Mikaella's POV
Papunta ako ngayon sa kwarto ni Leanna. Leanna is my sister, just so you know. Hindi kami mas'yado okay sa isa't isa, alam mo 'yung feeling na okay naman kayo pero hindi.
Ganoon naman talaga kapag magkapatid, hindi ba? Away bati, bati away. Walang katapusang away. In short, hindi talaga kami nagbabati. Sus.
Tapos may araw na kakausapin ako, may araw naman na tatarayan ako.
But it's fine. She's my sister. Wala akong magagawa doon. Mayroon naman pero depende.
Pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto nakita ko s'ya na nakaharap na naman sa phone n'ya.
Umagahan, cellphone. Tanghalian, cellphone. Patisa gabi, cellphone. Nakakabusog ba 'yon?
Lagi naman siyang ganito, kailan kaya na makikita ko siya sa umaga, libro na talaga hawak niya, baka masira mata niya sa phone eh, araw araw phone.
Baka magkasakit pa siya.
Kahit naman nag aaway kami, may care pa din ako sa kanya.
Hay nako! Ito talagang babaeng 'to, adik sa wattpad! Pero okay lang kasi nagagawa naman niya pagsabayin wattpad at acads niya.
Hindi na din masama.
"Lean!" Tawag ko sa kanya, medyo katamtaman and lakas para marinig niya, baka magalit sa akin kung sisigawan ko eh.
Ayoko pa naman noon kasi napaka aga naman para mag away.
(Leanna-Lean for short)
I've been calling her three times, nakakairita din 'yon, hindi naman ako anino lang dito pero wala atang balak tumingin kaya sinarado ko ang pinto at umupo ako sa tabi n'ya, hindi ko alam, basta wattpad kaharap niya, 'di na niya ako marinig.
Para siyang mayroon na tengang kawali.
"Lean, lets go! Kakain na" sabi ko sa kanya pero hindi pa rin talaga tumitingin, mukhang ako pa nanay dito ah?
Ayaw niya talaga tumingin, ano ba gusto nito gawin ko sa kanya? Aba? Uso naman kahit isang tingin lang eh!
Kinuha ko naman agad yung phone n'ya para makita n'ya na nandito lang ako, na hoy, naandito ako oh. Yung presensya ko.
Ako 'to oh, si Mikaella.
"Ay palaka, Ate!" Sabi n'ya kaya naman nabigla ako kasi magkasing edad lang naman kami.
Tapos palaka pa? Eh, maganda naman ako para maging palaka.
"Ate ka d'yan! Kakain na, baka malate tayo sa school! Ang aga aga nakatunganga ka sa cellphone mo! Buti na lang pumunta agad ako dito, maligo ka muna agad tapos bumaba ka na doon" Sabi ko naman at sa tonong medyo naiinis, aba? Inii-snob lang ba naman kagandahan ko, tama ba naman 'yon?
Siyempre hindi!
Agad n'yang sinunod kaya pagkapasok n'ya sa banyo ichinarge ko ang cellphone n'ya sa madali n'yang makikita para naman hindi magalit sakin 'yon. Hahahah!
Kumatok naman ako sa kwarto ni Mama at Papa, medyo kabado, hindi naman kasi nila ako prinsesa, si Lean lang pero okay lang.
Habang kumakatok ako ay umimik na si Papa.
"Bukas ang pinto" malamig na boses ni Papa, bakit? Medyo parang may kumurot sa puso ko doon, gusto ko lang naman makausap sila eh.
Nitong nagdaang araw kasi, para akong hangin lamang dito sa bahay.
Nagbuntong hininga ako bago ko binuksan ang pinto.
"Good Morning! Pa, Ma? I think the two of you is mamaya pa papasok? I just want you to inform po na maaga po kami aalis ni Lean. Salamat po!"

BINABASA MO ANG
My Daughter
FanfictionNakapagpatawad ka na ba? Pero maalam ka ba talaga magpatawad? Saan ba dapat magsimula ang lahat? Saan din naman dapatmatapos? Dapat ba may nahihirapan pa? Dapat ba nagpapatayan muna para matapos ang lahat? Ano ba talaga ang dapat mangyari? Bakit pa...