Carvin's pov-
Maaga akong pumunta sa hopital.
Para makasama siya, para makita siya.
Pagkabukas ko ng pinto ng room niya.
Nandun na ang mga barkada ko nasa gilid sila at naluha.
"Oh bat ka nandito? Diba sabi ko sayo lubayan mo na ako! Layuan mo na ako!"-naluluha niyang sabi at ng sinabi niya yun nangiyak-ngiyak ako kasi nakikita ko kung paano siya nahihirapan ang dati niyang maganda't straight na buhok wala na.
"Mahal kita!"-ngumiti ako habang naluha kaya siya napangiti din at lumapit sa kanya.
"Gusto mo kantahan kita?-kinuha ko ang upuan at umupo ako sa gilid niya.
"Oo"-mahina niyang saa.
Kumuha ako ng upuan at umupo ako sa gilid niya
"I love you for a thousand more, heartbeat fast colors and promises"-ngumiti siya.
"How to be brave, how can i love when i'm afraid to fall watching stand alone"
"Pwede bang hindi ka sumuko?"-luha ko. Umaagos na ang ilang luha sa mukha ko.
"Ayaw ko na my body is giving up"-ngiti niya habang may maliliit na luhang pumapatak sa kanya.
"Ok kung sasaya ka diyan, hahayaan kita"-tinuloy ko nalang ang kanta
"All of my doubt suddenly goes away some how"
Naalala ko yung kasama ko siya na pumunta sa perya at sinapak si sadako.
Yung nagslide kami sa dreamplay.
Yung paborito niyang laing. Yung text niyang nakakainis saakin noon.
Yung batuhan namin ng lines.
Yung umiyak siya at nandun ako.
Yung kahit pinagtatabuyan ko siya minahal at minamahal niya pa rin ako.
Anong nangyari? Bakit nagkaganito?
"One step closer"-pumatak ang luha ko. Umagos na ito na parang gripo na nakabukas
"I have died everyday waiting for you darling don't be afraid, i love you for a thousand years i love you for a thousand more"
"Mahal na mahal kita Carvin"-hawak niya sa mukha ko at ngumiti siya sakin.
Unti-unting bumababa ang kanyang kamay at pumipikit ang kaniyang mata habang ang ngiti sakanyang labi di nawawala at ng tuluyan na itong pumikit pumatak ang isa at huli niyang luha.
Nalimutan ko na ang nangyari lumuha nalang ako sa harap niya at umiyak ng umiyak kung bakit kailan masaya na ako sa piling niya saka siya nawala. Bakit?
"Clear!'
Ilang ulit siyang nirevive ng doctor pero wala nang nangyari tuluyan na nga ito naging straight line kaya bumuhos ang mga luha ko na parang malakas na ulan.
"Time of death 8:50 am"
Kung una pa lang minahal ko siya mas matagal ko pa siya siguro makakasama kung una pa lang di ko siya inignore di siguro aakin magagalit si Drian at nanakawin ito ng ilang taon.
Sana minahal kita nung una pa lang. Kaya tayo pag may nagmamahal saatin dapat una palang pahalagahan na natin ito para di na tayo makasakit pa o masaktan pa.