Chapter I "Three guys in a suit"

18 0 0
                                    

Author’s POV

Nagmamadali ng umuwi si JAM ng kanilang bahay galing sa Karatedo training nya every MWF dahil malapit ng mag seven o'clock ng gabi, manonood sya ng cocert kasama ang kanyang kaibigan, matagal na kase silang di nagkikita at sa tingin nya, matatagalan ulet bago sila magkita pagkatapos nito dahil malapit na ang pasukan. Naligo na sya, kumain, nagtoothbrush, at nagbihis. Kinuha nya ang cellphone nya para tawagan ang kaibigan.

"Baket?" - Mitch

*kumunot ang noo* “Magandang gabi din Mitch, paalis na ko."

"O sige, kitakits nalang tayo sa mall."

"O sige, bye."

"Bye."

Kinuha na nya ang mga gamit nya at inilagay sa bag, sa mall sila magkikita ng kaibigan para sabay silang pumunta sa Arena kung saan gaganapin ang concert.

"Alis na ko Ma!"

"Ingat ka."

Nakadating na si JAM sa mall at dumeretso sa banyo para mag pulbos.

Hindi nya maiwasang tumingin sa bawat nilalang na nananalamin at husgahan sila, kung mayaman ba ito o hindi, hilig nyang hulaan ang katayuan ng buhay ng isang tao base sa itsura nito. Lumabas na sya ng CR at naupo sa foodcourt at hinintay si Mitch.

"JAM!"

"Tagal ha, tara na, malelate na tayo."

Sa overpass sila ng mall dumaan para hindi na kailangang makipagpatentero sa mga sasakyan sa pag tawid. Habang naglalakad, pinagmamasdan pa din ni JAM ang muka ng bawat nilalang na nakakasalubong nya, sa di kalayuan, may tatlong lalaki ang nakaagaw ng atensyon nya, nakashade sila ng black na akala mo ay tirik na tirik ang araw sa ika- 6:30 ng hapon, at naka Amerikana, papalapit na sila kay JAM ng mapansin nyang may kukunin yung mamang nasa gitna sa loob ng amerikana nito, paglabas ng kamay ay may kasama na itong M1911 pistol (image is attached on the right side) at tipong itututok sa kanya.

"Shit!" Bulong ni Jam sa sarili nya.

Umiwas si JAM bago pa ito pumutok sabay ng pagkuha nya sa kamay ng lalaki, pinalipit nya iyon papunta sa likod nito at nabitawan ng lalaki ang baril, sinalo iyon ni JAM, ng mapansin nya na may hawak na din na baril ang dalawang kasama nito at tipong itututok na sa kanya, inunahan na ni JAM ang mga ito, binaril nya ang mga lalaki sa kamay para mabitawan ang baril na hawak nila, at sa paa para di na sila makatakas, binaril nya na din ang hawak nyang lalaki sa paa, napansin ni JAM ang kwintas na suot ng tatlong lalaki, kinuha nya yung sa lalaking hawak nya, papalapit na sa kanila ang mga security guard ng mall at may mga pulis na din itong kasama, nilagay ni JAM sa bag nya ang kwintas at pati na ang baril na pagmamay ari ng lalaking unang bumaril sa kanya. Lumapit na ang mga pulis sa kanila at madami na din ang mga tao na nakapaligid.

"Miss, okay ka lang?"

"You're welcome, sir." Isang mahinahon na tono ang ibinigay ni JAM kasabay ang malamig na tingin.

Inaya na nya si Mitch dahil malalate na sila.

Tinatawag ng mga pulis si JAM, pero derederetso lang ito dahil pakiramdam nya na may balak silang kunin ang baril na kinuha nya.

Catching the SpidersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon