Chapter 18: Halik

7 0 0
                                    

Duke and Myrttel

_____________

Duke's POV

Buhat-buhat ko ngayon sa balikat si Myrttel na hanggang ngayon ay lasing na lasing pa rin.

Kung anu-ano na yung sinasabi niya kanina pa. At paulit-ulit na rin siya sa kinakanta niya.

"Come along with me, and the butterflies and bees--" kanta niya habang ginagalaw galaw ang ulo niya ng pakaliwa at kanan.

"Myrttel can you stop what you are doing?" Mahinahon na sabi ko.

Pero mukhang 'di niya ako narinig, patuloy pa rin siya sa pag kanta. Napa face-palm na lang ako.

Nahihiya na rin ako kasi gabing-gabi na ang ingay-ingay niya sobra. Napapatingin tuloy samin lahat ng mga taong nadadaanan namin.

Nag patuloy na lang ako sa pag lalakad. Malapit na yung isang bus station. At doon na lang kami mag hihintay ng bus para makauwi na kami.

Nagulat ako ng bigla siyang tumigil sa pag kanta at ipinatong ang ulo niya sa balikat ko. Pagod na siguro 'to.

Ilang sandali lang ay bigla niya nanaman itong iniangat at ipinatong ulit ang ulo niya sa balikat ko.

Ano nanaman bang trip neto?

Inulit niya yun ng tatlong beses at tumawa. Ibang klase pala talaga 'tong malasing. Paiba iba ng katauhan. Nababaliw na ata 'to.

"Ang gwapo mo today" sambit niya.

Biglang uminit ang pisnge ko sa sinabi niya. Nakita ko sa gilid ng mata ko na nakatingin siya sa akin ng seryoso habang nakahawak ang kamay niya sa pisnge ko.

Hindi ako nag salita. Hindi ko pinansin ang sinabi niya at patuloy lang na nag lalakad ng tahimik.

"Hindi ka ganyan kagwapo nung una kitang nakita eh. Isang singkit at kulay brown na mga mata mo na nakakaakit. Alam mo bang inlove na inlove ako sayo ngayon?"

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Gulat akong napahinto.

Mas lalong uminit ang pisnge ko, feeling ko kasing pula ko na yung kamatis sa sobrang pula ng pisnge ko ngayon.

Nababaliw na nga itong babaeng 'to.

Naalala ko tuloy yung unang beses na nakita ko siya sa coffee shop yung time na nginitian niya ako at napawi ang inis ko kay Amiel.

"Alam mo nung tinanong mo ako kung pwede mo akong maging girlfriend di na ako nag dalawang isip pa para sagutin ka, kahit na alam kong playboy ka." Tumahimik siya saglit at nag salitang muli.

Bigla akong nakaramdam ng kirot sa puso ko.

"K-kasi nangako ka sakin na mag babago ka. Sinabi mo rin na ibang-iba ako sa mga babaeng nakilala mo. Kinilig ako sa sinabi mong yun, pero isang araw lang... isa lang at nag bago na ulit ang lahat." huminga siya ng malalim bago ipinag patuloy ang sasabihin.

Dahan dahan akong nag lakad muli. Akala ko ba naman ako na yung tinutukoy niya.

Ibang tao ang kaharap niya pero ibang tao ren ang tinutukoy niya sa kinukwento niya.

"Hindi na ikaw ung Kian na nakilala ko. Yung pangako mo sakin kinalimutan mo. Bumalik ka sa pagiging playboy. Bumalik ka sa dating ugali mo, na sobrang dumurog ng puso ko." Naramdaman ko ang mainit na luhang pumatak sa balikat ko.

Umiiyak siya ngayon. At naaawa ako. Gusto ko siyang yakapin hanggang sa mawala ang sakit na nararamdaman niya. Pero hindi ko magawa.

Sobrang sakit para sa part ko na nasasaktan ngayon ang taong gusto ko. Hindi ko man lang magawang pawiin lahat ng sakit na nararamdaman niya ngayon.

ᴍʏ ʀᴇʙᴏᴜɴᴅ (On-Going)Where stories live. Discover now