JAM’s POV
Ilang araw na ang nakakaraan mula nung kaganapan sa mall, ilang araw na din ang nakakalipas ng mapansin kong parang may sumusunod sa akin, sa totoo lang, bago pa ang pangyayari sa mall.
Nasa bahay ako ngayon at nag cocomputer.
"May pinatay nanaman na mayamang negosyante sa ..." – TV
Ibinaling ko ang atensyon ko sa TV.
"Mauubusan na ng negosyanteng mayaman ang bansang Pilipinas." Kausap ko ang TV
"Nahuli ang isa sa mga pumatay.." -TV
"Ha? Familiar yun waa."
Lumapit ako sa TV para tignan ng mabuti yung bagay na nakasabit sa leeg nang murderer. Gagamba? Katulad ng nakuha kong kwintas sa mall.
Hinanap ko ang tungkol sa gagamba at wala akong nakita sa Google, Yahoo, at sa kahit saang site na maaaring mahanapan kundi puro hayop na gagamba lang.
"Mama, andyan po ba si tito Jay?"
"Wala, nasa office."
"Good!"
Nagbihis ako at kinuha ko ang bag ko.
"Alis muna ko."
"Saan ka nanaman pupunta?"
"Bye!"
Pumunta ko sa office ng tito ko, isa nga pala syang NBI at mataas ang posisyon, kaya malakas din ang loob ko na gumawa ng kung ano anong bagay dahil may kapit ako.
"Tito, anong alam mo tungkol sa gagamba?"
"Gagamba? Walo ang paa nun diba?"
"Hindi yung insekto na gagamba."
"Aa, gagamba, yung sindikato."
"Sindikato?"
"Oo"
Sa mga oras na to, naging seryoso na sya sa pananalita nya.
"Black widow ang tawag nila sa grupo nila dahil mababangis sila at nahahati sa walo ang grupo nila, bawat grupo ay may mababangis na pinuno, mga mababangis na killer, at ang namumuno sa kanilang lahat, ang ulo, ang pinaka mabangis sa lahat, walang nakakaalam sa mga muka nila at kung saan sila nakatago. Lahat ng trabaho nila ay illegal, pagbebenta ng droga, kidnapping, pagpatay, at lahat ng mababahong trabaho nasa kanila na. Walang may balak lumaban sa kanila dahil kahit sino, kaya nilang patayin."
"Cooool."
"Baket mo natanong?"
"Ha? Ano, wala naman, may nabalita lang kase na mga napapatay na mayayamang nilalang, yun lang, napansin ko ang kwintas ng pumapatay, gagamba, may ganun din kase ako este yung nakita ko wee, yun lang, salamat, bye, good night."
Nagmadali na kong lumabas sa office, dahil baka matanong pa ko.
Medyo kinakabahan ako, ngayon mukang alam ko na kung bakit may sumusunod sakin.