Chapter 3

49 5 0
                                        

Hindi pa rin ako umiimik simula nang bumalik kami nila Ally sa rest house nila. Naiinis kasi ako eh! Hindi ko alam kung bakit basta naiinis lang ako.

Well, siguro dahil di ko nakita yung mga turtle na nagjo-journey papunta sa dagat. Nge?? Ang babaw lang ata?? HEHE :p Peace ^__^v

Kumakain na kami ng breakfast nang magsalita si Ally. Actually kanina pa siya nagsasalita kaso di pumapasok sa utak ko yung mga pinagsasabi niya. Ngayon lang kasi nabanggit ni Ally si Mama.

"Sandz si Tita nga pala? Last time na nakausap ko siya sa phone pinapauwi ka niya ng Bicol ah? Di ka daw kasi nagbakasyon nung holliday last December."

Siguro so far,yun lang ang matino kong narinig kay Ally ngayong umaga. Kunti na lang talaga at mapipikon na 'ko kakasiksik niya sa lalaking yun sakin.

"Ah,yeah. About that, I was supposed to spend a week at home kaso biglaan kasi na pinapunta ko ng Davao ng boss ko para sa ginagawang radio station dun. Hindi naman ako makatanggi kasi walang ibang aasikaso. Nagcover na din ako ng bagong article." I said casually. Nabigla nga ata si Mar kasi napakaseryoso na ng tono ko. Di gaya kanina na nakikipagbatuhan pa ko ng jokes kay Ally.

"Kelan mo balak magbakasyon?" Medyo seryoso na rin ang approach ng pinsan ko. Napansin niya ata na wala na kong balak makipagbiruan sa kanya.

"Ahm, maybe I'll try this coming third week of February. May holliday naman nun I think."

"Wait, January 19 pa lang ngayon ah, so baka pag umuwi ka makauwi na rin kami ni Mar galing ng Singapore. We're planning kasi na bumisita din kay tita after our honeymoon."

"I thought sa Korea yung honeymoon nyo?"

"Yeah. Sa Korea nga, kaso pinapadaan kami ng Mommy ni Mar sa Singapore. Kagabi kasi umalis sila agad, sa hotel na sila nagstay dahil flight din nila this morning."

"I see."

Naiintindihan ko naman si Ally kung bakit sabik na sabik siyang makita si Mama. Tinuturing na niya kasing totoong 'mom' na talaga niya si Mama kasi namatay ang parents niya sa plane crash nung nasa third year college siya. Ako naman second year college pa lang nun. Matanda kasi siya sakin ng one year. Pero parang ako pa ata ang ate eh. Ewan ko ba. Siguro nasanay lang siya na sakin tumatakbo pag may mga problema. Nag-iisang anak lang kasi siya kaya tuloy sunod sa layaw talaga pero di naman spoiled. Kaya tuloy nang mamatay sina tito at tita halos mabaliw baliw siya kasi di niya alam ang gagawin. Buti na lang may malaking pera na naiwan sa kanya kaya binangko niya na lang. Dun din siya natutong magtipid. Samin na rin siya tumira nun. Sabay kaming umuuwi pag sembreak or pag summer kasi parehas kaming sa Manila nagcollege. Magkasama din kami sa boarding house kaya sobrang close talaga kami. Para na nga kaming magkapatid eh. Somehow nakahanap din ako ng kapatid sa katauhan ni Ally. Wala na kasi kong kapatid. Sad to say, my older brother died because of bronchitis when he was 10 years old. By then 7 years old pa ko kaya tuloy sabik na sabik akong magkaroon ng kapatid at ng kalaro. Sobrang close ko kasi sa kuya ko nun. Though hindi siya ganun ka-energetic kagaya ko, still he manages to play with me. I still remembered lagi nga kong napapagalitan ni Mama kasi pinapagod ko daw si kuya. Wala kasi akong kalaro nun dahil pakiramdam ko pag nakipaglaro pa ko sa iba, lalong mawawalan ng kalaro si kuya. Hindi na kasi siya pinag-aral nila Mama kasi napapagod lang siya lalo. Tapos tinutukso pa daw siya ng mga classmates niya dahil ang payat daw niya. Kaya tuloy nag-stop na lang siya. Si Mama na lang nagtuturo sa kaniya sa bahay. Kaya after school, umuuwi ako agad nun para turuan din si kuya ng mga songs na kinakanta namin sa school. Tinuturuan ko nga din siyang sumayaw nung "Father Abraham has 7 children" at "Fruit Salad". I could still remember kung gaano siya tuwang tuwa nun. Sabay pa kami kumakain ng snacks sa hapon kasi ayaw daw niyang kumain pag di pa ko dumadating. Favorite naming dalawa ang pineapple pie tsaka pancit canton. Yun palagi ang snacks namin, minsan naman tasty tapos ang palaman eh peanut butter. ^____^

The CommitmentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon