Chapter 11: What happened?

33 3 0
                                    

multimedia: Frances Austine Villaflor

___

Third Person's POV

Naalimpungatan si Myrttel ng makaramdam siya ng init sa katawan niya. Ngayon ay pinag papawisan na siya. Marahan niyang iminulat ang kanyang mga mata. Medyo napapapikit pikit pa rin ito dulot ng pagod at antok. Sinubukan niyang tumayo pero napadaing siya nang makaramdam siya ng sakit ng ulo.

Napahawak siya sa ulo niya dahil sa sobrang sakit nito, medyo na hihilo rin siya kaya pumikit na lamang siyang muli. Hinayaan niya munang ganoon ang kanyang pwesto habang hinihintay na maging okay na siya.

Makalipas ng ilang segundo iminulat niyang muli ang kanyang mga mata ng dahan dahan. Sinubukan niyang umupo at nagawa niya naman. Her vision was still blurry pero napansin niyang may nakatayong isang lalaki sa may pintuan. Tila seryoso itong nakatingin sa kanya habang may dala dalang isang tray na nag lalaman ng almusal nito.

Nang maging malinaw na ang kanyang paningin, inilibot niya ito sa paligid. Napansin niyang nasa isang kwarto siya at iyon ay kwarto niya.

"Buti naman at gising ka na" nakangiting banggit ng kuya niya. Lumapit ito at inilagay ang tray na hawak niya sa study table nito. "Kumain ka na diyan at inumin mo yung gamot para hindi ka na masyadong mahilo, may pasok ka pa" 

"Thanks kuya" pilit na ngiting sabi niya.

Napabuntong-hininga siya, naalala niya nanaman ang nangyari sa kanila ni Kian. Medyo nalungkot na naman siyang muli. Napatitig na lamang siya sa pag kain na dinala ng ka niyang kuya. 

Wala itong balak na kainin ang nasa kanyang harapan. Pakiramdam niya'y busog na busog siya at punong puno ng pagkain ang tyan niya.

Nakaramdam ito na may umupo sa ka niyang tabi kaya ito'y nilingon niya. 

"Why? What happened?... Ayaw mo ba niyang hinanda kong breakfast sa'yo? Gusto mo palitan ko? Akin na." Akmang kukuhanin na ito ng kaniyang kuya ngunit pinigilan niya. 

"No kuya." Myrttel said at inilayo niya ang kamay ng kuya niya sa tray.

"So, anong problema bakit parang ang lungkot mo today eh ang ganda ganda ng araw ngayon" Napangiti na lamang si Myrttel at niyakap ang kanyang kuya.

Austine was get shocked ng bigla siyang yakapin nito. And Myrttel began to be emotional again, umiyak na naman siya ng maalala niya ang nangyari sa kanila ni Kian. Walang nagawa ang kuya niya kundi ang hagudin na lamang ang likod nito at patahanin.

"Why? What happened?" medyo naguguluhan ang kuya niya dahil hindi niya alam kung ano bang nangyayari sa kapatid niya. 

Huminga ito ng malalim at kumawala sa pagkakayakap sa kuya niya. "Nothing" tanging nasagot niya at pinunasan lahat ng luha sa pisnge niya.

"What!? Anong nothing ka diyan. Iiyak ba bigla diyan kung wala lang? Gusto mo suntukin kita?" Pabirong sabi ng kuya niya.

Nag dadalawang isip siya kung sasabihin niya ba sa kuya niya yung totoong nangyari o itatago na lamang. Kaya napatungo na lamang ito.

"Alam mo being sad for no reason is worse than being sad for a reason, because there's absolutely nothing you can do to make yourself feel better. Kaya please tell me, makikinig naman ako sa'yo. Mas lalo ka lang pahihirapan ng nararamdaman mo kung sasarilihin mo lang yang problema mo. Kapatid  mo ko, kuya mo maiintindihan ko yan kahit ano pa yang problema mo." Nakangiting sambit nito.

Iniangat niya ang kaniyang ulo at tumingin ng seryoso sa kaniyang kuya. She tooked a deep breath bago siya mag salita "Break na kami" at napahagulgol na naman siya sa pag iyak. 

ᴍʏ ʀᴇʙᴏᴜɴᴅ (On-Going)Where stories live. Discover now