Kulit mo-
(One-shot)
©LouistheGreat
Nung ginagawa mo, naiinis ako. Pero nung tinigil mo, namiss ko.
~~~~~~
“Kelan mo ko sasagutin?” si Ken. Alam nyo kung pang-ilang beses nya na yan tinatanong? Halos di na mabilang ng sampung daliri ko sa kamay.
“Nanliligaw ka ba?” tanong ko. ‘di ko kasi ramdam yang panliligaw niya.
“Oo naman. Di mo ba ramdam? Aww. </3” sabi nya habang nakahawak pa ang kamay sa dibdib nya. Nagawa niya pang magpacute sa akin ah.
“Pwes, itigil mo na yan kasi ngayon pa lang, wala ka ng pag-asa. Di ako mahilig sa makukulit na katulad mo,” sabi ko na lang para tumigil na siya.
Inub-ob ko na lang ang ulo ko sa desk habang inaantay ang next teacher namin. Wala na rin akong narinig galing sa kanya. Siguro umalis na.
Ang totoo niyan, nabwibwiset ako sa tuwing tinatanong niya kung kelan ko siya sasagutin. Wala naman akong balak kaya sinabi ko na yun. Anong magagawa ko? Eh sa wala akong maramdamang spark sa kanya eh.
.
.
.
“Ms. Christy Delos Reyes, ang lalim ata ng iniisip natin?” napa-angat ako ng ulo nang marinig kong tinanong ako ni ma’am.
Sheyt! Di ko man lang napansin na nandito nap ala si Ma’am. “Sorry po.”
“Mind to share your problems?” naman Ma’am! Anong sasabihin ko? Na wala akong nararamdamang sparks kay Ken kaya di ko siya magawang sagutin? Leshe naman.
“A-ano p-po. N-naisip ko lang po k-kung paano ko po babalansehin ang pag-aaral at pagsasayaw,” ito yung unang pumasok sa isip ko. Bahala na.
“Sus! Totoo ba yan?” sabi ng isa sa mga klasmeyt ko.
Tado yun ah!
“Tingin mo? Mukha ba akong nagbibiro?” Naku! Pag ganitong medyo badtrip ako, wag na wag mo kong sasagot-sagutin.
“Okay class, settle down now,” salamat ma’am kung hindi baka masampal ko na kung sino man yung umepal na yun.
--
Pagkauwian, lumabas agad ako ng gate. Baka kasi makita ako ni Ken at magpumilit na ihatid pa ako sa bahay. Lumingon-lingon pa ako. Pero wala. Wala ni anino ni Ken. Siguro napagod na rin yun.
Buti na yon at tumigil na sya. Nakakabanas din na bawat pag-uwi ko, nandyan siya at nakabuntot sa akin.
Pagkauwi ko ng bahay, agad akong umakyat sa kwarto ko at nagbihis. Hindi na ako kakain. Kumain na rin naman ako sa MCDO kanina bago tuluyang umuwi.
Binuksan ko ang laptop ko saka naglog-in sa FB.
Username________________ Password________________Log in
Pagbukas ko, nakita kong naka-online si Ken. Normally, pag-ol ako, icha-chat ako nyan at kukulitin. Pero ngayon? Ba’t hindi niya ako chinachat?
Eh ba’t naman ako ichachat nun? Ano ka ba, Christy? Don’t tell me, namimiss mo yung pangungulit nya?
Ano ba ito! Pati sarili ko kinakausap ko na. Nilog-out ko na lang at sinimulan ko ng gawin ang mga assignments ko.
--
“So, class magkakaroon tayo ng activity t ito ay gagawin nyo by pair. Ako ang pipili ng magiging kapareha nyo. Walang aangal ha. Ito ang unang pair, B1 and B2, C1 and C2, D4 and D5,………… Christy and Ken.”
The hell? Kami talaga ang magkapartner? Baka imbes na makatapos kami nyan eh wala kaming magawa dahil baka kulitin lang ako nyan.
-_- wala ba syang balak pumunta dito sa place ko? Okay. Ako na lang ang pupunta sa kanya. Hiya naman ako eh no.
“Simulan na natin agad para matapos ng mabilis,” nagulat ako sa sinabi niya. Si Ken ba talaga ‘to? Jolly siya at minsan mo lang maririnig ang pagiging cold sa boses nya. Hindi naman siya ganito umasta nitong mga nakaraang araw. Okay, nevermind. -_-
“Sige, simulan na natin.”
.
.
.
Natapos kami ng walng imikan. Ewan ko kung pa’no namin nagawa yung activity to think na by pair iyon. Hindi ako sanay sa asta nya ngayon. Hindi sa sinasabi kong namimiss ko yung old Ken pero mas gusto ko yung dating sya.
“Okay, ito ang mga pairs na nakaperfect sa ginawang activity. Blah…….. Lastly, Christy and Ken.”
“Congrats,” sabi nya nang hindi tumitingin sa akin.
“Congrats din,” sabi ko. Tumingin siya pero agad ding umiwas ng tingin.
Bumalik na ako sa upuan ko at nakinig na lang kay Ma’am.
--
Isang lingo na ang nakalipas matapos yung nangyaring activity. Sa loob ng isang linggong iyon, wala akong ginawa kundi ang tumunganga lang. Walang nangungulit, walang kumakalabit. In short, walang Ken.
Ewan ko ba dito sa sarili ko. Napansin ko lang, hinahanap-hanap ko na yung kakulitan niya. Hindi naman ako ganito dati, nabwibwiset pa nga ako kapag nararamdaman ko yung presesnsya nya eh.
Pero bakit ngayon? Ngayon na hindi nya ako kinukulit, namimiss kong gawin nya sa akin ulit yun?
Yung tipong tatanungin nya ko kung kelan ko sya sasagutin. Pipilitin nya akong ihatid pauwi, sasabayan niya akong kumain sa canteen kahit ayaw ko.
Hindi ko namalayan na may tumutulo na pa lang mainit na likido sa pisngi ko. Bakit ba ako umiiyak? Di ko naman kailangang umiyak nang dahil lang sa namimiss kong gawin niya ulit sa akin ang mga ‘yun.
Pwede ko naming sabihin sa kanyang kulitin ulit ako.
Tumigil na ba sya sa panliligaw nya? Ambilis nya naman sumuko. Di pa nga niya pinapatunayan na deserving siya eh.
.
.
O napatunayan niya na dati pa?
Ako lang ba o ang tanga ko lang talaga kasi ‘di ko agad napansin ‘tong nararamdaman ko sa kanya?
Mahal ko na ba sya?
Ito na ba yung love?
Kasi kung ito yun, masasabi kong LOVE sucks! Leshe kasi tong nararamdaman ko eh.
Kung dati ko pa kasi ‘to naramdaman, edi sana sinagot ko na sya. Kelangan pa palang mawala muna sya bago ko malaman ‘tong nararamdaman ko.
--
7:30 na. Late na ako sa unang subject ko. Kapuyat kasing magdrama eh.
Dumiretso akong CR para mag-ayos ng mukha since late na nga ako.
Pero sana pala, hindi na ako pumasok ng CR. Sana dumiretso na lang akong room. Sana….sana..
Masakit… OO. Nasasaktan ako ngayon sa nakikita ko.
Yung mga luha ko, nagbabadya na namang lumabas sa mga mata ko.
Masakit kasi makitang nakikipaghalikan ang taong mahal mo sa ibang tao.
Napansin siguro nilang may nakatingin sa kanila kaya napatigil sila sa ginagawa. Halata sa mukha ni Ken ang pagkagulat nang makita nya kung sino ang nakatingin.
Hindi niya siguro inexpect na makikita ko sila. “A-ano, s-sige, patuloy nyo lang yan” di ako masokista para mag-stay pa doon. Umalis agad ako at dali-daling tinungo ang classroom.
Tuluyan ng bumagsak ang mga luha ko. Ayaw ko na. Siguro ito din yung nararamdaman ni Ken nung mga panahong pinagtatabuyan ko siya.
Sana inamin ko na agad kung anong nararamdaman ko sa kanya. MAHAL KO NA SIYA.
---END---