamis sakanya si Talia at bumalik na sa table nila Caleb.

BINABASA MO ANG
Lakambini
RomanceMula bata pa lang, si Caleb na ang minahal ni Elisha. Para sa dalaga, hindi niya maatim magmahal ng iba maliban sa binata. Ngunit ano kaya masasabi ng tadhana?