Chapter II - Mutual Understanding

75 3 0
                                    

Pinaka unang araw na kami'y mag ka MU na, tuwing magkakasalubong ngitian at namumula siya siguro sa kilig kahit hindi naman ako kagwapuhan, at syempre kapag lalaki hindi pinapahalata ang pagkakilig. Bago sila magpractice ay nagkasama kami at pumunta sa 7/11 upang bumili ng Smart C na favorite niya, pagkabalik naman namin ay syempre bago pa lamang ay masaya at pinakita namin sa kaniyang mga kasamahan yung sweetness ng para kaming consort dahil nakakapit siya sa akin, haha ang sweet diba at pinagmalaki niyang binilhan ko siya ng Smart C, at nakita naman niya ang lalagyan ng Brownies na favorite raw niya eh dahil sa mahal ko siya as soon as possible nagpabili kaagad ako ng box of 12  na hindi naman nabibili rito kaya natagalan at gulat na gulat siya dahil nabigyan ko siya ng hindi man lamang ako umaalis dito. Akala ko magiging dirediretso na ang pagsasaya namin o ang kasiyahan ng pag-ibig namin ngunit sabi nga laging may problema, sa akin problema syempre at malalaman niyo sa susunod na pangungusap. Pare parehas naman kaming may practice at kamiy naghahanda para sa aming Play sa English Subject na pinamagatang Mir-i-nisa. Habang nagprapractice ay bigla akong nakatanggap ng isang pm mula kay Joy pero si Denise ang nagtext. At sa pagkakatanda ko ay ang nilalaman nito ay distansya raw muna kami ni Joy dahil sa nabigla raw ito at sobrang bilis ng mga pangyayari, oo naintindihan ko naman siya syempre, at dahil napagusapan rin namin na dapat iintidlndihin namin ang isat isa at sa bawat problemang darating ay haharapin namin ito ng sabay, at kapag may pangyayari na kakaiba ay magtatanong muna sa isat isa upang malinaw ang lahat. Kinabukasan hindi namin mapigilan ang aming pagmamahal at para kaming magnet na pinagdidikit buti na lang nahaharangan kami ni Denise pero pwede pa rin mag apir na matagal parang naka holding hands na damoves kahit pinapawis kamay niya okay lang mahal ko naman siya e. Tapos nagkasama ulit kami pagkalipas ng ilang araw at sinundo ko siya sa bahay ng aking bestfriend na si Jean na ang kapatid niya na si Jilian ay classmate si Joy at kasamahan nito sa sayaw, tanghalian noon at kumain kaming tatlo ni Joy at Jilian sa Burger House, at magkatabi kami ni Joy, sa sobrang pagkamiss ko sa kaniya at syempre namiss rin niya ako e magkaholding hands kami, hindi pa kami kumakain pero busog na ako na nakasama siya haha, sa totoo lang pagkaupo namin inunahan kami ni Jilian sa aming gagawin na sinabing siguro holding hands nanaman kayo diyan ay pagkaangat namin ng kamay ay mag ka holding hands nga kami, at yun nga dahil sa pawisin kamay ni Joy ay nahawa na ako. Dahil sa higpit ng schedule namin napagusapan namin na kapag hindi kami magkasama ay tumingin lamang kami sa stars at pagdudugtungin namin kung ano lalabas at pinakaunang araw ay J  ang nakita sa mga stars o nabuo at yun ay pangalan niya na Joy sa tagalog ay kasiyahan naks, ang meaningful diba.

Oo yun pala sa simula talaga hindi mapipigilan ang kasiyahan, pero darating at darating rin ang mga taong pilit sisira ng inyong kasiyahan dahil siguro sa inggit, o sadyang pakialamero lang talaga sila sa buhay ng iba.

Nag ka problema kami ni Joy dahil sa balitang bakit raw naging MU kami eh magkaibigan kami ni Alvin na ex niya dati, sinabi ko agad sa kaniya at pinaliwanag ko na diba nga sabi ko sayo nakapagusap na kami at okay na sa amin yun, Oo alam ko naman na mali, pero mapipigilan mo ba ang puso mo kapag nagmahal ka na? Diba hindi na? Kung mapipigilan mo lang mahirap. Sadyang sa pag ibig talaga maraming hadlang, sabagay nasa murang edad pa lamang naman kami. At naayos namin ang problemang ito kahit alam kong nahihirapan siya. Sa mga sumusunod na araw ay madalas talaga ako magbigay ng brownies with Smart c, at madalas niya rin itong tinatanggi dahil sa ayaw niya, at wala naman akong magagawa alangan naman na naibigay ko na kukunin ko pa? Lagi ko na lang sinasabi na ipamigay niya na lang sa iba kahit mahirap. Naiintindihan ko naman siya e pero hanggang kailan kaya ang pagiging maintindihin ko? Pangalawang beses na sinabi na naman ni Denise na distansya muna ulit dahil sa nabigla nga raw at hayaan munang mag isip si Joy, at syempre nasaktan ako at naguguluhan na ako sa mga nangyayari, at to the rescue naman ang aking bestfriend na si Jean, pinalakas niya ang loob ko na, tama na raw kung nahihirapan ako at tsaka marami naman raw nagmamahal sa akin na kaibigan at siyempre siya dahil bestfriend ko siya, at sa kaniya ako lagi lumalapit kapag may problema ako, kaya nagpapasalamat ako na nagkameron ako ng kaibigan na tulad niya. At nagpapasalamat rin ako sa mga tao na madalas kong nalalapitan. Isang araw ako nagisip tungkol sa sinabi ng aking bestfriend ngunit nangibabaw parin ang pagmamahal ko. Sabi nga ng iba kong kaibigan na ang tanga ko raw kasi tinutuloy ko pa na nahihirapan na ako, hindi na ako nakakapag isip ng maayos e puso lang ang gumagana, sabi ko sa kanila na tanga na kung tanga pero mahal ko siya, maraming nagsasabi sa akin na tama na pero yun nga sabi nila tanga raw ako na pinagpatuloy ko pa. At yun na nga, nagbigay ulit ako ng brownies sa kaniya with smart c, ang yaman ko ano? pero libre lang yun sa akin ng isang taong malapit sa akin na kapamilya, at medyo naayos na kami, medyo lamang. Ayon itutuloy ko na, nag gm siya na ang signature niya ay Asd'jaa na aking ikinagulat dahil bakit hindi ako? yun kaagad nasa isip ko at syempre nagtanong muna ako sa kaniya at sinabing yun raw ay nasa Parking 5 at naniwala naman ako dahil mahal ko siya. At malapit na ang araw ng mga puso at napakarami kong plano para sa kaniya, nag order ako ng bouqet of flowers at heart shape chocolate cake na ibibigay ko sa Valentines Ball namin. Ngunit sa paghahanda ko, medyo nagkausap kami ni Joy na tama na raw, layuan ko na raw siya na ang sakit sa puso, pero tuloy tuloy parin ako, araw ng mga puso February 14, 2014 at ibibigay ko na sa kaniya ang bulaklak, pinasundo ko siya sa aking classmate na si Marielle at sumama naman si Joy sa kaniya at ng ibibigay ko na sa kaniya ay tinanggihan niya ako at sinabi niyang "Sabi ko nga lumayo na siya" at tinalikuran ako so ayun rejected ang bouqet at bumalik na ako sa room, ng wala parang okay lang pero sobrang sakit sa loob ko at tinext ko na kaagad ang mga kaibigan ko na hindi tinanggap ang aking bouqet, nagulat ako ng bigla siyang nagtext na "andito ako sa baba" at bumaba naman ako agad at binigay sa kaniya ang bouqet kahit alam kong napilitan na lang siya, tumayo ako sa harap niya ngunit hindi nagsasalita at walang emosyon dahil alam ko nga rejected na ako at napilitan lang siya. Pinagaan naman ang loob ko ng aming Christian Living teacher na si Sr. Melanie at sinabing kaya hindi tinanggap ang bulaklak dahil mapapagalitan siya ng kaniyang tatay na may dala siyang bulaklak o may nanliligaw sa kaniya. Napagaan ng aking loob ng aming guro. Ngunit nalaman laman ko lang sa mga kaibigan ko na classmate niya na masaya siya at pinagmamalaki yung bouqet of flowers na bigay ko na una na niyang tinanggihan, syempre masakit sa akin dahil nga nasaktan ako pero siya mag sasaya? Dalawang araw bago ang aming Valentines Disco at naghahanda na kami, nalaman ko na nakipagkontrata siya sa isang lalaking close sa kaniya na kakilala ko rin na ififirst dance siya, pero sabi ko sa taong yun na ako mag fifirst dance kay Joy at dahil nga hindi tinanggap yung bouqet of flowers ko na napilitan lang kuhain e hindi ko na binalak ibigay ang heart shape chocolate cake at binigay ko na lamang sa kapatid na bunso kong babae at masaya naman siya at pinamahagi ko rin sa aking mga kaibigan. Araw na ng Valentines Disco February 16, 2014 at isasayaw ko na siya ay tinatanggihan niya ako kahit alam ko bawal tumanggi e hindi ako nasabi sa mga guro at pinilit ko siyang magsayaw at nagusap kami kung kumusta na, at wala na raw talaga ayaw na niya. Binalak ko pang isayaw siya sa pangalawang pagkakataon ngunit ayun na tinanggihan na niya ako kahit bawal, sobra akong nasaktan, pinagbabato ko na ang aking cellphone wala na akong pakialam at wala na ako sa sarili ko at bigla akong makakarecieve ng text mula sa kaniya at sabing kung okay lang raw ako? Tinanong pa niya e tinanggihan na nga niya ako magsayaw, lumapit ako sa kaibigan ko na kaibigan nga niyang si Denise at sinabi ko sa kaniya lahat at ayun medyo naluluha na ako sa sakit, at tumabi kami sa katabi nila Joy na kasayaw niya ang bestfriend niya, at ayun nagpalit at napagusapan namin ang lahat, nahihirapan raw siyang pumili sa amin ng ex niya, at siguro yung sa asd'jaa na hindi ko pa alam kung sino, so ayun tama na raw ayaw na niya at nung ihahatid ko na siya sa kaniyang upuan ay itinaboy niya ang kamay ko at nakita ng marami at sobrang nasaktan ako.

Mahirap rin pala talaga magmahal, lalo na't may sinasabi na pala ang mahal mo na sa iba mo pa malalaman. diba masakit? hindi lahat ng pagiibigan masaya. kaya dapat magisip ka hindi laging puso ang pinapagana.

Wait for the next update for the third chapter titled Moving On. Thank you for reading!

Love HurtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon