Chapter 2.

22 0 0
                                    

MANSANAS

[15 years later]

Carter's Pov:

Arghhhhhhh! Sarap mag stretch sa umaga. Ang sinag ng araw, nakakabuhay. A morning breeze! Ngayon ang unang araw ng pagpasok namin sa training academy ng Vaneiah, kung saan kami magsasanay para sa digmaan.

Sinasabi nilang mayroong threat sa Vaneiah, kahit na para sa akin sobrang payapa naman ng lugar na ito. Sinabi nilang dapat paring maging handa sa lahat ng oras, huwag dapat magpaka-kampante dahil hindi lahat ng nakangiti sa'yo, ay mga kaibigan mo.

Nilibot ko ang tingin ko, sobrang saya tingnan ng mga punong sumasayaw kasabay ng hanging umiihip. Dito nanaman ako sa isang malaking puno ng Nara nakatulog. Pero nas matindi ngayon dahil sa ibabaw ako ng sanga nito at hindi manlang ako nahulog.

Dumapo ang tingin ko sa dalawang taong naghahabulan. Bagay na bagay talaga sila, ang kapatid kong matipuno at ang kaibigan naming si Samantha na sobrang ganda. Tila ba isa siyang dyosa ng kagubatang ito ng Vaneiah.

"Carter! Halika, bumaba kana riyan!" Sigaw sa akin ni Samantha.

Agad naman akong bumaba mula sa Nara. Tumalon ako mula sa itaas ng sanga, pero syempre may tali ang baywang ko. Akala niyo ba hahayaan ko kalang na mahulog ako mula sa pagkakatulog? Gusto ko pang mabuhay.

"Anong pakiramdam ng nakakatulog?" Tanong niya agad sa akin na parang nagtataka.

Silang dalawa ni Hector, ni minsan ay hindi ko pa sila nakikitang nakatulog ng matagal. Hindi ko alam kung anong meron sa kanila. Sila lang tong naiiba sa buong Vaneiah. Nagagawa nilang hindi matulog kahit pa sa isang buong linggo. Samantalang ako, di ko magawang magising buong araw. Pakiramdam ko kasi nanghihina ako kapag di ako nakatulog.

Tiningnan ko ang mga mata nilang nagtatanong. "Masarap sa pakiramdam." Sagot ko. "Hindi nanaman ba kayo natulog?" Umiling silang pareho pero hindi naman sila napupuyat.

"Punta na tayong paaralan Carter. Kanina pa yata sila nagsisimula. Wag mong sabihing porket kuya natin ang tagapangasiwa doon, ay magpapakakampante kana? Gaya ng sabi niya, wala siyang kikilalanin kapag nasa training ground tayo." Dire-diretsong sabi ni Hector.

"Andaming sinasabi eh! Mauna ka na nga dun. Maghahanap lang ako ng makakain, nagugutom ako eh." Sagot ko.

Napatingin kami sa babaeng nakangiti habang pinagmamasdan kaming dalawa ng kapatid ko. "What?!" Sabay naming tanong.

"Until now, nabibighani parin ako sa inyong dalawa. Tila ba iisang tao lang kayong nagbabangayan." Paliwanag niyang naka-ngiti.

Sabay naming tinulak ang noo niya para magising sa katotohanan na magkaibang tao kaming dalawa ni Hector. Nagtawanan kami habang umaalis sa kagubatang iyon. Pagkatapak namin sa kapatagan, muling nilingon ni Samantha ang gubat na pinagmulan namin kanina na para bang nagpapaalam.

"Ano pa bang tinitingnan mo jan? Halika ka na! Hindi naman tatakbo yang gubat palayo eh." Sambir ko sabay hila ko sa kanya. At nagpatianod naman siya sa paghila ko.

Tinakbo namin ang tatlong milyang layo para makarating sa paaralan kung saan kami magsasanay. Nakahawak ang kamay ko kay Samantha, habang si Hector naman ay nauunang tumakbo.

"Hector! Hahaha, mag antay ka naman!" Sigaw ni Sam kay Hector.

Magsisinungaling ako kung sasabihin kong di ko gusto si Sam. Sobra siyang perpekto para sa isang normal na nilalang. Ang kaya lang ay kaibigan ko siya, at mukhang gusto niya ang kapatid ko. Kaya noon pa man ay hindi ko na binalak na pagpantasyahan pa siya.

Binitawan ko ang kamay ko sa pagkakahawak kay Sam. Napahinto kaming pareho, at nang napansin yun ni Hector ay tumigil din siya sa unahan. Tumingin siya sa akin at nang magtatanong na siya ay inunahan ko na.

"Uuwi lang ako sandali, kakain muna ako sobrang gutom ko na eh. Susunod ako agad sa inyo." Sabi ko nang hindi ko na inantay ang tanong niya at agad na kumaripas ng takbo patungo sa kabilang direksyon kung nasaan ang tirahan namin.

"Carter!" Sigaw ni Hector. "Mapapagalitan ka talaga pagdating mo doon!" Dugtong niya. Pero di ko siya pinansin at nagpatuloy parin sa pagtakbo.

Nang lumingon ako ay nakita ko na silang tumakbo patungo sa paaralan. Dumeretso ako agad sa bahay para kumain. Pero pagbukas ko ng pintuan, may nakita akong isang taong medyo pamilyar ang hitsura na nakatitig sa ina kong walang malay na natutulog.

"Sino ka?!" Tanong ko sabay sarado ng pintuan at bunot ng maliit na espadang nasa tagiliran ko.

"Shhhh!" Sabi nito, sabay lagay ng daliri sa harap ng labi niya. "Baka magising natin ang iyong ina. Halika dito sa kusina ninyo, at dito tayo mag-usap." Dugtong nito.

Sumunod naman ako sa gusto niya. Nauna siyang pumunta sa kusina, at sumunod ako habang nakatutok parin ang espada ko sa kaniya. Ni wala man lang halong takot o pagkasindak sa mukha niya. Humarap siya sa akin at ngumiti. Inilahad niya ang kamay sa kabilang gilid na para bang tinuturo kung ano ang nandoon. Isang basket na puno ng mga prutas.

"Alam kong mahilig kang kumain, Carter. Kaya siniguro kong magdala ng maraming prutas sa pagbisita ko sa inyo." Sabi nito.

Mas lalong nag-init ang dugo ko, at tinitigan ko siya ng mga nagliliyab kong mga mata. Pero hindi literal na nagliyab ha, expression lang yun.

"Pano mo ako nakilala?! Sino kaba talaga?!" Tanong kong medyo pasigaw na bumubulong.

Pero sa kabila ng pinakita ko, ay nagawa parin niyang ngumiti. Pumulot siya ng isang mansanas mula sa basket at tinapon ito sa akin. Sinalo ko naman ito agad ng nakatingin parin sa kaniya. Tila ba inaantay niya lang ang pagkagat ko kito bago nagsalita ulit.

"Pagkatapos ng labing limang taon, ngayon lang ulit ako nakabisita dito. Isa ka palang sanggol noong huli kitang nakita." Nakangiti niyang sinabi. Pero tinitigan ko lang siya, at parang naging senyales iyon sa kanya para magpatuloy sa pagsasalita.

"Matalik kaming nagkakaibigan ng iyong ama at ina. Pero mula nung ipinanganak na kayo ng iyong ina, ay nagsimula na akong lumayo. Minahal ko ang iyong ina, kaya masakit para sa akin ang makita ang babaeng minamahal ko na magluwal ng sanggol na mula sa ibang lalaki. At hindi lang isa, kundi dalawang sanggol. Kaya mula noon ay iginugol ko na ang sarili ko sa pangangaso, kaya hindi na ako muli nakadalaw pa sa inyo." Kwento niya.

May pagtataka sa isip ko, pano niya sinabing ang pagluwal palang samin ni ina ang dahilan ng paglayo niya?

"Bakit hindi ka agad lumayo noong iniluwal ni ina ang kuya namin?" Pagtatakang tanong ko.

Ngumiti lang ito at tumingin sa likuran ko bago ngumiti. "Siguro ay hanggang dito nalang muna ang kwentuhan natin hijo." Sabi nito sabay gulo ng buhok ko.

"Teka anong pangalan mo?" Pagtapos kong sabihin yun ay biglang bumukas ang pinto kaya napalingon kaagad ako. Dumapo ang mata ko sa nagliliyab na mata ng kuya ko.

"CARTER!" Sigaw niya pagkapasok pa lamang niya sa bahay.

"Kuya natagalan ako dahil meron tayong-" napatigil ako sa sinabi ko nang hindi ko na makita ang taong nakausap ko kanina. "B-bisita?" Nauutal at patanong na dugtong ko.

Hindi siya agad umimik at lumingon siya sa kinaruruonan ng aking ina. Pag silip ko ay nakaupo na si ina mula sa pagkakatulog. May mga tanong sa mata ko habang pabalik-balik ko silang tinitingnan. Nang maalala nilang nandon pa ako, ay agad akong pinalabas ni kuya.

"Mauna kana dun! At mamaya na tayo magsingilan Carter! Hindi porket magkapatid tayo, ay akala mo'y hindi na kita mapaparusahan." Aniya.

Halos hindi ko pansinin ang sinabi niya, dahil nakatingin parin ako sa ina kong nakayuko at parang nag-aalala habang tinutulak ako ng kapatid ko palabas.

Masama ang kutob ko sa pinapakita nila, pero bakit kailangan pa nilang itago yun? Ang yung lalaking nakausap ko, sino siya? Malik mata lang ba ang lahat ng yun, kasi bigla na lamang siyang nawala. Pero nasa kamay ko parin ang mansanas na binigay niya, meron talagang mali.

****

Please

Vote

And

Comment

Thank you.

The Balance is Born! | Book 2 Of The Kingdom Of VaneiahWhere stories live. Discover now