Basta--

23 2 0
                                    

Basta--

(one-shot)

©LouistheGreat

-xoxo-

"Sinubukan ko lang kung kaya mo akong ipaglaban, pero mukhang di mo pala kaya."

~~~

"Honey, bakit ka nga pala napatawag?" kausap ko ngayon sa phone si Neil, boyfriend ko.

"Gusto ko sana makausap ka ngayon. Magmeet tayo sa restaurant na lagi nating pinagtatambayan."

"Okay Honey. Ano bang pag-uusapan na--"

"Basta"

"Love yo-"

*toot*toot*

Ay? Anong problema nun? Di ako pinatapos? Wala pang I Love You too.

--

7:00 pm

Pagkatapos ko mag-ayos, dumiretso na ako dito sa restaurant na lagi naming pinagkakainan.

Naman! Ito talagang honry ko, magyaya lang ng date, pasupplado pang paraan. Pagpasok ko, nakita ko agad siya. Andon siya sa madalas naming pagpwestuhan. Umupo agad ako.

"Tara, mag-order na tayo," sabi ko. Nakatingin lang siya sa akin.

"Wag na. This won't take too long."

"O-okay. What is it ba?" okay? Medyo kinakabahan ako sa sasabihin niya. Masyado syang serious para sa isang jolly boyfriend na mayroon at nakilala ko.


"I'm breaking up with you."

O_O those 5 words.

"A-are you kidding? Neil, hindi magandang biro 'to," I know nagbibiro lang siya. Ganyan siya lagi.

"No, I'm not. That's final Melissa." sagot niya saka uminom ng tubig.

"No! Hindi ako papayag. Mahal kita. May nagawa ba akong mali? S-sabihin mo para mabago ko. Please wag mo kong i-break." nagmumukhang desperada dito sa pagmamakaawa sa kanya.

"Stop that. Stop begging me."

Pinagtitinginan na kami ng mga tao dito nagyon pero wala akong pakialam. Ano bang dahilan at parang biglaan na alng siyang nakipagbreak sa akin?

Lagi naman akong nandyan para sa kanya. in fact, lahat ng gusto niya, sinusunod at ginagawa ko.

"Ano bang dahilan?" tanong ko. Medyo nangingilid na ang luha ko.

"Basta. Ayaw ko na sayo" yun lang? Yun na yung rason nya?

"You want to break up with me? Fine, I give you what you want." sabi ko saka kinuha ang bag ko at lumabas ng resto. Wala na. Tuluyan nang bumuhos 'tong luha ko.

Nagdamit pa naman ako ng napakaganda ngayon. Ano bang nagawa ko para hiwalayan niya ako?

Hindi ko ba naibigay sa kanya lahat? Yung puri ko ba ang gusto niya? Ano ba tong pinag-iisip ko! Hindi ganoong tao si Neil.

Melissa! Mag-isip ka nga. Baka may nagawa kang hindi niya nagustuhan. Pero ano?

---

1 week. 1 week na kaming hindi nagkikita ni Neil. Wala na rin akong balita tungkol sa kanya. Tinawagan ko rin yung matalik nyang si Drei pero maging ito'y walang alam. Saan ko ba sya hahanapin?

-

1 year ago.

Andito ako sa park. Trip ko lang maglakad mag-isa. Hanggang ngayn, iniisip ko pa rin yung dahilan niya kung bakit ako hiniwalayan ni Neil. Hindi pa rin mawala yung sakit dito sa puso ko. Sigiro nga ganoon talaga, 'pag mahal mo ang isang tao, hindi agad mawawala ang sakit.

Siya kaya? Naisip niya kayang nasasaktan pa rin ako? May iba na kaya siya? Masaya ba sya? Haay.

May mga nagtangka pa rin namang manligaw sa akin. May naging boyfriend ako at may boyfriend ako ngayon. Si Drei ang boyfriend ko ngayon. 5 months na kami. Mabait siya, gentleman, at laging nag-alala sa akin.

Pero parang iba pa rin yung pakiramdam ko. Hindi ko alam kung mahal ko pa rin ba si Neil o hindi na. Masaya ako sa company ni Drei. Masayahin din siya. Siya yung tumulong sa akin na magmahal ulit.

Sa lalim ng iniisip ko, di ko napansin na may tao na pala sa harap ko at nabangga ko pa.

"S-sorry po," sabi ko habang tumatayo mula sa pagkabagsak.

"Melissa?" Yung boses na yun. Yung lalaking nagmamay-ari ng boses na yun. Isa lang ang kilala kong nagmamay-ari nun.

"N-neil," nakatitig lang ako sa mata nya. Wala pa ring pinagbago. Yun pa rin yung mga matang minahal ko.

"Kamusta na? Balita ko kayo na daw ni Drei ha?" bakit ganoon? Bakit parang wala lang sa kanya lahat? Minahal ba nya talaga ako? Parang walang sakit na knakikita sa mata niya.

"Ah-o-oo e. Neil, may gusto sana akong tanungin at sana sagutin m oako ng totoo. Ano bang dahilan mo, bakit nakipagbreak ka sa akin?"

Gusto ko malaman ang totoong dahilan. Alam kong may malalim na dahilan kung bakit siya nakipagbreak. Hindi pwede yung 'basta' lang.

"Gusto mo talaga malaman ano? Sinubukan lang kita kung kaya mo akong ipaglaban pero mukhang hindi pala. You failed."

O_O Failed? Ipaglaban? Alam nya ba kung ano ang pinagdaanan ko nang wala siya? Kung ilang gabi ako umiyak dahil sa pakikipagbreak niya?

"S-sinubukan mo lang ako? Alam mo bang lahat ginawa ko para hanapin ka? Para bumalik ka sa akin. Ngayon, sabihin mo sa akin, hindi pa ba sapat yun para ipaglaban ka? Yung mga luhang lumabas sa mga mata ko? Halos lumuha na ako ng dugo tapos sasasbihin mong hindi ko kayang ipaglaban ka? Neil naman! Hindi mo kailangang gawin yun para subukang malaman kung kaya kitang ipaglaban dahil sabihin mo man o hindi, ipaglalaban pa rin kita," umiiyak ako hindi dahil sa nasasaktan ako. Oo nasasaktan ako dahil sa ginawa niya.

"Ngayon, mahal mo pa ba ako? tanong ko sa kanya.

"Minahal kita at noon yun pero hindi ko na alam kung kaya pa kitang mahalin ngayon."

Wala na. Tapos na. Tapos na 'tong story namin. Alam kong ito na ang huli naming pagkikita. Hindi niya na ako mahal.

"Salamat sa oras mo. Sana hindi na tayo magkita pa dahil sa tuwing makikita kita, alam kong babalik at babalik lahat ng sakit. Paalam." sabi ko at naglakad palayo sa kanya.

Hindi ko na tinangka pang lumingon. Baka sa paglingon ko pang yon eh mas lalo ko pag saktan ang sarili ko.

--END-

BONDS(one-shot stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon