Zach's POV
Maaga na ba? Panaginip lang ba yung kagabi? whoooo buti nalang! akala ko may naka-usap talaga ako na mult-- Shocks!?
Yung Mukha niya nasa harap ko!
Waaaah! baka halikan ako nento! Helllpp meeee!
Kaunting galaw nalang niya mahahalikan na niya ako! gooosh! my virgin lips!
Akala ko panaginip lang yung kagabi! huhuhuhu!
tumingin ako sa orasan at 5:50 AM palang.
Ibinalik ko ulit ang pag tingin sa multong babae.
Medyo maganda siya, makinis at maputi siya (pero ba't gan'on. Char) May bangs kulay pula ang Labi, pero hindi yung as in na mapula-Hindi yung katulad sa mga mahaharot sa labas ng bahay namin. Medyo manipis din ang labi.
Sa aking palagay, Anak mayaman siya dahil sa kaniyang mukha.
Ako hindi anak mayaman pero Gwapo, hehehehe #Realtalk.Naka-higa pa din ako hanggang ngayon at pinagmamasdan ko ang maamo niyang mukha.
T-teka? anong maamo? aso ba ako? grrr.
"Meoooooow"
Si Dark!
Si Dark ay ang nag-iisa kong pusa, bigay lang din 'to sa akin nila papa noong bago sila pumunta sa Japan.
Tumalon ito sa kama at idinikit niya yung ulo niya sa tyan ko sabay higa,awwwww namiss niya siguro ako.
"Miss mo 'ko, dark?" wika ko at hinawakan ang ulo niya.
Medyo maliit pa siya kaya dinahan dahan ko lang ang pag hawak. (Walang Greed Minded, okay)
"H-huh?" wika nung...ah! nung multo! nakalimutan kong andito pala siya!
"G-good morning?" wika nito at tumingin sa akin.
*face palm* Oo nga pala nag eenglish siya kahit may amnesia, isa pang evidence para malamang isa siya sa mga anak mayaman.
"G-good m-morning" nauutal kong sagot.
Umupo ito sa kama at tinitigan ako.
"Ayos ka lang? May nagawa ba akong mali noong natutulog ka?" tanong nito na ikinalaki ng mata ko at ikinapula ng mukha ko.
Hoyyyy Zach! Maghunos dili ka! walang gagawin sa'yo yan!
Waah! Ano ba yang mga pinagsasabi mo!? huhuhuhu!!
"Waaaaah! ang kyut nung pusa!" masayang sabi nung babaeng multo sabay turo kay Dark.
Lumapit naman si Dark sa babae, pero tumingin sa akin yung babae. Iniisip niya siguro kung mahahawakan niya yung pusa.
"Go, try mo hawakan" Pagcheer ko pa sa kaniya na ikinangiti nito.
Nahawakan niya ito at pinaglaruan ang ulo.
So, ganito nalang gagawin ko sa buhay ko? aba kailangan kong kumilos para mawala na yung multo na 'to.
"Maliligo lang ako ah, Diyaan ka lang. Papasok ako" pag-utos ko sa babae.
"Papasok? saan? sa Cr?" tanong nito.
*Facepalm*
"Papasok ako sa Cr" sagot ko. Aissssh!
"Okay!" sagot nito.
"Huh? asan na 'yon?" wika ko, katatapos ko lang maligo at tinignan ko kung nasaan yung babae pero wala dito, pati yung pusa.