Chapter 1

42 0 0
                                    

Good morning!!!

First day of school. And finally, third year highschool na ako! Yes, nandyan pa rin ako na sana ay graduating na ako ngayong taon na ito. Huminto kasi ako ng pag-aaral nung nasa grade 1 ako. Yun yung mga oras na nilisan namin ni Mommy ang Korea. Hanggang ngayon di pa rin malinaw sakin yung biglaang pag alis namin na yun. Pinanganak ako dun, bago pa man ako magkaron ng muwang para sa ala-ala ng buhay ko dun ay wala na. Masyadong maaga at masyado akong bata para sa paglisan namin dun. Sa totoo lang, ni hindi ko nga maalala yung mukha ng Daddy ko. Di ko alam kung nagkabonding ba kami ni minsan. Si Mommy na lang ang tanging nakasama ko. Oh, well hindi kadalasan. Ang totoo nyan pagkatungtong ko sa edad na ito ay hiniling ko sa kanya na magsarili na lang. Yun yung wish ko habang sinasabi sa kanya ng deretso yung katagang yun habang hawak-hawak nya ang cake ko at handa na para hipan ko pagkatapos kung sabihin yung hiling na yun na kay tagal kung pinaghandaan na sobrang ikinagulat naman nya.

Para san pa naman kasi ang magsama kami sa iisang bahay kung halos di naman kami nagkakasama talaga. Para san pa yung ina ko sya at anak nya ako kung di ko naman sya matawag ng Mommy sa oras na kailangan ko sya sa oras na malungkot ako o di kaya ay may iniinda akong sakit. Ni minsan nga, hindi namin napag-usapan yung masasayang araw ko at yung sa kanya. Para bang, andyan lang sya para buhayin ako sa pamamagitan ng pagpapaaral sakin, pagpapakain at pagbibigay ng mga kailangan ko sa araw-araw. Pero emotionally? Wala. Yun lang yun.

Pakiramdam ko nga minsan ako yung malaking mali sa buhay nya. Dahil masyado syang bata nung pinanganak ako at di nya masyado naenjoy ang pagiging dalaga nya ng dahil sakin kaya masyado syang cold. Kung makikita mo naman kasi ang Mommy ko, mapapa-wow ka talaga dahil mukha lang kaming mag-Ate. Super model kasi sya at ako ang malaking sikreto nya sa buhay karera nya.

Yes, you read it right. Modelo pa rin ang Mommy ko sa edad nyang 36 years old. Masyado syang maalaga sa sarili kaya mukhang bata pa rin. Laman sya ng mga sikat na catwalk and magazines sa bansa. Walang alam ang lahat ng tungkol sakin. Ang weird nga eh, iba yung pangalan nya sa birth certificate ko ng ipasa ko iyon bilang isa sa mga requirements ko sa paaralan. Nung una, di ko napapansin. Nung kalaunan nagtataka na ako kung dahil bakit hindi sila nagtatakang anak ako ng isang tanyag na modelo na si Anastasia Garcia? Dun ko naisipang tignan ang pangalan ni Mommy sa birth certficate ko at laking gulat ko dahil Maria Therese Garcia sya dun. Pero narealize ko naman din agad dahil gumagamit naman talaga ng screen name ang mga celebrity, minsanan na lang ata yung ginagamit mismo ang totoo nilang pangalan. Kadalasan may halong edit na.

So much for that, 7:30 am ang klase ko at masyado na naman akong naging emosyonal. Unang araw ko din kasi ito sa apartment na nirentahan ko malapit sa eskwelahan at malapit sa tinatrabahuan ko. Yes again, you read it right dahil I am one of the working student now and I am very proud of it. Nagsimula ako nung summer at nagustohan ng may ari ang trabaho ko kaya naregular ako. Di naman ako nagdalawang isip ng i-offer sakin ang regularization dahil sa bukod sa naisip ko ng magsarili ay may nakita na akong space for rent banda ron at sobrang lapit pa talaga sa school ko kaya di ako mahihirapan sigurado. Bukod pa dun ay makakatipid din ako sa transportation panigurado dahil walking distance lang ang mga to. Hehehe

Quinn's POV

"Magandang umaga, Tina!" Sya yung umukupa sa katabi kong apartment. May kasama sya, hindi katulad kong inakupa ang buong kwarto.

"Likewise, Quinn. Ganda-ganda talaga  eh! Akala ko nga eh hindi ka pa nagigising. Kakatukin na sana kita kasi anong oras na." Mahabang sagot nya sa maikli kung pagbati. Hahaha

"Walking distance lang naman kasi kaya di ako masyadong nagmadali. Oh, sya mauuna na ako, ha? Baka malate na tuloy ako sa sobrang kumpyansa ko sa pagiging malamit ng paaralan. Hehehe" Sagot ko naman sabay kaway sa kanya bilang paalam.

"Oh, sige. Mag-iingat ka ha? Kita na lang tayo sa bakeshop mamaya." Sabay kaway nya rin.

Naglalakad na ako malapit sa gate ng paaralan namin ng biglang nagkumpulan ang mga estudyante. Kadalasan mga babae at tila nagpipigil ng tili at halatang mga kinikilig. "Anong nangyayari? Andyan ba si James Reid? Kung makareact naman ang mga to! Papasok ba sila o haharot na lang sa unang araw ng klase?" Pabulong kung tanong sa sarili ko.

Sisingit na sana ako sa mga nagkukumpulang estudyante sa entrance ng gate ng nakayuko ng biglang nagbulungan ang lahat. Dahan-dahan kong iniangat ang aking ulo ng biglang narealize ko na nasa gitna ako ng mga magagandang nilalang. Isang napakagandang babae na kulot ang buhok sa may bandang ibaba, nasa kanan ko sya. Habang nakatitig naman ng maigi ang isang napakagandang lalaki sakin na halatang naiinis na, na nasa kaliwa ko naman. Bago ang isang ito sa mata ko. Yung babae kasi nakikita ko na dati at nagagandahan talaga ako sa kanya, famous kasi sya sa Dr. Well International School, kung san kami nag-aaral ngayon.

Panay ang lunok ko dahil hindi ko na alam ang gagawin ko. Kung magsosorry ba ako, aalis. Ewan! Isa lang ang alam ko. Sobrang napapahiya na ako. Parang napakalaking mali ang ginawa ko ngayon. Naibaba ko ang tingin ko ng biglang...

😳 ME

Nagsigawan ang lahat ng mga estudyante at nagslowmo lahat ng nasa paligid ko. Para akong binabaon sa lupa paunti-unti. Ang hirap huminga. Daig ko pa ang naubusan ng oxygen. Hindi ako makapaniwala. Nakakagulat at nakakabahala. Ewan! Ang sarap tumakbo pero di ko magawa. Ano ba naman dapat kasi ang gawin ko sa ganitong sitwasyon? Parang kanina lang naukol sakin lahat ng paningin tas biglang ganito? What the F, Men! Nakakaloka kayo!

Author's Note!
Hindi ko alam if may magbabasa pa nito or magkakainterest na buksan ito pero if meron man. Please don't forget to comment, vote, share and follow me. THANK YOU! 😘

How Could You Say You Love Me?Where stories live. Discover now