Chapter 3: Zach Meets...

23 5 1
                                    

Zach's POV

S-siya yung babaeng naka duster!

Please Lord! huhuhu! tanggalin niyo yung Bad Spirit na 'to!

"H-hell-"

"Hell!? Pumunta ka d'on! lumayo ka!" sigaw ko with matching Lumayo-ka-Pose.

"H-hindi ako nan-d-dito pa-para manakot" paliwanag pa nito.

"Ikaw ba yan Crizel!?" tanong ko

"Crizel? yan ba yung pangalan ko?" tanong nito

(A/N: Yung nasa Kambal Karibal)

"H-Hindi ko alam! Umalis ka dito!" Pagtaboy ko pa

"Tyaka bakit hindi mo alam pangalan mo!? Multo ka diba!"

"H-hindi ko din alam, please huminahon ka!"

"waaah! wag kang lalapit!" sigaw ko pa dahil mas lalo siyang lumalapit sa akin.

"P-please, makinig ka muna" wika nito at may namuong luha sa mata niya.

Tama ba na pakinggan ko siya? What if kung bigla niya akong hilain!

"Hi-hindi ako masayang ta-tao" wika nito at napa-luhod.

"Ang tanging gusto ko lang ay may makinig sa akin"

huh? nakakaawa naman 'to.Ganito yung sa mga palabas kunwari mabait pero kakainin nila ako.

"H-hindi k-kita sasaktan" wika pa nito at tumingin sa akin.

Ano ba ang nangyayari! bakit ko nakikita siya!

"S-sigurado kaba?" mahinahon kong tanong sa kaniya.

"Trust me, katulad ng pagtitiwala ko sa'yo" sagot nito.

"Sure ka ba? bakit kaba naka duster?" tanong ko sa kaniya at tinignan niya ang suot niyang kulay puti na duster.

"Anong duster ka diyan? hindi 'to duster!" sagot nito.

"ah hindi ba? okay"

"Makinig ka sa akin." wika nito at seryosong naka tingin sa akin.

"Huwag kang lalapit sa akin, diyaan ka lang sa sahig" paalala ko sa kaniya at umupo ako sa dulo ng kama.

"Ano bang kailangan mo?" tanong ko.

"G-gusto kong malaman ang pagkamatay ko" sagot nito.

Nanlaki naman ang mata ko dahil sa sinabi niya.

Seryoso siya?

"Hindi mo alam kung bakit ka namatay?" tanong ko

"Sa tingin mo ba lalapit ako sa'yo kung alam ko?"

"Wow, umayos ka ng pananalita ah!"

"S-sorry! I mean yeah, hindi ko alam. Kahit pangalan ko hindi ko alam" paliwanag pa nito.

Hmm, Interestin' pero wala akong nakikitang interesting...Char.

"So ano ang gusto mong gawin ko?" tanong ko

Tumingin ito sa akin at tumayo.

"I-i want to know who i am and please help me to find the reasons behind this" wika nito.

Parang napanood ko na 'to sa palabas yung akmang tumayo yung isa tapos parang maghihiganti then yung mga camera naka harap sa kaniya.HAHAHAHA! oo nga pala...Nevermind.

"Pure english, sa tingin ko nagka-amnesia ka" paliwanag ko at inayos ang salamin ko.

"Naisip ko na din 'yon, kanina naglalakad lakad ako sa kung saan kita nakita pero wala akong matandaan doon" wika nito at umupo ulit sa sahig.

ALEXANDRATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon