"Move on" isang salitang madaling sabihin, pero mahirap gawin, oo kaya ko pero nahihirapan ako, masyadong maraming nangingialam na wala naman silang kinalaman. Paulit ulit sinasabi ng isip ko na ayaw na, pero yung puso ko sigaw ng sigaw na sige pa. Unang araw ng pagmomove on ko napakahirap, lalo nat magkaschoolmate kami, nagkikita parin kami, pero yun nga may awkward feeling, hindi madali ang lahat sa simula, lalo nat itoy lumala. Patuloy parin ako sa pagsuyo sa kaniya, nagbigay ako ng brownies sa upuan niya with smart C pero tinanggihan nanaman niya, ang tanga ko diba? Tuloy tuloy parin ako sa panunuyo sa kaniya, sabi ko na lang na ipamigay kasi nga mahirap na masayang yung brownies. Paano ba mag move on? Mahirap lalo nat mahal na mahal mo ang isang tao at seryoso ka dito ngunit ang mahal mo e masaya na sa iba, anong choice mo diba? Magiging masaya ka na lang sa desisyon niya, pero patuloy ka pa ring naaapektuhan. Tuwing gabi hirap akong makatulog sa kaiisip kung bakit ganun ang nangyari. Katangahan ko na hindi ko parin talaga pinapagana ang isip ko kasi lagi na lang si puso ang sinusunod ko. Hirap na akong makapagisip lalo na sa school, buti na lamang at patapos na ang taon na school year na yun, puro practice na ng sayaw at araw araw parin kaming nagkakasalubong. Naalala ko na lang yung mga araw na masaya kami, yung nahawa na yung kamay ko sa pagpapawis ng kamay niya dahil sa holding hands namin, lahat naalala ko kaya lalong hindi ako maka move on. Hindi naman kasi ganun kadali makalimot. Paunti unti kong kinakalimutan ang lahat ng nangyari pero mahirap lalo nat maraming balita na nakarating sa akin, sunod sunod yung sakit na parang ipinadama na sa akin lahat para tapos na, mahirap talaga kaya nagpapasalamat talaga ako sa mga kaibigan ko lalo na sa bestfriend ko na tinutulungan ako para makalimutan ko. Nalaman ko na yung Asd'jaa sa gm niya ay si Jason so ibig sabihin nagsinungaling siya sa akin at masakit yun sa akin kasi ni minsan hindi ako nagsinungaling sa kaniya, lahat ginawa ko para lang sa kaniya wala na ngang pagmamahal sa sarili ko e tapos yun pa? At nung araw na nagbigay ako ng bulaklak na hinding hindi ko makalimutan na tinanggihan ako, oo may sapat na dahilan, pero bakit kailangan tanggihan sa una tapos babalikan? Masakit sa akin yun kasi napilitan na lang at wala naman ako mapapagbigyan na iba at kaya binigay ko na at ipagyayabang pa niya sa room nila na kinikilig at masaya tapos ako sobrang nasasaktan na? Tapos araw araw panay ang parinig ng kung ano ano, kung sino pa yung nang iwan siya pa ang may ganang magalit na buti na lang ako ay mahaba ang aking pasensya na pinapabayaan ko na lang at para hindi na lumala ang lahat. Yung pakialam ko sa kaniya hindi nawawala, yung care andun parin. Actually pagminsan okay kami pagminsan hindi kasi nagdedepende sa mood namin na yun nga yung ugali ko pag naalala ko e talagang nilalabas ko ulit sa kaniya, at nagkakasabay ang galit namin na nagiging apoy. Cultural Presentation na, at nung nagpeperform sila eh sigaw lang ako ng sigaw na "I love you Joy" paulit ulit na para akong tanga na pangiti ngiti pa na parang walang nangyari, wala e mahal ko parin siya tapos pangalawang sayaw na niya ay umiyak siya at sobra akong nagalala na kailangan kong tumakbo sa back stage para malaman kung ano nangyari sa kaniya, At si Glenn na laging si diba ikaw nga yung reyna at ako ang iyong hari ikaw yung prinsesang sagip ko palagi, na lagi ko siyang sagip sa lahat kasi ayaw ko siyang nasasaktan kahit ako na yung masaktan wag lang siya. Bakasyon na at wala ng komunikasyon, mas okay na wala e kasi hindi ko naaalala ang lahat at nakakapagisip ako ng malaya dahil nasa ibang bayan ako, nawawala na sa isip ko ang lahat ngunit pagminsan ay napapanaginipan ko to at akoy napapaluha na lamang. At bakasyon at nagtext ang aking bestfriend na si Jean na ininggit ako dahil sa kinabukasan ay birthday ni Anjelica at may swimming at dahil gustong gusto kong makita at makasama ang bestfriend ko ay umuwi naman agad ako para sa kaniya, ngunit ang masama ay kasama si Joy na alam kong hindi marunong lumangoy at inaalalayan ko ngunit tinataboy niya ako, at biglang sinabi ng bestfriend ko na "Kuya Glenn, wag mo na kasing pilitin, naaawa ako sayo ay" at tumatak kay Joy yung sinabi ni Jean , nainis at medyo nagalit si Joy sa sinabi nito na nalaman naman ni Jean at hindi na ko nireplyan ng umuwi sila dahil nga ayaw niyang may kagalit siya, at nagsisisi ako sa ginawa ko at gulong gulo ako dahil umuwi ako para sa bestfriend ko pero nagulo ang lahat dahil lang sa ex ko. Ang tagal naming hindi nagkausap ng bestfriend ko ng dahil lang sa kaniya, at nainis ako sa sarili ko dahil hindi ko na alam ginagawa ko. Nakauwi na ang bestfriend ko at naiwan pa kaming iba sa swimming pool at nagwawala ako o nagdadabog ako sa sarili ko na inis na inis ako sa sarili ko na ang tanga tanga ko, umuwi ako para sa bestfriend ko pero nagaway kami dahil sa akin, sa mali kong ginawa na dapat hindi na ako lumapit e dahil nga may past kami na sobrang sama, sobrang sakit pero parang wala lang. Fiesta sa amin noong bakasyon at dahil gusto kong makapag isip ng maayos e bumalik pa ako sa aking pinagbabakasyunan at dinaanan ko ng Krispy Kreme Donut ang aking kaibigan na si Ira sa Gumaca at nagulat ako at may comment si Joy kung bakit binigyan ko ng krispy kreme si Ira ngunit sa kaniya ay brownies lang na pinagtanggol naman ako kaagad ng mga kaibigan ko na kaibigan rin nila na sina Carlo at Denise na kaya ko binigyan si Ira ng Krispy Kreme e marunong siya mag appreciate pero si Joy hindi, tinawanan ko na lang yun kasi nga medyo nakakamove on na ako sa kaniya at hindi ko na siya naiisip. Diyan na natapos o matatapos ang aking pagmomove on na mahirap pero kinaya ko.
Kailangan talaga ng matinding pagsisikap para sa ikabubuti ng bawait isa, at kailangan na pag ginamit ang puso kailangan pagisipan muna lahat ng gagawin at wag sobra magmahal dahil sobra rin ang sakit na babalik
Wait for the next update fourth and last chapter and the present chapter titled Friendship. Thank you for reading!
BINABASA MO ANG
Love Hurts
Romance(True to life story) Don't rush things such as love, don't be so serious in things like that. Always follow your heart and mind.