ika dalawangpu at anim kabanata

135 6 0
                                    

Riyel pov:

Wala akong ibang ginawa kundi ang umiyak! Wala na akong magawa eh, hanggang ngayon d padin ako makapaniwala! Parang isang bagsakang binagsak sakin ang mundo eh!

Nung nakaraan  pa ako d lumalabas nagpunta na dito si Taym, si Tonett pero d ko padin sila pinapasok sa kuwarto ko lumalabas lang ako para kumain, pero kadalasan d ko din nauubos yung pagkain ko, pinapadalhan din ako ni kuya dito sa loob ng kuwarto ko pero hindi ko lang din ginagalaw, Parang tuwing kumakain kasi ako ay naaalala ko kung paano sabihin sakin ni Jimin ang totoo, gusto akong kausapin ni kuya pero hindi ko pa siya kayang harapin ngayon!

Habang nakaupo ako sa kama ko yakap ang mga tuhod ko ay may kumatok tinignan ko lang ang pinto at d na ako nagabalang buksan ito

"Riyel aalis muna si kuya anong gusto mong ipabili"

Hindi ako umiimik, parang wala lang akong narinig at bumalik ulit sa kawalan! Kailangan ko ding makapag move on, kailangan ko ding huminga ng kahit na konti!

Siguro mga 10 minutes ang nakalipas ay may kumatok ulit, nilingon ko lang ulit ito ng parang ginawa ko kay kuya ng kumatok siya, alam ko naman kasing si Manang lang yun

"Riyel"

Dahil sa boses na galing sa kabilang banda nito, ay tumayo ako at nanginginig ang kalamnan ko

"Riyel d ka daw kumakain at pumapasok"

Tama nga ako ang boses na yun ay kay

JIMIN

Habang nakatayo ako ay nakakuyom ang mga palad ko at pinipigilan ang sarili kong bumuhos lahat ng emosyon, Para kasing nagwawala ang sistema ko eh, parang ngayon ko NABUHOS lahat ng sakit na nararamdaman ko

"Riyel alam kong masakit padin sayo lahat, pero puwede bang makinig ka sakin kahit anjan ka sa loob at andito ako sa labas"

Narinig ko ang pagdausdos ng katawan niya dahil ang likod niya ay nakalapat sa pinto ko

"Riyel pasensiya ka na ah kasi ang gago ko, sorry kasi nagawa ko lahat yun sayo"

Sabi niya habang nagsasalita siya ay lumapit ako sa pinto at naupo din sa gilid nito

"Alam mo, Hindi dapat kita iniwan, d dapat ako sumuko, dapat ngayong nalaman mo ang lahat anjan ako sa tabi mo para ipaintindi sayo, Kaso kasi Naduwag ako eh! Naduwag akong harapin ang totoo, natakot akong iwan mo ko bigla, hindi ako nagtiwala sayo"

Tinakpan ko ang bibig ko para sa mga hikbing nabubuo sa bawat pagpatak ng luha ko

"Kung sakali bang hindi kita iniwan maayos kaya tayo ngayon? Hindi kaya tayo nagkakaganito? Miss na miss na kita sana miss mo din ako, Kahit hirap na hirap akong harapin ang lahat ng araw na wala ka kinakaya ko kasi alam kong ganito ang kahihinatnan nito"

Naririnig ko na din ang pag bali ng mga salita na binibitawan niya, Dahil siguro naiiyak nadin siya

"Sana Riyel, Dumating yung araw na mapatawad mo na ako, hindi ka man na maging akin, At least mapatawad mo man lang ako"

Sabi niya

"Palagi mong tatandaan na, MAHAL NA MAHAL KITA kahit san man ako makarating kahit san man ako mapunta I WILL STILL LOVE YOU"

Sabi nito sakin, at narinig ko na ang kaniyang pagtayo at tinap pa nito ang pinto ko bago ko tuluyang madinig ang mga yabag niya na paalis na agad kong binuksan ang pinto ko, wala na akong paki kahit tuloy tuloy yung patak ng luha ko, nilingon niya ako, at ayun nakita ko siya nagpupunas ng luha at mugto ang mga mata

Nagulat siya siyempre, lumapit ako sa kanya na may puot at galit padin hinarap ko siya at sinabing

"MAPAPATAWAD KITA KUNG DADALHIN MO KO SA PUNTOD NIYA"


Abanggannn!!

Patapos na po siya😄😍😍
Sorry po kung sobrang tagal kasi ang dami ko pong ginawa sa school😭😭😭 sana po maintindihan nyo

Justlovenofight

Our painful Love storyWhere stories live. Discover now