I was left there wordless. Iniwan niya kong parang timang na nakanganga dun! Hindi ko talaga magets kung ano na naman bang trip ni Ally at di ko talaga siya maintindihan. Oh well, nagets ko naman siya kahit papano, but my point is, ano bang nakain niya at bigla bigla na lang eh gusto akong ireto sa kung kanikanino! Or correction. Kung sino-sinong tao ang tinuturo para kilatisin ko!
For whatever's sake! Nakakastress si Ally ah! Hindi pa rin siya nagsasawa sa paghahanap sakin ng lovelife. Haaaaay! Yung totoo? Kamag-anak ba siya ni Kupido?
Tiningnan ko na lang siya habang kinakausap si Mar. Bigla naman ding nawala yung kausap kanina ni Mar nung lumapit si Ally. Hindi ko na rin namalayan kung san na yun nagsusuot. As if I care! I was still in disbelief at sa kalagitnaan ng kasal niya eh nagawa niya pa kong pagtripan. Baka trip niya nga lang talaga yung kanina. Iniinis lang ako nun for sure!
It took me more minutes to finally get up on my chair and witnessed the sun as it sets. It's already 6:28 on my watch and I can feel the wind brushing its gentleness on my entire being. Medyo lumalamig na. Although parang may blazer naman yung designed na gown na pinasuot sakin ni Ally, still di pa rin to uubra khit hanggang 10 pm. Ang ikinatuwa ko lang talaga kasi ang cute nung gown. Hindi siya yung daring at revealing kasi bawal samin yun. Conservative talaga kasi kami nila Ally at ang sagwa kaya nung mga gown na kulang na lang eh iladlad na lahat ng pwedeng idisplay. We're not also into shorts, pants, or sleeveless. Basta, ayaw lang namin. Di rin ako mahilig magsuot ng mga fitted na blouse lalo na yung mababa ang neckline. We were being taught of how to wear clothes modestly. And it's something that I'll stand for the rest of my life.
Maya-maya lang may napansin akong stair pababa dun sa beach. Kanina di ko pa yun nakita eh. Siguro dahil sa sobrang mangha ko sa dagat at sa whitesand. May ilaw sa gilid nung stairs. Para siguro pag gabi pwede pa ring makapasyal sa dagat dahil maliwanag naman. Somehow it's kind of romantic. Teka nga, di naman ako marunong mag-appreciate ng mga bagay-bagay kung romantic ba ah?? Weird.
Maybe because romantic nga naman kasi talaga yung lugar. And I just can't deny the fact how it could melt someone's heart.
Lalapitan ko na sana si Ally para magpaalam na aakyat muna ko sa tinutuluyan kong kwarto kasi parang nahihilo na naman ako. May jetlag pa ata ako eh. I was about to turn and took a step nang may biglang may nagflash!
I know it's from a camera. Sinubukan kong tumingin sa paligid pero wala naman akong nakitang may hawak ng cam. Pero sure ako flash ng camera yun! Baka isa sa mga photographer ng kasal. I thought.
"Asssssh..Crap!" Sabi ko na lang habang hinihilot yung sentido ng ulo ko. Sumasakit na naman siya.Kelangan ko na talaga matulog. Jetlag pa talaga to. Di na lang muna ako magpapaalam kay Ally. Bababa na lang ako mamaya.
And then ayun nga dumiretso na ko sa kwarto ko, took a quick shower and slipped to bed.
***
"Oh my!" Dali dali akong napabangon sa higaan. Quarter to six na! Dumiretso pala tulog ko! My goodness! Ano na kayang nangyari kagabi. Sayang naman di ko nakita yung "slicing of cake". Mukang masarap pa naman yun. Ayyy?? Para namang di pa ko nakakain ng cake nu? Patay gutom lang??
I brushed and washed then nag suot ng jogging pants. Parang feel ko tuloy mag jogging. Ayy di na lang pala. Maglalakad-lakad na lang ako sa tabing dagat. Masarap pa simoy ng hangin ngayon. I took my cellphone and put my earphone on. Sinuot ko na din yung eyeglasses ko. Pababa na ko ng hagdan nang makita kong nagkakape ang mag-asawa sa may porch. Okay, spell SWEET. ;)
"Hey! Good morning!" I greeted.
Napalingon sila nun nung narinig nila yung boses ko.
"Waaaah Sandz! Buti na lang gising ka na. Hinanap kita kagabi ah akala ko pa naman umuwi ka na agad ng Manila dahil inasar na naman kita." She said jokingly.

BINABASA MO ANG
The Commitment
RomanceTrue love guaranteed time to bloom into something constant and enduring. It needs space, it takes distance. It's a single journey taken by two people whose looking towards the same direction, creating a life together. Above all, love is a matter of...