Chapter 2. WAIT....WHAT?!

6 0 0
                                    

(Sophia Kydione's POV)

"WATCH WHERE YOU'RE GOING! FOOL!"

Hala! Teka lang! Anudaw?! Ako? FOOL?! I mean oo i admit it was my fault na hindi ako tumitingin sa dinadaanan pero sino siya para sabihan akong FOOL?!

"Well excuse me Mister, yes i know it's my fault piro yung sinabihan akong FOOL ang hindi ko matanggap! Akala mo sino kang gwapo?!"

Gwapo naman talaga siya piro kahit na! Mali parin yung tawagin akong fool!

"Eh tatanga tanga ka naman talaga!" Sabi niya sabay lakad palayo. Aba! Kung maka tanga si kuya wagas ha?! Kinuha ko yung isa kong sapatos at tinapon sa kanya at sa ulo pa talaga tumama. Oops! My bad hehehehe

"Miss ano ba problema mo? Ikaw na nga tong nakabunggo ikaw pa yung may gana na mang tapon ng sapatos!" This time galit na talaga siya, nakakatakot huehue. Lumapit ako sa kanya at kinuha yung kapares ng sapatos ko

"IKAW! Ikaw ang problema ko!" Sabi ko sabay takbo patungong classroom. Muntikan na yun, ay mali attention seeker na talaga kasi may mga students din na nakapansin sa show nami kanina nung lalaking kung akala mo sinong gwapo.

Saktong pagkadating ko sa classroom tsaka rin dumating professor namin. Umupo ako katabi ni Lyca kasi seatmates kami.

Hinihingal talaga ako dahil sa pagtakbo. Kinuha ko inhaler ko sa bag.

"Besty okay ka lang ba? Anong nangyari sayo?"

Hindi ko siya sinagot kasi nilagay ko na yung inhaler sa bibig ko. Hinimas himas nalang ni Lyca yung likod ko.

"Ang pawis! Ano bang ginawa mo Sophie?! Nag tatakbo ka ba?!" Sigaw niya

"Miss Cruz? Is there something wrong?" Sabi nung prof naming ubod ng ka striktohan. Tumaas pa talaga kilay niya ha?

"Apologies Sir but I think Sophie needs to go to the clinic" sabi ni Lyca

"Again?!" Buntong hiningang sabi ni Sir.

Tinanggal ko yung inhaler, "No Sir, I'm fine I guess" tinignan lang ako ni Lyca tsaka nag nod lang ako to assure her that I'm okay.

Medyo okay na ako kaya nakinig nalang ako sa lecture ni Sir. 3hrs din yung subject niya kaya di maiwasan yung antok.

"Okay class dismiss!" Sabay sabay na din kami lumabas kasi isa lang subject namin ngayong araw

"Ley san lakad mo?" Sabi ko kay Lyca na nasa tabi ko.

"Besty may date kasi kami ni Paulo ehhhh, pwede ba mauna na ako? Hihihihi" kaloka to! Palibhasa may lovelife

"Bahala ka sa buhay mo" sabi ko na para bang nag tatampo.

"Sophie naman ehhhh!" "Hahahaha joke lang Ley, now go baka ma late ka pa at mag sawa na si Paulo ka hihintay sayo!" Sabi ko sa kanya

"Bye Bestyyyyy! See you around!" Sabi niya sabay takbo

"And by the way take careeeee!" Sigaw niya.

Kahit papano swerte ako at naging best friend ko si Lyca. She's so sweet and caring. Para na kaming magkapatid kasi 11 pa lang nag start na yung pagkakaibigan namin. That's why we treasure each other so much.

Pumunta nalang ako sa mini park ng campus. Walang masyadong tao dito kaya masarap tumambay tsaka ang green ng paligid nakakarelax. Makatulog nga.

"Fool?"

Wait may nagsasalita ba o panaginip ko lang yun?
Idinilat ko ang akin mata and to my surprise may gwapong nilalang na nandito sa harapan ko. Wait gwapo nga ba talaga? Oo sa mukha piro sa panloob hindi! Hmmp!

"ANONG GINAGAWA MO DITO?!" Sigaw ko

"Bakit sayo ba to?!" Cold niyang sabi. Aba mataray to ah!

"Teka! Sinabihan mo nanaman ba ako ng fool? Narinig ko yun! Hindi pala panaginip! HOY MISTER MAG SORRY KA SAKIN!"

"Pwede ba hinaan mo boses mo?! Oh baka gusto mo bigyan kita ng Mic? Tsaka nandito ako para manghingi ng sorry sa nangyari kanina. Pasensya kung nasabi ko yun, medyo hindi maganda umaga ko tsaka pa tanga tanga ka pang nag lalakad kaya yun nasigawan kita"

"Sorry ba talaga yun o mas lalo mo akong ginagalit?" Sarkastiko kong tanong

"Okay. Sorry na pooooo! Okay na ba?" He said na para bang sincere

"Okay na. Umalis ka na nga" sorry for being rude piro ginising nya ko ehhhh

"Ako na nga yung nag sorry ikaw pa yung may ganang magpaalis. Okay bye!" sabi niya at nag lakad palayo. Hala naging cold? Bipolar ba yun?

Tumambay muna ako dito mga 10 minutes siguro. Wala na rin naman akong gagawin. Nang paalis na ako nakita ko si Chrys kasama na naman niya si Vanessa. Teka hindi ba sila nagsasawa sa mga mukha nila? Dikit na dikit eh!

"Wait, Sophie is that you?" Panimula ni Chrys

"Ugh....y-yes. Hi." Teka bakit ba ako nauutal? "Kamusta ka na?" Sabi ni Chrys "Baby hayaan mo na nga yang EX mo, she's not worth with our time" uminit bigla yung ulo ko sa sinabi ni Vanessa.

"Seriously? Nagparaya na nga ako dahil alam kong mahal ka pa! Kahit labag sa puso ko e pinakawalan ko pa rin! Pasalamat ka nga ikaw yung minahal!" Sigaw ko kay Vanessa

"Uhhh! How dare you?! Palibhasa panakip butas ka lang!" Ang sakit lang parang sumisikip na naman yung dibdib ko.

"LOVE!" Sigaw nang isang lalaki sa likuran ko. Pagtingin ko ngumingiti yung lalaking nakabunggo sakin kanina huwaw gwapo! Tsaka inakbayan niya 'ko. Si Chrys mukhang nagulat din sa inasal nitong lalaking to.

Inakbayan niya ko (loading.........) wait....what? So ibig sabihin ako yung tinawag niyang love? Ang kapaaaaaal!

"Hi Chrys! Mukhang inaapi yata ng girlfriend mo 'tong love ko!" Sabi nung lalaki. So magkakilala sila? Magka away ba sila? Parang nakikita ko yung tension sa pagitan ng mga mata nila eh. Hindi na rin ako nakapalag tapos si Vanessa kung maka tingin sakin mukha akong papatayin!

"Vanny let's go, If you'll excuse us" umalis na silang Chrys kaya binatukan ko yung lalaki!

"May pa 'love love' ka pang nalalaman! Ni hindi ko nga kilala kung sino ka?! Tsaka magka away ba kayo ni Chrys?" Sunod sunod kong tanong.

"I just save you, alam ko kasi na binatuhan ka ng masasakit na salita ni Vanessa" sabi niya tsaka naging cold na naman yung aura niya.

"Teka!" Hinabol ko siya "Salamat pala kanina, sakto lang yung pagdating mo kasi sumasakit na yung dibdib ko eh" sabi ko tsaka nag smile

"Oa mo" sabi niya "I'm Sophia Kydione Ocampo" inabot ko yung kamay ko sa kanya "Nathan Griffin Arellano" tapos nag lakad na naman siya.

Bahala siya sa buhay niya! Pero nakakacurious yung sakanila ni Chrys. Parang magka away sila eh. Hmmp! Bahala siya uuwi nalang ako para makapagpahinga. Nakakapressure yung lalaking yun eh.

Hay nako Nathan ano ba kasi yung nasa pagitan niyo ni Chrys bakit parang may mali? 🤔

Rewrite the Star ⭐️ Where stories live. Discover now