"Hello Leanna" sabi naman ni Andres kaya napatawa kami ni Nicole kasi naman parang nahihiyang ewan si Andres, mahiya ka talaga, kasama mo kami ni Nicole. At'yaka saglit nga, kailan ba talaga nahiya si Andres?
At lagot ka sa magulang mo kasi mahilig magsumbong si Nicole.
"Hi Andy! You are so guapo talaga!" sagot ni Lean, kailan pa siya natuto maging conyo?
Hindi bagay, ew. Judger ko naman ata masiyado.
Hanep? Hindi ba ako updated sa nangyayari sa kapaligiran ko? Sarap tirisin nito ha.
At dahil nga doon sabay sabay kaming pumunta sa canteen at pati sa lunch ay sabay sabay na din kaming kumain, tapos si Lean, akala mo naman talaga, gusto siya ni Andres, kung makapagpacute, akala mo may aagaw. Papaagaw ko talaga 'yan sa iba.
Edi wow.
Hanggang sa mag uwian at naandito kami ngayon sa may shed kasi iniintay namin ang mga sundo namin pati sina Andy at Nicole, banas na banas naman ako kay Lean, kung makakakapit eh, dami nilang topic ni Andy pero kapag kakausapin ko, laging wala!
Argh!
Aga's POV
"Yes, Babes. I will fetch them na. Wanna come?" Sabi ko kay Lea, ayoko pa din naman talagang umalis.
Kayakap ko ngayon si Lea at parang gusto ko na lang na ganito, dito na lang kaming dalawa.
Kasi bakit pa aalis 'di ba?
Para sumundo, hehe.
"Can I? Wanna be with them bago ulit ako imaging busy, Babes." Tanong naman n'ya sa akin at ang cute niya kahit anong gawin.
Iyong tipong hindi kana magsasawa titigan.
"S'yempre babes! Hahahaha! Pero bago ako tumayo, kiss muna" sabi ko naman sabay nguso.
Nagtagal na ng 1 minuto, wala pa din.
"Babes, kiss mo na 'yan sa pader. Tara na." pagsasabi niya sa akin, ay, kiss lang eh.
Damot.
"Ayaw mo'ko bigyan?" pagtatanong ko sa kanya habang tinitingnan siya at agad siyang umiling.
"Sige, ako na lang mamimigay." sabi ko sa kanya bago binigyan ng halik.
Napahalakhak naman ako sa ginawa ko at agad naman niya ako hinampas.
Napakasuwerte ko at mayroon akong Lea.
Habang nasa sasakyan kami...
"Babes" tawag sa akin ni Lea, medyo malumanay ang boses niya, masarap pa din pakinggan.
Kahit naman sumigaw siya, okay lang, nasa tono pa din.
Hehehe!
"Yes Babes?" Sabi ko naman sa kanya at hinawakan ang kanyang kamay bago hinalikan ito.
Mahal na mahal ko talaga si Lea.
Madami na kaming pagsubok na napagdaanan, at kung may dadating man, hindi ko hahayaan na kami and sisirain.
Kami and sisira sa kahit anong pagsubok pa 'yan.
Wala ng makakasira doon, nako, handa na ako pumatay, ano.
"How if buhay pa si Cassandra? Kamusta kaya s'ya?" Tanong sa akin ni Lea at ito na naman ang asawa ko, medyo nakakalungkot nga at ang aga kinuha sa amin si Cassandra pero masaya kami dahil may dumating na Andy at Nicole.
Triplets. Hindi nga lang magkakamukha.
"Babes, malabo naman mabuhay ang patay maliban na lang kung may ginagawa ka na d'yan na kung along mahika. Babes ah, huwag ganyan. Ginayuma mo at a ako eh." sabi ko naman kaya nahampas ako sa braso.

BINABASA MO ANG
My Daughter
Hayran KurguNakapagpatawad ka na ba? Pero maalam ka ba talaga magpatawad? Saan ba dapat magsimula ang lahat? Saan din naman dapatmatapos? Dapat ba may nahihirapan pa? Dapat ba nagpapatayan muna para matapos ang lahat? Ano ba talaga ang dapat mangyari? Bakit pa...