Hi! I'm Glenn, 15 years of age, 3rd year highschool, and I'm going to tell you a story of my love life. Some parts have the date because I can't forget it.
January 22, 2014
Kakauwi ko lang galing sa labas at akoy hindi pa nakain ay may sumundo sa akin sa bahay upang lumaban sa Dota dahil ito'y pustahan, at agad naman akong sumama dahil gusto kong maglaro kahit gutom na ako. Habang ako'y naglalaro ay may nag GM sa akin, at ang pangalan niya ay Joy, 2nd year highschool, Good Night na GM ang nilalaman ng kanyang text at ako'y kaagad nagreply ng "Good night Joy, sleep tight sleep well sweet dreams, I love you." at nagulat ako sa aking tinext dahil sa hindi naman kami masyadong close at ex siya ng tropa ko. At ang lalo kong ikinagulat ay nagreply siya ng "Good night Glenn, stsdsw, I love you too." At dahil doon ginanahan ako sa paglalaro ng dota at nanalo kami. Napaisip ako na siguro siya ang swerte sa buhay ko at kinabukasan nag pm ako sa kaniya sinabi ko na swerte siya sa buhay ko dahil magkatext kami kagabi at nanalo kami. Alam ko ang babaw ko pero yun na yun e. Tuloy tuloy ang pagiging sweet namin sa text, araw araw kaming magkatext na as in sweet talaga. Isang araw, napatext ako sa kaniya ng bakit ang sweet natin? At sumagot siya ng sweet ka kasi sa akin kaya sweet ako sayo. So yun, araw araw kami may I love you messages basta sweet kami. Isang gabi, napasama ako sa tropa ko na pumunta sa isang shop na katabi lang ng bahay nila Joy at tito niya ang may-ari nito, hindi naman sa tadhana ngunit pag dating namin doon ay naroon siya kasama ang kaniyang bestfriend na si Aeron, nagkwekwentuhan kami at magkatabi kami sa upuan ni Joy at biglang nagtanong ang kaniyang bestfriend na kung anong meron sa amin kasi alam niyang sweet kami palagi dahil bestfriend siya ni Joy, nagulat kami sa tanong nito kaya natahimik kami ngunit sabi namin na wala namang meron sa amin at magkaibigan lamang kami. Pagkauwi na pagkauwi ko ay napagusapan kaagad namin ang tungkol sa tanong ng kaniyang bestfriend sa amin kung anong meron sa aming dalawa at napaguspan naming ang magiging sagot namin kung may magtatanong pa ay "Basta masaya kami." Sa school naman ay habang nagkakasalubong kami ay nginingitian namin ang isat isa at nag hihigh five kami pero matagal ito para parang hawak ko yung kamay niya. (dumadamoves) Dahil malapit na ang Recogition Day ay lahat ay nagsisimula ng mahanda para sa gaganaping Cultural Presentation at sa unang practice nila ay nandoon ako para sumuporta at habang break sila ay nagkausap kami ng magkahawak ang dalawang kamay (kilig moments na) ngunit naputol ang moment na yon dahil magprapractice na sila ulit. (badtrip naman kung kailan kilig moments na magprapractice ulit) Nanuod ako ng practice nila at napansin ko sa kaniya na pagod na pagod na siya at ng nagbreak na ulit sila ay umupo siya sa tabi ko at pinasandal ko siya sa balikat ko at inakbayan ko siya (para sweet) alalang alala ako sa kaniya pero pagkatapos niyang magpahinga sa piling ko ay okay na ulit siya (syempre ako pa) at akoy umuwi na na sobrang saya at kinikilig. Kinabukasan ay nanuod ulit ako sa practice nila upang makita siya siyempre dahil gusto ko araw araw kong makita yung taong mahal ko, at dahil hindi pa ang grupo nila ang magprapractice ay tinawag ko siya at umupo kami sa hagdan at kami'y nagkameron ng kilig moments at heart to heart talk. magka holding hands kami at biglang may dumaan sa harap namin na tropa ko na sila Edwin, at Alvin na ex niya ngunit wala na yun sa kaniya dahil meron siyang ka MU at nagkausap na kami tungkol doon at okay lang sa kaniya. Bibitaw sana si Joy sa pagkakaholding hands namin ngunit hindi ako bumitaw at sinabi kong bakit? at sumagot siya siyempre magkaibigan kayo at inaalala niya kami ng tropa ko na ex niya at napaliwanag ko naman na sa kaniya na okay lang sa kaniya at wala na yon sa amin. Tuloy tuloy ang aming kilig moments at napunta na kami sa Heart to heart talk at napagusapan namin ang mga past. Sabi niya na takot na siya magmahal dahil sobrang sakit nung past niya dahil iniwan siya dahil hindi kinaya ang ugali niya na sinabi ko naman na kaya kong intindihin dahil nga mahal ko siya, at sabi ko naman ayoko na magmahal dahil palagi na lang akong iniiwan at pinagpapalit. Sinabi naman niya sa aking "Hindi kita iiwan" at may kasunod pang yakap. Hindi ko maipaliwanag kung gaano ako kasaya ng araw na yon. At sinabi ko sa kaniya na "I love you" at sumagot naman siya ng "I love you too" at dahil nagsisiguro ako tinanong ko sa kaniya na "Talaga?" at sumagot naman siyang "Oo, hindi ka ba naniniwala?" at sumagot naman akong "Syempre naniniwala ako, Mahal kita e" pagkatapos ng paguusap ay bakas sa amin ang saya dahil parehas kaming nakangiti at pagkatapos nun ay sumandal na ulit siya sa aking balikat at mahigpit na magkahawak ang aming kamay at hindi namin napansin na pinicturan kami ng kaibigan niya na kaibigan ko rin na si Denise, na agad akong nagpapasa ng aming picture na kilig moments at agad ko itong ginawa na Home and Lock Screen photo sa aking phone. Hindi ako makapaniwala sa nangyari noong araw na yon dahil nagulat ako sa mga sinabi niya sa akin na nagpatunay ng kaniyang pagmamahal sa akin, at ako naman na alam na alam niyang mahal ko siya, Kaya sobrang saya ko nung araw na iyon at umuwi ako ng sobrang saya at sobrang kilig, at siguro dahil sa moment na yon, nasa stage na kami na M.U. o (Mutual Understanding)
Yan ang nilalaman ng unang kabanata o unang chapter ng aking istorya.
Wait for the next update for the second chapter titled Mutual Understanding. Thank you for reading!
BINABASA MO ANG
Love Hurts
Romance(True to life story) Don't rush things such as love, don't be so serious in things like that. Always follow your heart and mind.