JAM’s POV
Pagkauwi ko galing concert inilabas ko na ang nakuha kong souvinir mula sa pangyayari sa mall, at kinuha ko ang souvinir box ko, doon nakalagay ang mga nakukuha ko galing sa gulo na napupuntahan ko katulad nung, may sumubok mang holdap sakin, hiningi ko ang balisong na gamit nya.
Flash back:
Naglalakad na ko galing sa pinagpraktisan ng grupo namin, may project kasi kame, role play. Masyadong liblib ang lugar, bukid. Mag isa lang akong nag lalakad dahil nauna na ko, hindi ko hilig sumali sa tsismisan ng bawat tao tungkol sa mga kakilala nila, yun nalang kase ang ginagawa ng groupmates ko sa role play.
Phone rings..
May nag text sakin kaya kinuha ko ang iphone 5c ko sa bag, binili ko ito gamit ang mga perang nakuha ko nung pasko at nung dumating ang ninong ko galing Japan, kaya talagang iniingatan ko to, bawal mailapag ng walang panyo sa kung saan at bawal hawakan ng iba, lalo na kung pasmado ang kamay nila.
"Holdap to, akina cellphone mo saka bag mo."
May mamang bumulong sakin ng mga kataga na yan at may nakatutok nang balisong sa muka ko, binigay ko ang phone ko at bag ko sakanya, at humarap ako sa kanya, masyado syang natuwa sa iphone 5c kaya naalis nya ang tingin nya sakin, nag karoon ako ng pagkakataon na sipain sya kung saan masakit, namilipit sya kaya nabitawan nya lahat ng hawak nya.
"Lesson number one dick-head, don't get your eyes off to your oponent."
Kinuha ko na ang bag ko at phone ko at pinagpagan ito. Napansin ko ang balisong na gamit ni kuyang holdaper.
"Ganda nito ha? Kunin ko na kapalit nang paghawak ng madumi mong kamay sa Iphone 5c ko."
- end of flash back -
At eto pang kyut na mini kutsilyo na ito at relo, nakuha ko nung may snatch'ang naganap.
Flash back:
Lumabas na ko sa isang Ice Cream shop para umuwi, nasa Maynila ako dahil may dinalaw ako na kakilala, naglalakad na ko sa kalsada.
"Magnanakaw! Magnanakaw!"
Napalingon ako sa likod ko at nakita ang mamang tumatakbo at ang babaeng mataba na humahabol dito at ang ibang mamamayang may pakialam sa nangyayari. Huminto ako sa paglalakad ko at hinintay na mapadaan sakin ang magnanakaw. Ayan na, malapit na syaa.. 5, 4, 3, 2 and...
Sinalubong ng paa ko ang muka ng mag nanakaw.
"Goal!! *napangiti ako* Ang tawag dun ay Mawashi-geri."
Tumalsik ang hawak nyang bag na satingin ko ay sa matabang babae at tumalsik din ang hawak nyang kutsilyo. Kinuha ko ang bag at ang kutsilyo.
"Nice knife sir."
"Maraming salamat miss, anong pangalan mo?"
Binigay ko yung bag nya.
"JAM."
Dumukot sya ng pera at inaabot sakin, napansin ko ang relo nya, mamahalin.
"Nice watch."
"Ha? Ah?"
Mukang naintindihan nya ang ibig kong sabihin at nagdodoubt sya kung ibibigay nya ba sakin ang relo pero napansin nya na madami nang chismosang nilalang na nakapaligid samin at nais nyang mag yabang.
"O-okay, eto na."
"Thanks"
Minsan may magandang naidudulot din sa ibang tao ang pagyayabang.
- end of flash back -
Ilalagay ko na ang baril at ang kwintas ng mapansin ko ang pendant ng kwintas.
"Parang nakita ko na to dati. Saan kaya?"