Prologue

136 4 4
                                    

ONCE UPON A TIME IN VANEIAH!

"CHAAARGGGEEE!" Sigaw ng isang lalaking nakasuot ng isang damit na pandigma. Mukhang siya ang heneral ng isang napaka laking hukbo.

Sobrang daming nasawi mula sa gyera. Mga bankay na nakahandusay sa lupa, at inaapakan pa ng mga pandigmang kabayo.

Palitan ng atake. Nagliliyab na mga espada. Mga sigawan na walang katapusan. Mga patayan na walang katuturan. Ito ang mga kaganapan, halos sa loob ng limang buwan. Maging ang Dyosang si Alexia Valencourt ay walang magawa kundi ang lumuha nalang ng lumuha na sana isang araw mailuwal na ang 'Balance' na siyang magbibigay ng balanse sa buong kaharian.

Isang kaharian na nahahati sa dalawang grupo. Tinawag ang isa na The Wooden City kung saan namamalagi ang Dyosang Alexia, na siyang tinatawag na Priestess of the wood.

At ang parteng nag rerebelde naman ay tinatawag nila ang kanilang syudad na, The Queen Skylight. At gusto nilang sakupin ang lahat ng kaharian ng Vaneiah, at gawin itong isa nalang sa mga alipin nila. Masyado na silang maraming nasasakop, ang bawat siyudad sa Vaneiah ay unti-unti nang napunta sa kanila. Ang iba'y sapilitang sinasakop, at ang iba naman ay kusang nagpapasakop dahil sa takot.

Ang The Wooden city nalang, at iba pang kaunting siyudad na nasa ilalim nito ang siyang lumalaban upang maipagtanggol ang kanilang kalayaan. Hindi maipagkakailang mas marami ang hukbong sandatahan ng The Queen Skylight kaysa The Wooden City.

Walang alinlangan na lumusob ang mga rebelde, hindi manlang nila iniisip na maaaring magalit ang malambot na puso ng kanilang Dyosa or siyang Ruler din ng Vaneiah. At maaari silang lipulin sa isang iglap lang. Pero hindi sila natinag kahit sa palaisipang yun.

"HINDI MAKAKAYA NI DYOSANG ALEXIA NA LIPULIN TAYONG LAHAT! KAYA WAG NA WAG KAYONG MATATAKOT! DAHIL SOBRANG LAMBOT NG KANYANG PUSO PARA PATAYIN NIYA TAYO SA SARILI NIYANG MGA KAMAY!" Sigaw ng heneral ng mga rebelde na kung tawagin ay Kassim. Isang gabi bago sila tuluyang lumusob sa kabilang dako.

Nagsisigawan naman ang mga sakop nito, na para bang sobrang saya nila at siguradong mananalo sila laban sa hukbo ng Heneral na si Ezekiel, ang heneral ng The Wooden City.

Ilang buwan ang lumipas at walang sumuko sa kanila, walang tumitigil. Bawat araw ay patayan, umaalingasaw na ang amoy ng dugo sa hangin. Ang mga dugong nanghihingi ng tulong mula sa dyosa ng buwan.

Hindi maipagkakailang dito lamang nahirapan ang malawak na hukbo ng Heneral Kassim. Kadalasan kasi ay natatapos agad ang laban sa loob lamang ng isang linggo, at umuuwi silang nagdidiwang.

Ngunit sa labanang ito, inabot sila ng ilang buwan at hindi parin natatapos. Umiiyak ang langit dahil sa nangyayare. Nagagalit ang araw dahil sa labanan. Mas lalong dumidilim ang paligid. Sa sobrang dami ng namatay, sa sobrang brutal ng patayan, matutupad na ang sinabi sa propesiya.

'Isang matinding labanan ang mangyayare, ang dugong humihingi ng tulong sa kalangitan ay siyang magiging basehan ng kadiliman. Dahil sa tindi ng hiyawan, dahil sa kasagsagan ng kasamaan. Mabubuhay ang isang nilalang na siyang tuluyang sisira sa buong kaharian. Ang isang nilalang na magiging Reyna ng kadiliman'

Unti-unti ngang nagdidilim ang paligid, at mas lalo pang umiigting ang patayan. Ang hiyaw ng pagmamakaawa. Walang nagawa nag dyosa nila kundi ang magbuhos na lamang ng luha. Wala siyang magagawa kundi ang mag antay ng isa pang malagim na buwan.

"Kumapit kayo at lumaban. Dahil nakakuha ako ng mensahe mula sa dyosa ng buwan. Limang buwan mula ngayon, mabubuhay na ang balanseng inantay natin isang libong taon na ang nakaraan." Ang sabi ng Dyosang Alexia sa hukbo ni Heneral Ezekiel apat na buwan na ang nakalipas. Isang gabi bago pa man magsimula ang madugong digmaan.

Lumipas ang isang buwan, at nagsisigaw na ang babaeng nagdadalang tao sa kambal. Sobrang saya ng mga tao sa paligid at nagawa pa nilang magdiwang sa kabila ng kaguluhang nagaganap.

Lumiwanag ang buong kalangitan, napatigil ang lahat sa digmaan. Nabalot ng ngiti ang mukha ng Dyosa. Nabalot naman ng takot ang hukbo ng mga rebelde. Ngunit hindi nagpatinag si Heneral Kassim, nilusob niya parin ang walang malay na si Heneral Ezekiel at tinaas nito ang espada at idinuyan patungo sa leeg ng lumuluhang Heneral dahil sa kaligayahan. Na sa wakas dumating na ang balanse ng kaharian. Sa wakas pagkatapos ng siyam na buwan na paghihirap ng kanyang asawa, ay tuluyan na ngang nailuwal ang kambal niya. Pero lingid sa kaalaman niyang yun na rin ang wakas ng kanyang buhay.

"The Balance's finally Born!" Natutuwang sigaw ng Dyosang Alexia.

Ngunit kasabay ng pagsigaw niyang nun, ay ang pagpugot ng ulo ni Heneral Ezekiel. Ang batang kanina'y tahimik lang, ay biglang humagulgol sa iyak na siyang nagpabingi sa buong paligid. Umabot ang iyak nila sa lugar ng digmaan, at narinig iyon ng hukbo ng mga rebelde na siyang dahilan kung bakit sila tuluyang umatras.

"Ngayon, ang sinabi sa propesiya ay tuluyan ng nagaganap. Maraming nagsakripisyo, maraming dugo ang naibuhos bago sila tuluyang dumating. Dapat ay iluwal na din ang siyang magiging katuwang ng mga balanse. Ang bagong anak ng Valencourt ngayon ay isisilang na. Ngunit kasabay nito ay ang pagdating ng isang batang galing sa kadiliman. Sana lamang ay hindi ganon ka tindi ang maging pinsala niya sa kaharian." Ang sabi ng Dyosang Alexia.

Umiiyak naman ang mga nasasakupan nito, dahil iiwan niya na ng tuluyan ang Vaneiah. Dahil hindi maaaring magkaroon ng dalawang Dyosa o Ruler ang Vaneiah.

Hinawakan niya ang noo ng dalawang bata bago tuluyang lisanin ang kaharian at manatili na sa lugar kung nasaan naroon ang kanyang mga ninuno. Ang Buwan. Umilaw ang noo ng dalawang bata na hinawakan niya.

"Yin-Yang!" Bigkas nito. Ngumiti ito bago nagpatuloy. "Ang Yin ay tatawaging Hector, na siyang magbibigay ng balanse sa kapatid nito. Siya ang magbibigay ng control sa kapangyarihang bibitawan ng kanyang kambal. Ang Yang naman ay tatawaging Carter, isang madirigmang walang awa. Maihahalintulad siya sa kasamaan, ngunit hindi siya kikitil ng buhay na walang dahilan." Malawak ang ngiti ng Dyosa, bago siya tuluyang nagliwanag.

Nagsitabunan naman ng kanilang mga mata ang mga taong nasa paligid dahilan ng sobrang pagkasilaw. Ngumiti ito bago tuluyang lumisan. Pagkaalis nito ay biglang nabalot ng kadiliman ang paligid na siyang nagpasindak sa lahat. Isang malakas na tawa ang kanilang narinig. Ngunit nawala din ng umalingawngaw ang iyak ng isang bata sa loob ng kakahuyan.

Pero bago pa man tuluyang lumisan ang kadiliman, nakita ng mga tao kung paano umilaw ang simbulo Yin sa noo ni Hector. At bigla itong nabuo. Samantalang nawala naman ang Yang na simbolo sa noo ni Carter. Hindi nila ito binigyang pansin, bagkos ay nagsitakbuhan sila patungong kakahuyan upang salubungin ang bagong batang Valencourt. Ang Anak ng kakahuyan, ang Dyosa ng Vaneiah. Ang Ruler ng kaharian, na siyang magiging kasangga ng mga balanse.

Si Samantha Valencourt.

*****

So, The first part ends there. Sana po ay magustuhan niyo. And I would like to hear some feedbacks from you. Thanks you.

Anyways, thanks for the cover MelainieeeMoto

DO NOT COPY OR DISTRIBUTE THIS PIECE WITHOUT ANY PERMISSION. PLAGIARISM IS A CRIME.

ALL RIGHTS RESERVED!

~TEOM

The Balance is Born! | Book 2 Of The Kingdom Of VaneiahWhere stories live. Discover now