ika dalampung kabanata

164 10 5
                                    

Jimin pov:

Bogsh!!

"ANO??"

Pinunasan ko ang dugong lumabas sa labi ko, at ang iba ay dinura ko, maya maya pa ay may humawak sa kuwelyo ko at tinayo ako ng biglaan

"Hindi ko siya pinaubaya  sayo para gaguhin mo! Hindi kita sinangayunan para lang gawin mong tanga ang kapatid ko manloloko ka hayop ka!"

Minsan pa sana niya akong susuntukin ng saluhin ko ang kamao niya at pabagsak na binaba ito saka ko pilit na hinawakan ng mahigpit ang kuwelyo niya

"Kuya Creid, hindi ko ginago ang kapatid mo, Hindi ba puwedeng takot lang akong biglaan niya akong iwan pag nalamn niya ang totoo?"

Tinanggal niya ang kamay ko sa kuwelyo niya at tinulak ako

"Kung takot kang iwan ka niya, paano pa pag lumayo na ng tuluyan ang loob nya, Kilala mo ang kapatid ko, alam mo kung paano siya magalit at magtampo, pero once na malaman niya ang totoo tingin mo babalik pa ang dating trato niya sayo? Hindi na!"

"Alam ko Kaya lumayo ako"

Isang beses pa akong nakatanggap ng sapak mula sa kanya!

"HINDI PANANAKIT ANG PARAAN PARA MAKALIMUTAN KA NG ISANG TAO"

Pinilit kong tumayo at siya naman ang sinapak ko

"Ginawa ko to para saming dalawa!! Alam kong masasaktan din kami sa dulo masama bang pinaaga ko lang?"

Sabi ko sa kanya! Tumayo siya at hinarap ako hinigpitan niya ang hawak sa Gilid ng mga kuwelyo ko

"Hindi mo to ginawa para sa inyong dalawa ginawa mo to PARA SA SARILI MO LANG, hindi mo pinaaga PINALALA MO LANG! Hindi kayo masasaktan kung ipapaintindi mo rin lang! Hindi tanga ang kapatid ko para hindi ka maintindihan! Ikaw lang ang nagiisip na masasaktan kayo! Dahil yung kapatid ko? Wala ibang inisip kundi MAGING MASAYA LANG KAYO HANGGANG DULO!"

Sabi nito saakin at iniwan ako! Sa dinami dami ng uri ng tanga sa mundo ako yung pinaka malala, Bumitaw kasi ako kahit alam kong kaya pa!


Riyel pov:

2 linggo!

2 linggo na ang nakakaraan simula nung Araw na maituturing kong bangungot! Hindi parin umuuwi si kuya simula ng magpaalam siya saking may papasyalan lang daw siyang kaibigan

"Oyy riyel d ka ba sasabay sakin? Baka wala NANAMAN malamang ang kuya mo para sunduin ka"

Sabi ni Tonett pero biglang sumingit si Taym
Nga pala legal na, na nililigawan ni Taym si Tonett marami ng nangyari sa kanila! Pero ayun sweet as candy padin sila, SANA ALL

"Kaya nga riyel sabay ka na samin"

"Nakuu hindi na alam ko namang may dadaanan pa kayo at isa pa kay lapit lapit lang ng bahay namin eh! Lalakarin ko nalang"

"Ayy! Sure ka?"

"Oo nga! At isa pa ma O-Op lang ako pag kasama ko kayo"

"Ahh ok sige na nga! Tara na babe?"

"Babe mo?? Oh hawakan mo tong gamit ko"

Sabi ni Tonett at nauna ng naglakad kumaway naman si Taym sakin senyales na aalis na sila, napabuntong hininga ako kahit pala Kay kay haba ng prosisyon Sa kamay padin ng isat isa ang tuloy, Alam kong simbahan yun but Now na bata pa kami sa isat isa muna, halos ayaw ng dalawang yan magsama nuon but ngayon tignan mo naman Nanliligaw na si Taym sa kanya!

LOVE IS A MAGIC, SOMETIMES IT BREAKS  YOU BUT SOMETIMES IT WILL BUILD A NEW YOU

Habang naglalakd ako may nabangga akong babae nalaglag nito ang hawak niyang Payong mga nasa 50-55 years old

"Sorry po"

Sabi ko at pinulot ito pero ng ibalik ko ay nagulat ako na nakatitig lang siya sakin

"Ba-bakit po?"

Sabi ko dito pero bigla niya akong niyakap

"Salamat sa diyos nabuhay ka"

Sabi nito sakin

"P-po? Sino po kayo?"

May bakas ng pagkagulat ang mga mata nya

"Hindi mo na ako naaalala? Ako si Yaya Telda! Katiwala nila TAURUS!"

TAURUS? SINO YUN?

BUT MY HEART PUMPS SO LOUD AND SO FAST







AN: sheeettttt!! Abangan kung anong mangyayari next chap

Our painful Love storyWhere stories live. Discover now