Rain
"Tara na sa loob, kumain na tayo." Hindi na kami nagtagal doon sa labas dahil umaambon na rin. Hindi ko alam kung anong oras na pero mukhang malapit nang gumabi. Maulan ang araw na ito kaya hindi ko masyadong ma-estimate kung anong oras na. Pero ayun sa body clock ko (kasi humihikab na rin ako), malapit na rin yata talagang gumabi. For sure, hinahanap na ako ni Anxiety ngayon. For sure, humupa na rin ang ang kalasingan niya.
Tuwang-tuwa 'yung batang lalaki nang pumasok na silang dalawa ni Mr. Emoticon sa loob. Ginigiya ni Mr. Emoticon 'yung bata papasok habang ako ay nasa likod lang nila at nakasunod.
"Mauna ka na roon sa lamesa," ani Mr. Emoticon sa bata. Tumango ang bata at masiglang tumakbo papunta sa kusina habang bitbit niya iyung origami niya. Nakangiti ko lang siyang pinagmasdan. Hindi ko rin namalayan na nasa harapan ko na pala si Mr. Emoticon. He's standing firm infront of me. Hindi ko maitanggi ang kakisigan niya. Malawak ang balikat niya at may katawan siyang hindi madaling matibag. His presence is screaming authority. Kumurap ako para matigil ko na ang pag-describe ng physical attributes niya.
"Puwede ka na ring kumain kasama namin," turan niya.
Napalunok ako ng laway dahil sa sinabi niya. So ibig sabihin, hindi pala ako invited sa hapunan nila. Tapos pumasok pa ako? Walang hiya!
"Huwag na!" pagdadabog ko. Tumalikod na ako. Aalis na sana ako kaso nakadalawang hakbang pa lang ako, nahinto na ako nang magsalita siya.
"Kumain ka na. Dami pang arte eh. 'Di ka maganda."
"Sinabi ko bang maganda ako?! Kailan ko pa sinabi 'yun ha? Kung ayaw mo akong pakainin, e 'di wag! Aalis ako! F.Y.I, hindi ako palamunin! Kaya kong magtrabaho para sa sarili ko. 'Di ako katulad mo na nagnanakaw ng wires!" sigaw ko. Eh siya ang nag-umpisa eh. Na-trigger lang ako.
Nang tumitig ako sa mukha niya, bigla kong naramdaman ang coldness niya. Jacket! Bigyan niyo ako ng jacket please!
Humakbang siya palapit sa akin. Galit siyang nakatitig sa mga mata ko. Nang talagang nasa harapan niya na ako, napaatras naman ako hanggang sa ma-corner niya na ako sa pinto. Biglang kumulog. Uminit naman ang katawan ko. Para akong takoreng biglang kumulo. Nagpawis bigla ang mga singit ko.
"Bukas," aniya. Dumaloy ang titig niya papunta sa labi ko. Hindi ko alam kung anong nangyari sa akin dahil napatitig din ako sa labi niya. Nakagat ko ang labi ko.
"Hindi na ako magnanakaw ng wires," dagdag niya at pagkatapos niyon ay umalis na siya sa harapan ko. Napa-walling ako ng wala sa oras. Dumausdos ang likod ko sa pinto. Nawalan ako ng lakas. Wala namang ka-roma-romantic 'yung sinabi niya sa akin pero grabe ang naging epekto noon sa pagkatao ko.
Kung tutuusin, wala na akong mukhang maihaharap sa kanya dahil sa nangyaring confrontation sa amin kanina pero kinapalan ko pa rin ang balat ko at nagpunta na ako sa kusina kung saan naroon silang dalawa. Naisip ko rin na kung aalis akong bigla at hindi na magpapaalam, magmumukha lang akong guilty sa nangyari. Atsaka gutom na rin talaga ako. Kahit nakatatyo lang ako, rinig ko na 'yung pagkulo ng tiyan ko.
"Ate, kain ka na! Nagluto si Kuya ng ramen!"
"S-sige." Ang awkward, bata pa 'yung nag-aya sa akin. Tinitigan ko ng masama si Mr. Emoticon. Nakatalikod siya akin dahil may kung anu-ano pa siyang hinahalo roon sa bowl na may ramen. Huwag naman sana niya akong lasunin.
"Ate, gusto mo po ba si Kuya?" masiglang tanong ng bata na ikina-ubo ko. Huminahon ako at noong kumalma na ako ay sinagot 'yung tanong niya.
"Hindi!"
"Sus." Narinig kong sabi ni Mr. Emoticon. Naramadaman kong ngumisi siya. Kapal niya.
"Eh bakit po hindi? Eh bagay naman kayo. Puwede nga kayong mommy at daddy ko eh."
BINABASA MO ANG
MEMORIE IS A LIE
Science FictionAfter waking up in a ferris wheel cart with no memories, Memorie quickly realizes that she is in a parallel universe where everyone is a digital version of themselves. ***** When Memorie wakes up in a ferris wheel cart with no memor...
Wattpad Original
Mayroong 6 pang mga libreng parte