Chapter 1.

37 2 0
                                    

THE CITY OF THE UNDEAD.

Matapos ang isang malagim na digmaan, mas lalong nagkaroon ng tension sa pagitan ng dalawang grupo. Ang hukbo ng Heneral Kassim, at ang The Wooden City. Ngunit hindi na nasundan pa ulit ang away nila.

Lumipas ang mga taon, habang lumalaki ang mga batang tinuring nilang tagapagligtas ang mga batang magbibigay ng balanse sa buong Vaneiah, unti-unting naging tahimik ang buong kaharian.

Maging ang mga sinakop noon ng hukbo ni Heneral Kassim ay walang takot na nagbalik loob sa The Wooden City. At ngayon, kalahati na ng buong Vaneiah ang The Wooden City, ganon din ang The Queen Skylight.

Sinanay ng mga sundalong natira noon sa labanan ang mga batang gustong maging parte ng hukbo. Bata, babae, lalaki, at matatanda. Dahil noon, hindi nila sinasali ang mga babae at matatanda sa labanan, dahil magiging pabigat lang umano sila sa hukbo.

"Hindi lang kakisigan ang dapat na tinitingnan kung mamimili tayo ng mga sundalo. Bagkos ay ang kanilang determinasyon. Kaya simula ngayon, mapa bata o matanda, lakaki o babae, basta gustong magsanay, tatanggapin natin sila!" Wika ng kanang kamay noon ng Heneral Ezekiel. Siya na ngayon ang namumuno sa buong hukbo.

Siya ang panganay na anak ni Ezekiel na ang pangalan ay Jethro dahil umano sa kakisigan nito. Isa siya sa pinakamalakas na mandirigma ng The Wooden City. At yun ang dahilan kung bakit siya naging kanang kamay ng kanyang ama.

Iniidulo niya ang kanyang ama, ngunit mayroon siyang sariling prinsipyo na taliwas sa prinsipyo ng kanyang ama. At yun ay ang kunin ang lahat ng determinadong mandirigma.

Nagtayo sila ng paaralan na kung saan maaaring mag-sanay ang nga bagong pasok na mga sundalo. Isang Mythical Kingdom ang Vaneiah, ngunit hindi lahat ay mayroong kapangyarihan. Kadalasan sa kanila, ay sariling lakas at pagsasanay lamang ang binabasehan sa pakikipag laban.

Hindi katulad sa hukbo ni Heneral Kassim na kasabay ng pagliyab ng galit sa mga puso nila, ay gayun din ang pagliyab ng kanilang mga espada. Sobrang galit at pagsisisi ang naramdaman ng Heneral Kassim noong hindi nila nasakop ang The Wooden City. Hindi niya matanggap at para sa kaniya ay natalo sila.

Ilang taon na ang nakakalipas, ngunit hindi parin niya naililibing ang ulong pugot ni Heneral Ezekiel. Hindi lang ordinaryong galit ang nararamdaman niya dito, kundi galit ng paghihigante.

Noong mga kabataan palang nina Heneral Kassim at Ezekiel, ay matalik silang magkaibigan. Halos hindi umalis si Kassim, kung hindi kasama si Ezekiel. Napagkamalan pa ang isa sa kanila noon na bakla, dahil sa pagiging malapit nila sa isa't isa.

Ngunit ang tadhana'y sadyang mapaglaro. Isang araw, may isang dalaga silang parehong nagustuhan. Ang dalagang anak isang ordinaryong magsasaka. Hindi sinabi ni Ezekiel kay Kassim na may gusto rin siya sa dalagang iyon. Kaya naman kampante si Kassim na pumoporma sa kaniya.

Mayumi, yan ang pangalan ng dalaga. Halos araw-araw kung magbisita si Kassim sa kaniya, at si Ezekiel naman ay sumasama din. Sobrang saya ang naramdaman niya noon, at hindi niyo na siguro kailangan itanong kung bakit ganon na lamang ang galit niya ngayon.

Isang araw, nabalitaan ni Kassim na ikakasal na si Ezekiel at Mayumi. Hindi siya makapaniwala kaya naman ay pinuntahan niya ang kaibigan at napatunayan niyang totoo nga ang balita na dumating sa kaniya.

"Anong ibig sabihin nito dude? Akala ko ba magkaibigan tayo, pano mo nagawa sakin to?" Diretsong tanong ni Kassim sa kaibigan.

"Pasensya na kung hindi ko sinabi sayo noon dude, alam ko namang maiintindihan mo ako eh. Pasensya na talaga, pero noon kada pagpunta mo doon, sumasama ako hindi para samahan ka. Kundi para makita ang dalagang nagpatibok sa puso ko." Paliwanag nito.

Hindi napigilan ni Kassim ang sarili at na suntok niya ang kaibigan sa harap ng maraming taong nagdidiwang sa kasal.

"H-hindi ko akalaing magagawa mo akong traydorin Zeke! Isa kang traydor! Pagsisisihan mo ang ginawa mong to ngayon!" Sigaw niya bago tuluyang lisanin ang lugar. At mula nung araw na yun ay wala na silang naging balita mula sa kanya, hanggang sa nabalitaan na lamang nila ang bagong rebeldeng nabuo sa kabilang dako.

"Hindi ko pa nakakalimutan ang pagtatraydor mo sa akin noon Zeke! At ngayong nagkaroon ka ng bagong anak, ako mismo ang papatay sa kanila! Balita ko'y gumawa sila ng paaralan para makapag sanay ang mga determinadong mandirigma. Hahayaan ko muna silang magsanay bago sila paslangin!" Galit na sabi ni Kassim habang nakatingin sa ulong pugot ng dating kaibigan.

Sa sobrang pag igting ng galit mula sa kanya, ay naakit niya ang kadiliman. Nagdilim ang buong paligid ng Queen Skylight, at nasindak ang mga taong nakatira doon. Nagkaroon ng boundary ang The Wooden City, at The Queen Skylight. Tuluyan na itong nahati sa dalawa. Ang kadiliman at ang liwanag. Umilaw ulit ang simbolong Yin-Yang sa noo ni Hector pagkatapos nun. Isang hudyat na papalapit nang mangyare ang nakasulat sa propesiya na ang buong Vaneiah ay mawawasak dahil sa pag-aaway ng dalawang taong dapat magbigay ng balanse sa buong kaharian.

"Kassim!" Tawag isang boses ng babae sa kawalan. Isang boses na tila ba isang mankukulam. Kinilabutan si Kassim, ngunit hindi niya iyon pinakita.

"Sino ka at anong kailangan mo?! Lumabas ka at magtoos tayo ngayon din!" Sigaw niya sa kawalan at naghablot ng espada para maghamon.

Ngunit tinawag lang ulit siya ng isang boses, at ngayon ay unti-unti na itong nagkaroon ng hugis. "Kassim!"

"S-sino ka? At anong kailangan mo?" Nanginginig na tanong nito.

"Ikaw!" Sabay turo sa kanya ng babae. "Ikaw ang kailangan ko." Bigkas nito.

Mas lalong nanginginig sa takot si Kassim sa kauna-unahang pagkakataon sa lumipas na napaka-raming taon. Napaluhod siya ng mapag tanto na ang kausap niya ay hindi ordinaryong tao kundi isang Reyna ng kadiliman.

"Wag kang matakot Kassim. Nandito ako upang sabihin sa iyo na ikaw-" turo nito sa nakaluhod na heneral. "Ikaw ang dahilan ng madugong digmaan na siyang nagpabuhay sa akin. Kaya ikaw ang ituturing na Ama ng kadiliman!" Sabi nito na may ngiti sa kaniyang labi.

"T-tatanggapin ko ang papuri ninyo, mahal na reyna!" Agad na tugon nito.

Sa mismong oras na yun, ang suot ni Kassim na kasuotang pandigma ay dumikit na sa kaniyang katawan. Nagkaroon siya ng napakalakas na kapangyarihan. Siya at ang kasuotang pandigma niya ay naging iisa.

Ganun din ang nangyare sa kaniyang hukbo na nasa palasyo niya. Lahat sila'y naging iisa sa kanilang kasuotang pandigma. Puno ng hiyawan ang maririnig sa buong palasyo ni Kassim. At maging ang kaniyang palasyo ay unti-unting naging malagim kung tingnan.

"The City of the Undead!" Nakangising bigkas ng babae.

Tumawa ng malakas na tawa si Kassim na umalingawngaw sa buong siyudad. Naglilyab ang mga mata niya, na para bang sinindihan ito. May tumubong sungay sa kaniyang helmet, at sa kaniyang warrior vest.

"Maghahari ang kadiliman!" Sambit niya. "Sasakupin natin ang buong Vaneiah!"

"Gawin mo ang lahat habang wala ako dito ama. Makikipagsapalaran ako sa mundo ng mga mortal, at dun ko sisimulan ang naunang plano. Ang pag-awayin ang kambal, na siyang balanse ng Vaneiah. Pagkalipas ng labing walong taon, babalik ako dito at isasagawa na ang tuluyang pagsakop sa buong kaharian. At ako mismo ang kikitil sa buhay ng Dyosang Samantha Valencourt!" Sambit ng babae sa kadiliman.

"Masusunod mahal na reyna! Unti-unti kong sasakupin ang kaharian, at pagbalik mo'y ipagdiriwang natin ang tagumpay!" Kompiyansang sambit ni Kassim.

Kumulob at kumidlat sa Queen Skylight o siyang The City of the Undead ngayon. Ngunit sa kabilang dako naman ng kaharian ay kalmado. Matirik ang araw at mapayapa ang paligid.

SASAKUPIN KO ANG KAHARIANG DAPAT AY SA AKIN! ANG KAHARIAN NA INAANKIN NG KAKAMBAL KONG SI SAMANTHA! AKO SI CASSANDRA VALENCOURT, ANG ANAK NG KADILIMAN!!

*****

Always send me your thoughts, then comment niyo mga errors please. I would like to hear some feedbacks. Thank you.

Vote

And

Comment

~TEOM

The Balance is Born! | Book 2 Of The Kingdom Of VaneiahWhere stories live. Discover now