Chapter 4

1 0 0
                                    

*sa ospital*
Dok! Ano pong nangyare sa kanya bakit po sya nawalan ng malay? Wala naman stang sakit o kahit ano. Congrats Mr buntis po ang asawa nyo. Buntis po? Oo bakit dika ba natutuwa. Natutuwa naman po. Sige hayaan mo muna syang magpahinga at kapag nagising sya maari na kayong umuwi. Salamat po dok! Sige Mr..

Pag alis ng doctor ay pinuntahan ni Lee si Kim sa room nito at gising na sya noong pumasok sya. Ah, sir ano po bang nangyari?  Ah, nawalan ka ng malay sa opisina, kaya naman agad na dinala kita dito sa ospital para malaman kung bakit ka nawalan ng malay!  Ah ganon po ba sir. Malakas na naman po ako kaya ko na po yung sarili ko. Siguro nalipasan lang po ako ng gutom kaya nwalan po ako ng malay. Salamat po sa pagdala nyo sa akin dito. Aalis na po.  Pero Ms. Kim! Kaya ko na po sarili ko.

At agad naman na umalis na si Kim.
Alam na ni Mr. Lee na buntis si Kim at sya ang ama nito ngunit wala syang oras na sabihin kay Kim na papanagutan nya yung baby at papakasalan nya si Kim. Dahil sa tuwing kakausapin nya ito ay gumagawa sya ng dahilan para umalis.

Lumabas ng ospital si Lee pumunta sya sa kaibigan nya at doon sinabi nya ang lahat. Alam ng kaibigan nya na si Kim ang batang nakilala ni Lee at alam din nya na kahit may nangyari sa kanila eh papanugatan ito ni Mr. Lee, sapagkat sa una palang ay mahal na ni Mr. Lee si Kim di lang nito pinapaalam kay Kim. 

* kinagabihan*
Umuwi na si Mr. Lee ngunit nagpag isip nya na sa bahay ni Kim sya pumunta at doon sya magpalipas ng gabi at sabihin sakanya na mahal nya ito.

                                          Mr. Lee POV'S
Tok!tok!tok! Ms. Kim buksan mo ang pinto! Sigaw ni Lee.  Nagulat naman si Kim at agad na binuksan ang pinto. Sir ano pong ginagawa nyo dito? Gusto kong sabihin sayo na mahal na mahal kita ms. Kim diko kaya na mawala ka sa buhay ko.! Sir! Lee?  At pumasok na ng bahay si Lee. Umupo sya sa kama ni Kim at hinala nya naman si Kim sa tabi nya. Humiga ito sa hita nya at nagsalita.

Ms.Kim alam mo ba noong una tayo nagkita sa opisina. Ikaw yung kinuha kong secretary ko sapagkat ikaw ang batang nakilala ko noong araw na naaksidente ako kasama ng magulang ko.

( Flashback )
Tulungan nyo po ako!! Ikaw yung batang lumapit sakin noong araw na naipit ako sa kotse namin. Ikaw ang tumulong sa akin para makalabas. Naalala mo ba na nangako ka na papakasalan mo mo.  Habang kinukwento ni Daniel ang lahat ng pangyayari ay tumutulo ang luha ni Kim. Dahil sa haba haba ng panahon na hinahanap nya ang batang tinulngan nya ay nakaksama na pala nya ng 9 na taon sa trabaho.

Ms. Kim yung nangyari sa Canada wala akong pinagsisihan sa nangyari . Gusto ko na magpakasal tayo at bumuo ng pamilya gaya ng imahinasyon natin noong tayo ay bata pa. Ayuko na mawala sa buhay ko. Hindi ko kaya na mwala ka. Simula noong naging secretary kita gusto ko na lagi kitang kasama. Diko sinabi sayo na ako yung batang tinulungan mo sapagkat ayuko na lumayo ka. " kay tagal kitang hinahanap sapagkat sinabi ko sa sarili ko na ikaw lang ang lalaki kong mamahalin."  Wag kang mag- alala Ms. Kim hinding hindi na uli tayo maghihiwalay kahit anong mangyari.
Ikaw lang ang gusto kong makasama hanggang sa pagtanda kasama ng magiging anak nating dalawa .

*kinabukasan*
Sabay na kumain silang dalawa at sabay na pumasok sa opisina. Nagdesisyon ang dalawa na sabihin sa opisina na silang dalawa ay magpapakasal na. At simula sa araw na iyon ay hindi na magiging sercreatry si Ms. Kim kundi kasama nya ito bilang isang asawa.

Sa opisina***
Spinatawag ni Mr. Lee ang lahat ng miyembro ng opisina nya at sinabi sa kanila na simula ngayon asawa ko na si ms. Kim dina sya ang secretary o tatawagin nying sticky note o uutasan, kasama ko na sya bilang sya ang magiging asawa ko at magiging ina ng magiging anak namin. At magsisilbing may bahay ko sa araw-araw.

Simula noon ay may pumalit na bilang secretary kay Ms. Kim ngunit palagi paren syang kasama ni Mr. Lee sya paren ang naghahanda ng mga damit nya tulad ng ginagawa bilang secretary noon. Mas naging maganda ang samahan ng dalawa.

Buwan-buwan ay palagi silang napunta sa ospital para ipacheck kung maganda at malusog ang batng dinadala ni Ms. Kim. At dumatung na ang panahon na naglilihi na si Kim. Lee, gusto ko ng hilaw na mangga na mayroong alamang.

Plsss mahal ko! Wika ni Kim sa kanyang asawa. Hon! Pwede bang maya maya kailangan ko pa kaseng tapusin tong ginagawa ko para mamaya sa meeting ko. Kailangan kong ipakita ito ngayon sa board nain mahal ko eh. Pero mahal ko! Gusto ko na talaga ng mangga ngayon eh. Pagmamakaawa nito kay Lee. Sige na nga mahal ko, ihahanap na kita ngayon para di kana magtampo sakin staka dina magmaktol ang baby natin.

Dumaan pa ang ilang buwan ay inasikaso na nila ang pagpapakasal nila bago pa man lumabas sa tyan ni Kim ang magiging unang anak nila. Nagharap harap na ang pamilya ni Kim at Lee. Piang usapan nila ang kaarawan at kung saan magaganap ang kasal ng dalawa.

*makalipas ang 3 oras*

Nagkasundo sundo sila na ikakasal ang dalawa sa ika-2 ng buwan ng Nobyembre sa taong 2018 sa kasalukuyan. Ikakasal sila sa simbahan sa Bicol, napagkasunduan din na hindi ingrande ang kasal sapagkat ang gusto ni Kim at Lee na simple lang ang pagdraos ng kasal nila ang mahalaga ay masaya at makadalo ang mga mahahalagang tao sa buhay nila, sa araw ng kasal nilang dalawa. Magksama ang dalawa sa pag-aayos ng mga gagamitin sa kasal nila.

Gumawa sila ng mga invitations para sa kanilang kasal.

Vacation in CandaWhere stories live. Discover now