Chapter 4

652 23 1
                                    

Mikaella's POV

Nagising ako dahil sa katok sa akin in Manang.

"Oh Manang? Good Morning!" Sabi ko sa kanya ng mabuksan ko ang pinto

"Ahmm anak, nasa park sila Ma'am at Sir kasama ang kapatid mo, pinapsabi nila na maghanda ka daw para sa Birthday ng kapatid mo." Sabi naman ni Manang

"'Yun lang po ba Manang? Parang meron pa po ah?" Sabi ko naman kasi parang may hindi masabi eh.

Papahirapan na naman ako siguro. Hay.

"Ano kasi anak" sabi ni Manang na parang kinakabahan o mas magandang sabihin na kinakabahan na talaga si Manang

"Ano po?" Sabi ko naman kay Manang sabay ngiti baka sakaling mabawasan ang kaba ni Manangm

"Pinapasabi ng Papa mo na ikaw daw ang gagawa ng gown mo, Disney princess daw ang theme, hindi na puwede iyong Belle va iyon." sabi ni Manang sa akin at nabigla naman ako pero 'di ko pinahalata

"Ahh, sige po. Should I start today?" Sabi ko kay Manang kasi naman Thursday na at sa Sabado na ang birthday ng kapatid ko

"Kaya mo ba?" Tanong sa akin ni Manang

"Oo naman Manang" sabi ko naman sa kanya

"May ipabibili ka ba?" Tanong n'ya ulit sa akin

"Manang, p'wede po?" Sabi ko Sa kanya sabay ngiti

"Oo naman anak" sabi n'ya sa akin at nginitian din ako

"Ahmm, manang siguro naman may pampabongga doon ng gown tapos manang kailangan ko din po ng sinulid na color baby blue." Sabi ko naman kay Manang

"Ha? Cinderella? Yung bongga?" Tanong sa akin ni Manang

"Yes Manang! That's the only gown na napagaralan ko pong tahiin, kaya kahit mahirap. Go! Go! Go!" Sabi ko naman kay Manang pampa good vibes at binigyan ko s'ya ng pera para bumili.

Pagkalabas na pagkalabas ni Manang, 4:00 A.M pala ng umaga kaya naligo at nag ayos na agad ako ng sarili at pumunta sa room kung saan may machine para makagawa ng gown at buti na lang nakabili so Manang ng ganitong oras

"Salamat po!" Sabi ko kay manang at nginitian n'ya ako at lumabas na

Binuksan ko naman ang aking cellphone at tiningnan ang gown ni Cinderella

Haaay! Kailangan kong matapos ito ngayon. Sinimulan kong sukatan ang sarili

Biglang tumawag naman si Ella, ini loudspeaker ko agad ito

"Oh Ella? Ang aga pa ah" sabi ko naman at diretso lang ako sa pagtatahi

"Nagtatahi ka ba? Nag iimbita kapatid mo eh, sinong disney sa'yo? sabi sa akin ni Ella

Nang marinig ko 'yon ay tinigil ko muna ang pagtatahi para wala siya marinig.

"Ha? Hindi ah! Si Cinderella, sa'yo ba?" Tanong ko naman sa kan'ya

"Si Mulan, request ni Tita Lea" sabi naman n'ya at parang nagselos ako doon. Ewan ko ba, siguro dala na din ng pagka fan.

"Ba't ka nga pala napatawag? May emergency ba? Tanong ko naman sa kanya

"Wala namang emergency eh! Ano, sasama ka ba sa linggo?" Tanong n'ya sa akin, ba't ano bang meron sa Linggo?

"Linggo? Anong gagawin natin? Anong meron? Para saan?" Sabi ko ng dire-diretsong tanong

"Baklang toh! S'yempre theater, audition! Hihihi!" Sabi naman n'ya kaya gumaan ng konti ang loob ko

Yung tipong gusto kong sumama pero baka hindi p'wede.

"Hindi ko alam kung p'wede eh" sabi ko naman sa malungkot na tono

"Ako ang magpapaalam! Dadaanan kita, kasama si Nicole. Pag usapan na lang natin sa Birthday party! Wahahahah!" Sabi naman n'ya at tumawa din ako

"Sige! Bye bye muna! Mwaaaphs!" Sabi ko naman at nag paalam na din s'ya

Pagkatapos noon ay itinuloy ko ang pananahi para madali ako matapos.

Lea's POV

"Babes, gising na! It's already 5:30" sabi ko kay Aga kasi naman tulog mantika pa.

Pero ayaw talagang gumising ha, pumatong naman ako sa kanya.

"Babeeeeeeees!" Sabi ko na pa sigaw, sound proof naman itong kwarto

Nagising naman s'ya doon at natatawa pa ng mahina.

"Babes, I'm already wake up" sabi naman n'ya sa akin kaya nagpout ako at ang lalaking toh ha! Halikan ba naman ako!

"Hmp! Gigisingin ko lang sina Andres at Nicole. Ikaw, maligo ka na" sabi ko naman

"Kiss muna babes" Sabi ni Aga

"Ay, ewan ko sa'yo!" Sabi ko naman at umalis na

Pumunta muna ako sa kwarto ni Andres at sinabihang maligo na s'ya

Sinunod ko naman ang kay Nicole at sinabihang maligo na din.

Naandito ako ngayon sa sala, nanonood ng T.V at iniintay silang matapos maligo

Maya-maya...

Unang bumaba si Aga at tinabihan ako sa upuan

"Babes, magpapaalam ako" pasimula ko kay Aga

"Saan naman?" Tanong n'ya sa akin sabay yakap

"Sa Linggo, may mga mag a-audition daw para sa theater eh" sabi ko naman sa kanya

"Sama ako babes, I'm free at Sunday. Audition pa lang naman diba?" Sabi naman sa akin ni Aga kaya ginanahan ako

"Sure babes, wag ka lang mag a-audition" sabi ko naman kay Aga.

At nakita ko naman na bumaba na si Andres.

"Good Morning Andres!" Sabi ko naman sa kanya at binati n'ya ako pabalik

"Mom, saan tayo pupunta?" Tanong sa akin ni Andres

"Kina Tita Dawn mo" sabi ko naman at paniguradong si Mavy na naman ang pagti-tripan nito

"Naandoon na po si Kuya Mavy?" Tanong naman sa akin ni Andres

"Yes anak, kakauwi lang kahapon. Ka text ko Tito mo kahapon eh" sabi naman ni Aga kaya kinuha ko yung phone at tiningnan

"Si Mama, selosa akala mo naman kung sino itinext" sabi naman ni Andres at tumawa silang mag ama

"Malay ba naman ni Mama kung sino tinetext ni Papa, good morning" bati naman ni Nicole

Ito lang talaga ang kakampi ko eh!

"Nuks anak! Good Morning too!" Sabi ko naman at nag-apir kami.

"Let's go?" Sabi naman ni Aga at dumiretso kami sa sasakyan at pumunta na kina Dawn.







Makapunta kaya si Mikaella sa audition? Payagan kaya s'ya? Paano ang gown n'ya? Magawa n'ya kaya? Matapos n'ya kaya?

My DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon