Pasensya na—
(One-shot)
©LouistheGreat
Ni minsan ba, naisip mo itong nararamdaman ko? O patuloy akong aasa sa mga pinaggagagawa mo?
~~~
"Eunice, samahan mo naman ako sa canteen oh? Wala akong kasama eh. Iniwan ako nila Ivan," si Ryu na naman. Niyaya nya ba akong kumain kasama siya? Ang assumera ba?
"Ah, tara, wala rin akong kasama eh," pakipot pa ba ako? Si Ryu na yan oh! Ultimate crush ko yan. Enebe! -,-
Sa canteen—
"Libre na kita. Tutal, sinamahan mo na ako ngayon dito. Ano bang gusto mo?"
"A-ano na lang sa akin, yung burger atsaka yung orange juice," medyo ipit kong sabi sa kanya. Enebe.. Medyo nahihiya pa ako sa kanya. Shempre, crush ko yan. Ikaw nga, humarap ka sa crush mo. Nakakahiya diba? Charaught!
"Sige, antayin mo na lang ako sa table dun sa dulo," sabi nya at itinuro ang table na pag-uupuan naming dalawa.
Kaming dalawa lang talaga? Oh my! Boyfriend-girlfriend lang? enebeyen! Baka pagkamalan naman kaming magsyota nito.
"Ito na," shet! Ang gwapo niya talaga. Bakit naman siya iniwan ng mga kaibigan niya? Sa gwapo niyang to, iiwan pa sya. Pero nagpapasalamat pa rin ako kasi kung di nila iniwan sa Ryu, edi wala akong chance na makasama siya ngayon sa recess. OMG talaga!
"Kainin mo na yan. Baka dapuan pa ng langaw," concern ba sya sa akin? May gusto kaya siya sakin kaya nag-aalala siya? Ano ba 'tong naiisip ko? Nasobrahan na naman 'tong pagiging assuming ko.
"Ahm, Ryu, may nililigawan ka ba ngayon?" tanong ko. Curious ako eh.. di ko pa kasi sya nakikitang may kasamang ibang babae.
"Yup. At dalawang buwan ko na syang nililigawan," </3 Awtss. May nililigawan na pala ang Ryu ko.
Natapos kami sa pagkain nang nagbibiruan. Nilihis ko na lang ang usapan para di masyadong awkward. Syempre, sinimulan niya akong biro-biruin at ako pakyut lang. Iba talaga yung feeling kapg kayong dalawa lang ni crush yung magkasama.
Yung tipong buo na yung araw mo makita mo lang yung mukha niya, yung makasama mo lang siya ng ilang sandali at napapangiti ka na. pero may isang bagay na hindi niya nalalaman. Yun yung patuloy mo siyang iniibig pero wala siyang alam sa nararamdaman mo.
"Haayyy. Ansarap mabuhay at magpakamatay," sabi ko nang wala sa sarili.
"Anong problema?" shems! I forgot na nmagkatabi pala kami ni Ryu.
Minsan talaga pag naiisip ko yung mga happy moments namin na magkasama, well, hindi naman kami pero di ko talaga maiwasan na may gusto siya sa akin.
Hindi naman sa nag-aassume ako pero yun yung nararamdaman ko. Wala naming masama dun diba?
"Hey Eunice!" napapitlag ako nang marinig ko ang boses niya. Masyado bang malalim ang iniisip ko?
"Ah, Hey," medyo may pag-aalinlangan kong sagot.
"Kanina pa kita tinatawag and you're not paying your attention to me," wew, na-nosebleed naman po pala ako sa kanya.
"Pasensya na. ang gwapo mo kasi."
"Ha?" Sheyt! Ano bang sinabi? S-sinabi ko ba talagang gwapo siya?
"A-ano, ang ganda ko! Grabe!" sabay flip hair. Nakakahiya.
"Eunice, punta ka sa bahay later. Simulan na natin yung project," UMG! Masaya na sana kasi pupunta kami sa house nya. Akala ko papakilala nya ako sa parents nya. Yun pala gagawa kaming project.
Haayyy. "Okay Ryu. Uuwi na lang muna ako ng bahay namin then pupunta na lang ako sa inyo. Alam ko naman eh."
"Alam mo? Eh hindi ka pa naman nakapunta doon diba?" Eh? Ano ba yan! Nadulas na naman ako. Minsan ko kasi syang sinundan pauwi. Eh sa gusto kong malaman kung saan siya nakatira eh. Kayo rin naman, for sure alam niyo kung saan nakatira crush niyo. Aminin!!!
"A-ano, Pano? Una na ko? Ba-bye!" San naman ako pupunta? 'di pa nga tapos yung klase eh. Makalusot lang eh?
"Nagpunta lang akong CR at pumasok sa isang cubicle. Habang nasa loob ako at nagmumuni-muni, may mga narinig akong nag-uusap na babae. Malamang, san ka nakakita na lalaki sa CR ng girls? -,-
Nag-usap lang sila and I think dalawa lang sila. Chismosa at the moment ang peg ko ngayon. Hmp!
"Ghurl, kelan mo ba balak sagutin si papa Ryu? Mahigit 2 months ka na nyang nililigawan diba?" Ryu? Ultimate crush ko yun diba?
Eh? Bakang ibang Ryu iyon. Di lang naman siya ang nag-iisang Ryu diba?
"Wala naman akong balak sagutin iyon. Natutuwa lang lang ako sa company nya sa akin," waah!kawawa naman pala yung Ryu na 'yon. Naku! kapag si Ryu mylabs yun, masasabunutan ko yan.
Napansin kong tumahimik. Baka lumabas na. Lumabas na rin ako sa cubicle na pinagstay-an ko.
Bumalik ako sa room at nakita ko si Ryu na may katabing babae. Well, si Trixia yung babae. Maganda siya, makinis, maputi, halatang alaga ang katawan.
Oh! Parang familiar yung boses nya. Saan ko ba narinig yun?
.
.
.
Ah! Sa CR kanina.
So si Ryu yung nanliligaw sa kanya? Pro wait... di nya sasagutin si Ryu diba?
Agad akong lumapit sa kinaroroonan nila.
"Excuse me Trixia, kung di mo sasagutin si Ryu, sana hindi ka na nagpaligaw."
"A-ahm, Pardon?
"Wag mo kong mapardon pardon ah. Narinig ko kayo ng sa CR ng kasama mong babae. Pinag-uusapan nyo kung kelan sasagutin si Ryu. Tama ako diba?" sabi ko with matching taas ng kilay. Hmp! Kala nya ah.
"Wala ako-"
""Wag ka na nga mag-"
"Eunice, Enough! Halatang walang alam si Trixia sa sinasabi mo," napatingin ako kay Ryu habang sinasabi niya yun. Seriously? Ako ang nakarinig ng pinag-uusapan nila kaya alam ko ang nangyari.
"Pero Ryu, narinig ko kanina sa CR, di ka nya sasagutin. Hindi ako naagsisinu-"
"Alam mo Eunice, masyado ka lang napapraning. Don't act like you're stupid. Now, get out of our way."
WOW. Stupid... ako? Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa habang lumalabas ng room. Totoo naman yuing sinasabi ko eh. Bakit ba ayaw niyang maniwala?
---
"Eunice," napatingin ako sa nagsasalita. Pauwii na ako at heto, tinawag pa ako ni Ryu. Magsosorry kaya siya sa akin at babawiin yung mga sinabi nya? Hanggang ngayon umaasa pa rin ako na may gusto sya sa akin. Ah! may nililigawan pala siya.
Apat na araw na since nangyari yun. Hindi ko pa rin nakakalimutan.
"Ayaw kong masira 'tong friendship natin at ayaw kong at ayaw kitang masaktan. Pero iyong ginawa mo kay Trixia, sana huli na 'yon."
"P-pero Ryu, gusto kita. Matagal na, pwede bang paniwalaan mo ako?"
"Pasensya na Eunice, pero si Trixia yung gusto ko. Ayaw kong umasa ka na magkakagusto rin ako sa'yo. Kaya sana, kalimutan mo na ang nararamdaman mo sa akin. Mag-stay na lang tayo as friends. Mas okay 'yon diba?"
Naiiyak ako sa sinasabi niya. Bakit ba ayaw niya sa akin? Ako naman lagi ang nandyan para sa kanya. Ano bang nakita niya sa Trixia na yun na wala sa akin? Maganda rin naman ako.
Masyado ba akong naging assuming? Ang sakit naman nitong nararamdaman ko.
Sana pala, hindi ako msyadong umasa.
Ang tanga ko.
--END--