Ulan
(One-shot)
©LouistheGreat
Kung ako lang, gusto kong ‘wag ng huminto ‘tong ulan. Para naman makasama pa kita nang matagal.
~~~~~~
Bakit ba umuulan? Ang alam ko lang naman eh may tinatawag na water cycle kaya ganun. Basta yun na yun.
‘Pag umuulan, feeling ko ang lungkot ko. Bakit? Ewan ko din eh. Ang gloomy ng atmosphere kapag umuulan.
Malamig.
Basa.
Maingay.
Parang umiiyak ang langit. Malungkot din ba ito? Kung ganoon, para pala sa malulungkot na tao ang ulan.
“Luke, Luke!”napatingin ako sa nagsasalita. Si Xandra pala, “Kanina pa kita tinatawag, ‘di ka naman tumitingin.”
“Pasensya na,” sabi ko saka kinuha ang hawak nyang pagkain. Nagpabili kasi ako sa kanya sa canteen.
“Sus. Lagi naman eh. Kanina ka pa nakatingin dyan sa labas ng bintana. Ano bang meron dyan?” tanong nya saka tumingin sa labas.
“Wala. Salamat pala.”
--
Natapos na ang klase namin at umuulan pa rin. Hindi na ba ito titigil? Buti na lang at may dala akong payong.
“Luke, wait,” si Xandra ulit pero kasama na niya si Khate, “Sasabay daw sana sa atin sa pag-uwi si Khate.”
“Okay, tara,” di kami masyadong close ni Khate. Minsan lang kami mag-usap niyan. Kahit sabihin mong magkaklase pa kami, limited pa rin yung time na nagkakausap kami.
Tahimik lang kaming naglalakad nang magsimulang magsalita si Xandra. Share pala sila sa payong ni Khate at ako ay solo lang.
“Alam niyo ba ang bagong isyu today sa room? Si Beatrix, buntis daw kaya di na pumapasok ng 3 weeks.”
Tumango-tango lang kami ni Khate. Wala naman akong masyadong reaction sa sinabi niya. Expected ko naman na kasing mangyayari yun sa kaklase namin. Ako kasi yung ama eh.
.
.
.
Biro lang :P
“Oh my! Ahm, Luke, pwede bang ikaw na lang ang maghatid kay Khate? I need to go home na eh,” sabi niya saka inilapit si Khate sa akin para hindi mabasa.
“Okay lang. Share na lang kami. Sige na. Mukhang importante yan eh,” pagpapaalam ko sa kanya.
“Sige guys. Una na ako,” pagpapaalam niya at kumaway sa amin. Tumango lang ako at kumaway pabalik si Khate.
“Tara, gusto mo bang kumain muna?”
“A-ano, ayos lang.”
Pumunta muna kami ng convenience store para bumili ng cup noodles. Sakto ‘to para sa malamig na panahon.
“Ako na magbabayad,” pagpepresenta ko.
Matapos kong bayaran ay humingi ako ng hot water. Since kaibigan ko naman yung isa sa mga staff dito ay madali lang akong nakahingi.
Pumunta ako sa pwesto kung saan sya naroroon. May mga upuan at tables na rin dito para sa mga customers.
“Ito oh,” abot ko sa kanya, “Careful. Medyo mainit pa ‘yan.”
“Salamat.”
“Wag kang mailang sa akin. Gusto ko sa mga taong madadaladal,” sabi ko sa kanya saka humigop ng sabaw.