Jimin pov:
Sa bawat pag galaw ng kamay ng orasan padagdag ng padagdag ang kaba at tensiyon na nararamdaman ko
"Anong gusto mong pagusapan natin?"
Sabi ni Taym sakin, Pinapunta ko siya dito sa Condo ko kanina hindi nadin siya pumasok
"Pre matagal nadin tayong d nagkakausap noh?"
Sabi ko dito, nangunot naman ang nuo niya
"Marami ka na atang nainom na alak pre!"
"Hindi ok pa ako! Alam mo ba kung bakit kita pinatawag dito? Kasi gusto kong magusap tayo"
Sabi ko sa kanya, tahimik lang naman siyang nakatingin sakin
"Pre nung dumating ka ulit alam mo natakot ako eh, kasi baka sabihin mo sa kanyang Hindi naman dapat si Jimin yang kasama mo eh baka kasi dumating sa puntong ganon"
"Bat ko naman gagawin yun, nakita ko naman kung gaano na kayo kasaya ngayon eh 3 taon na ang nakakaraan Jimin dapat d mo na iniisip yang ganyan"
"Ayun na nga pre eh, Tatlong taon na! Bale mag tatlo nadin kami ni Riyel pero sa bawat araw at oras na dumadaan dumadapo padin sa isip ko na HINDI TALAGA SIYA AKIN"
"Alam mo pre! Oo sabihin na nating Kay Taurus talaga siya, SI TAURUS TALAGA ANG ORIG. Pero pre tingin mo Pag iniwan mo siya may magbabago? Nung hiniwalayan mo ba siya Mas naging Better ba yun para sa inyo? Hindi naman pre d ba! Mas gumulo lang"
Katulad ng sinabi sakin ni Creid nung nagharap kami, bumuntong hininga naman ako
"Oh ngayon paano na? Paano na ngayon na mukang desidido na siyang malamn ang totoo, tingin mo pag nalaman niya kung ano ang totoong nangyari tingin mo ba matutuwa siya? Tingin mo ba maiintindihan niya pag sinabi mong ginawa mo yun para sa kanya?? Hindi pre, hindi yun ang maiisip niya, GINAWA MO YAN KASI GUSTO MO, GINAWA MO YAN PARA SA SARILI MO AT HINDI PARA SA INYO, yan ang Maiisip ni Riyel"
"Pre alam mo naman d ba? NA NUON PALANG GUSTO KO NA SIYA, sila palang nun ni Taurus pero naiintindihan ko naman kaya dumistansiya ako, pero pre Hindi ko talaga kakayanin pag nakita kong masasaktan siya at isa pa d ko naman ginawa yun dahil lang sa pangsarili kong kagustuhan alam kong mahihirapan siya pag nagkataon"
"Tingin mo ba hindi siya mahihirapan ngayon?"
"Kaya ko nga gagawin to para sa kanya"
Nagsalubong naman ang mga kilay niya
"Wa-wag mong sabihing sasabihin mo na sa kanya ang totoo?"
"Oo Sasabihin ko na"
"Alam mo pa ba ang ginagawa mo? Pre kakasuklaman ka niya pag nagkataon"
"Wala akong pakielam! Handa na akong saluhin lahat ng sakit, kung iwan man niya ako kung kasuklaman man wala na akong pake! Handa na ako Taym"
"Handa ka na din bang, HINDI KA NA NIYA BALIKAN? Pre kilala mo din si Creid pag sinabi mo ang totoo, ilalayo niya si Riyel sayo hanggang sa puntong hindi na kayo magkita"
Nanlumo ako, naiiyak ako, oo alam kong mangyayari yun, Si Creid ang tipo ng kuya na Ilalayo ang kapatid pag nasaktan, subok ko na siya, kasi ang moto niya MAKAKALIMUTAN NG TAO ANG MGA BAGAY NA HINDI NA NIYA NAKIKITA
PERO KUNG KAMI ANG ITINADHANA, BABALIK AT BABALIK DIN KAMI SA KAMAY NG ISAT-ISA
ayiieuuuttt.... abanggannn
YOU ARE READING
Our painful Love story
Teen Fiction"Gusto mo ng maghiwalay tayo? sige! Tutal hindi ka naman kawalan" - Jimin "You hurt me more than what I deserve because I LOVED you more that what you deserve, but now Its all done lets just Forget it and keep living, We don't deserve Each other Jim...