Chapter 7: Who is he?

24 6 4
                                    

multimedia: Axel

___

Verley's POV

Nakatitig lang ako sa singkit niyang mga mata. Hindi ko alam pero feeling ko huminto ang oras at tanging kaming dalawa lang ang mag kasama.

"Miss?" Nabalik ang diwa ko sa realidad ng mag salita siya ulit. Nabaling ang tingin ko sa kamay niya na nakalahad. And I remember something.

Shit! My first subject. Tumingin ako sa wrist clock ko and it's already time. Late na ako!

Tumayo ako ng hindi ginagamit ang tulong niya.

"I'm fine thank you bye." Pag mamadali kong sabi at tumakbo na ng mabilis. Pumunta muna ako sa locker ko para kunin yung gamit ko.

Dammit! 3rd floor pa pala yung room ko. Kainis!

Hindi ko ininda ang sakit ng mga paa ko na aking nararamdaman ngayon ayokong malate. Ayoko!

Patuloy ako sa pagtakbo hanggang sa nakita ko ang prof ko.

Lumuwag ang dibdib ko ng maabutan ko ang prof namin na papasok pa lamang.

Huminga ako ng malalim pag kapasok ko. Inayos ko ang sarili ko at umupo ng maayos.

"Okay class get one whole sheet of paper at may long quiz tayo"

Wait whutt!!

Nanlumo lahat kami. Halos lahat ay nag rereklamo sa sinabi ng prof namin.

"Sir bakit naman ganun"
"Serr di ka pa nga nag tuturo eh"
"Serr bukas na lang"
"Ano ba yan!"

Halos lahat ay nainis sa prof namin kasama na ako. Ang malas ko ngayong araw. Except nga lang dun sa cutie boy kanina.

Aish! Sayang hindi ko na tanong yung pangalan niya kainis!

Wala kaming nagawa sa sinabi ng prof namin kundi ang sumunod at sinagutan na lang ang pinapa-long quiz niya.

After 30 mins natapos kami.

Sinagutan namin ang 50 question niya na ni isa sa mga iyon ay di niya pa na di-discuss.

Nag check agad kami ng papel. At pinasa na sa unahan pag katapos. Hindi ako natuwa sa naging score ko. Hindi siya mababa hindi siya mataas tama lang. Pasado ako pero hindi ako natutuwa.

"Ang bababa ng score niyo!" Inis na sigaw ng prof namin. "Diba araw araw ko naman kayong pinapaalalahanan na mag advance reading kayo! Hindi sa lahat ng oras ay magtuturo muna bago mag quiz. Matuto naman kayong mag kusa! Ang tatanda niyo na!!"

Naturingang guro pero hindi nag di-discuss ng maayos sa amin.

Hayst!

***

Natapos ang tatlong subjects namin at ito ako ngayon nag lalakad sa corridor para pumunta sa pang apat na subject ko. Ang math. Ang nakakainis na subject. Hindi sa di ako marunong pero ang sakit niya sa ulo.

Pag dating ko sa classroom namin ay umupo ka agad ako sa may bandang likuran. Habang hinihintay si Mrs. Reyes ay naglagay muna ako ng earphone sa tenga ko at nakinig ng songs ng paramore.

Masaya kong dinadamdam ang tugtog ng biglang dumating si Mrs. Reyes kaya dali dali kong tinanggal ang earphone sa tenga ko.

"Goodmorning class. I want you to meet your new classmate" pag kasabi ni ma'am nun ay umayos ako ng upo. "Mr. Dempsey, introduced yourself"

ᴍʏ ʀᴇʙᴏᴜɴᴅ (On-Going)Where stories live. Discover now