Ito yung araw na akala ko okay na ang lahat sa amin, wala na ang lahat ng sakit o hinanakit sa bawat isa, ngunit ito pa lamang parin pala ang umpisa para sa pagtatapos ng aming istorya. Mga araw na nagkakatext ulit kami, at napagusapan na ang lahat ng dapat pagusapan at napunta na ang lahat sa pagiging magkaibigan. Okay naman sa akin yun magkaibigan kami kasi atleast hindi kami nagkakasakitan diba. Sabi nga "Friendship lasts forever" kaya lang kung sa mag-ex yan hindi yan kapanipaniwala HAHAHA. May mga araw na masaya kaming nagkakatext, masaya kaming nagkakausap, nagkakalapit kami sa isat isa, ngunit may hindi mapigilang magparinigan. Okay sana ang lahat ngunit patuloy parin sa pagpaparinig si Joy, akoy nagpapasensya na lamang ngunit pagminsan ay sumosobra naman. At kapag ako naman ay tinotopak talagang mababadtrip siya sa akin kasi nawawala ako sa mood lalo na kapag naaalala ko ang mga bagay na ginawa niya sa akin. Yung feeling na siya na nga yung nangiwan siya pa yung malakas magalit. Oo maintindihin akong tao ngunit may hangganan ang lahat. Hindi naman palaging masama, depende sa panahon sa sarili o depende rin sa trip ko haha. Sinubukan ko siya dahil sabi ko mahal ko pa siya pero hindi naman totoo, nung una okay lang pero napapanaginipan ko talaga ang lahat ng bagay na nangyari ng nakaraan kaya mahirap. Pag minsan wala na talaga kaming komunikasyon ngunit nung minsan na magkasama ang 4th year at grade 9 sa aming multi purpose ay kinukulit ko siya at inaalbor ang kaniyang panyo, naghihigitan kami ng panyo ngunit ang kamay namin ni Joy ang magkawak at iba ang kinikilos niya at sabi ni Denise na kinikilig raw ito kaya ganun ang ginagawa. Kinahapunan ay nagtext kami at sabi ko ata noon ay nakakamiss yung kamay niya na namamawis haha kasi nga medyo magkaholding hands kani sa panyo haha at siyay nahihiya dahil nga namamawis at wala siyang panyo kung ibibigay niya sa akin at sabi kong pwede namang pamunas yung kamay ko para mawala yung basa haha at tuloy tuloy na kaming nagkakatext. Pero napapansin ko na parang may kakaiba kay Joy kapag nagkakasalubong kami o nangiti sa akin, basta nararamdaman kong kakaiba na parang may galit, ang ginawa ko nagwala wala ako sa mood at napamura ako sa wala ko sa mood at biglang nagpakumbaba ako at siya naman ang nagalit at sinabi niyang minura ko raw siya pero yung mura na yun ay expression lang, nag kadeskusyon kami sa lahat ng bagay upang mailabas lahat ng galit niya sa akin, ayun na nga ang daming lumabas kaya pala sa bawat araw na magkakasalubong kami ay nakakaloko na. Kinahapunan noon ay birthday ng kaibigan ko na si Denise na kaclose niya dahil classmate niya at expected ko na andun siya sa birthdayan at ang iba pa niyang classmate. Nung una nagtext si Anjelica na wag raw muna akong pumasok agad at hintayin ko muna siya samay gate bago ako pumasok para sabihing kahit andun ba si Joy kung okay lang raw naman sa akin? Oo sa akin walang problema, e sa kanila kayang magkakaklase? Kasi may nasabi ako nung nagaway kami about sa mga fake friends niya na hindi ko naman pinoint out yung mga classmate niya. Pagpasok ko pa lamang ay silang magkakaibigan nila Joy ay masama ang tingin sa akin, at para bang may klase ng CAT kasi naka tiger look silang lahat, so ang ginawa ko to lessen the fire inside, lumayo na muna ako, tapos napagutusan ako na itaas yung juice sa kanila at ayun namigay ako ng juice na sinasabi nila na baka raw may lason kasi ako ang nagbigay, ganoon ba ako kasama? Eh siya kaya? Hindi naman raw kaagad sila mamamatay agad kung may lason sabi ni Joy na naintindihan ko naman kung bakit nila sinabi kasi nga may galit sila. Ayun at medyo tahimik talaga nung dumating ako e pumunta na lang ako sa Rooftop ng bahay nila Denise at buti may ibang tao dun na nakausap ko ang mga friend ko na si Jilian at iba pa tungkol sa nangyari, tama naman raw yung ginawa ko e kaya wala dapat akong pagalalahanin. At ayun dahil magkapangalan sila ng isa ko pang friend, umakyat si Joy at ang isa ko pang kaibigan na kasama ko dun na ang pangalan rin ay Joy ay tinanong ko kung kumain na, ngunit siya ang sumagot at may sumunod pang parang galit na hindi ko naintindihan at sinabi ng friend ko na hindi naman siya yung tinatanong. At may pagkakataon akong ipaliwanag kay Joy ang lahat kung bakit ko yun nasabi ay tinatalikuran na lang ako. Wala naman ako magagawa kaya hinayaan ko na lang at kamiy nagkantahan na lamang sa rooftop. At ng pauwi na sila ay tinanong ko si Joy na ako na maghahatid sa kaniya at ang sagot niya ay "Ikaw bahala" na naging trending sa amin. at pag baba niya ng rooftop ay nagparinig pa na nagapahatid sa isa niyang kaklase at sabi pa niya ay "Buti pa si ano gentleman" At medyo nagparinig at medyo wala talaga akong pakialam HAHA. Pagkatapos ng ilang araw ay nagtext siya ulit sa akin at nagtataka ako kung bakit kasi sabi siya ng sabi ng LAST TEXT na pero text parin ng text at sinabing hindi makalimutan ang mga sinabi ko at kaibahan raw ako sa mga nakilala niya at hindi niya raw ako makakalimutan dahil sa iba raw talaga ako at ang selfish ko raw magmahal iba raw ako magexpress ng pagmamahal. At akoy gulat na gulat na may pagkaselfish parin ako kahit yung lahat ng pagmamahal ko nasa kaniya at wala ng natira sa akin, SELFISH pa rin? Sobra naman na. Buti na lamang ay napaliwanag ko na sa kaniyang mga kaibigan kung bakit ko nasabi yon kay Joy at naiintindihan nila ako na malaking tulong sa akin at sinabi nila na hayaan ko na raw si Joy at wag ko na raw intindihin at pabayaan ko na lang magparinig at yun ang ginagawa ko ngayon. At sinabi ko naman na oo at wala na kaming magiging komunikasyon ni Joy at wala na akong pakialam sa kaniya. Ngunit last text na na pero hindi pa raw last chat at nagchat si Joy sa akin at marami kaming napagusapan. At medyo naaayos na namin ang lahat. Ngunit akoy takang taka at ang bibig niya ay buka ng buka at nagbubuga ng kung anong salita tungkol sa aking mga ginagawa. Nung una natitiis ko pang mga sinasabi niya katulad nung minsan na kausap naming barkada ang teacher sa school at nakikinig siya sa usapan namin, sabi namin kay Ma'am na buong buo ang araw namin kasi nakita namin si Ma'am at sobra sobra pa, at biglang sumingit si Joy at sinabing Ma'am wag kayong magpapaniwala diyan sa mga yan. at sumagot naman akong agad na Kaya nga hindi naman kami kapani paniwala diba? Sabay tingin sa kaniya. At sumunod lamang na nalan niyang naging ka MU ko dati si Mae At sinabi niyang ma chix ako, kapag may ka MU machix agad? E isa nga lang. Natiis ko yun at hindi ako nabadtrip at tinawan ko na lang, sumunod lamang ay habang nagaayos kami ng stage sa Covered Court para sa PTA INDUCTION AND BALL ay habang may kinakabit ako sa backstage ay may soundtrip at kumakanta ako at biglang may uminik ng PAHANGA at agad naman akong napababa sa hagdan at lumabas upang tignan kung si Joy yun dahil nabosesan ko siya, at yun na nga siya na nga at sinabi kong kaya naman pala kasi nga andun siya. At paglabas ko ay bigla siyang umalis at palabas tapos pasigaw kong sinabi na "Kapag ex bitter?" at lumingon siya habang naglalakad palayo at inulit ko ito at lumingon ulit, hahayaan ko na lang sana kaya lang sumosobra na e. Sabi ko nga sa mga kasama kong nagaayos e buti pa kami ni Patrice na ex ko hindi kami awkward pero si Joy ay hindi.
Kapag ex talaga o may past na masama e hindi ganun kadali maibalik ang pagkakaibigan o mga samahang datiy bibabalikan. Marami pang dapat isa alang alang sa lahat ng ginagawang paraan para mapabuti ang pagkakaibigan kaya lamang dapat itoy sapat lamang para maayos ang pagsasamahan. Maayos na rin yung walang pansinan kaysa sa nagsisiraan. Kung alin ang mas nakakabuting paraan yun ang gawin para hindi magkasiraan. Abangan baka may maganap pa sa kasalukuyan at ihahanda ang storyang kaabang abang.
Thank you for reading my story, thats all for this Book, Wait for further updates in case of there are some stories that include here in the future.
BINABASA MO ANG
Love Hurts
Romansa(True to life story) Don't rush things such as love, don't be so serious in things like that. Always follow your heart and mind.