Join
"Bakit mo ginawa 'yun? Bakit ka nangialam ha? Sino ka ba sa tingin mo ha?" sigaw ko kay Mr. Emoticon. Nasa gilid kami ng isang matayog na building kung saan ay may walnut tree sa kanto nito. Tahasan akong umiiyak sa harapan niya at kahit anong sigaw ang gawin ko sa kanya ay hindi niya pa rin ako sinasagot. Nakatungo lang siya sa sahig at nakikinig lang sa pag-iyak at pagsigaw ko. Tila may nalalaman siyang ayaw niyang sabihin sa akin.
"Ano ba! Magsalita ka sabi!" Sa oras na ito ay sinampal-sampal ko na siya sa dibdib niya. Pero walang wala rin naman sa kanya iyun sa kadahilanang parang hindi naman siya nasasaktan sa ginawa ko.
Nang hindi ko pa rin siya makumbinsi na magsalita ay lumuhod na ako sa harapan niya, umiyak, at nagmakaawa. "Please, sabihin mo kung bakit mo ginawa 'yun, please."
Masyadong malakas ang pagiyak ko to the point na napapatingin na sa amin 'yung mga passerby. Gayunpaman, hindi ko na inisio kung ano pa man ang maari nilang maihusga sa akin dahil sa puntong ito ay wala talaga akong ibang gusting malaman kung hindi ang dahilan kung bakit ako napadpad sa mundong ito at bakit kanina ay nakita ko ang natutulog na sarili ko sa patient bed na nasa loob ng cabin.
"You will disappear in nothingness kapag pumasok ka roon."
Finally, sinagot niya na ang tanong kung ko. Tumayo ako at hinarap siya. "Paanong alam mo? Sabihin mo, paanong alam mo?"
Tumitig siya sa akin, "Iyung batang nakasama natin sa rooftop kahapon, nakita rin niya ang sarili niyang nakahiga sa sa isang patient bed sa loob ng kuwarto niya at nang nilapitan niya nga iyun ay unti-unti siyang naglaho kasama 'yung maliit niyang apartment."
Bigla akong natigilan sa sinabi niya.
"P-pero..." Bigla akong nangatog nang may bigla akong naalala. "...may nakapagsabi sa akin na hindi naman daw namamatay ang mga tao sa mundong ito. Paanong nawala ang bata?"
Anxiety told me na wala rawng namamatay sa mundong ito. Some even grow old lonely dahil kahit anong gawin nila ay hindi sila mamatay-matay.
"Nasasabi lang nila iyun because they aren't able to remember those who suddenly died. Kapag nawawala ang isang tao, kasama niyang nabubura ang mga alaala niya sa ibang tao," eksplika niya.
"Eh bakit 'yung bata e naalala pa rin natin kung gayong wala na siya?" Mas lalong bumigat ang nanaramdaman ko ngayon. Hindi ako makapaniwalang ganito kabilis ang mga nangyayari. Kahapon lang, nakita ko pa siyang sobrang sigla at noong dumating nga ang gabi ay ako pa ako ang nagpatulog sa kanya. And now, he's gone. Kung gaano namin siya kabilis na nakasama ay ganoon din siya kabilis na nawala.
"It's not yet 24 hours bago siya nawala."
"Bakit? Anong oras ba siya nawala?" tanong ko kay Mr. Emoticon. Nakahawak ako ngayon sa bibig ko. Pinipigilan kong umiyak ng malakas. Pakiramdam ko, maselan itong pinaguusapan namin ng dalawa dahil patungkol ito sa kamatayan kaya inigahan kong huwag maka-attract ng atensiyon.
"Nitong alas sais lang ng umaga." Sa sagot niya. Diniinan ko na lang ang pagpikit ko sa mga mata ko.
"Paano mo ako nahanap? Ba't alam mong nandito ako?" kuryoso kong tanong sa kanya.
"Nasa malapit lang ako kaya narinig ko ang mga iniisip mo," sagot niyang hindi ko man lang pinukulan ng kahit isang hibla ng padududa. I'm just too exhausted right now para interogahin pa siya. Iilang oras ang pagitan namin ni Mr. Emoticon nang makarating kami rito kaya sa ngayon, buong puso muna akong magtitiwala sa kanya.
Maya pa, napagdesisyunan naming pareho ni Mr. Emoticon na puntahan ang rooftop kung saan nakatirik ang apartment na ni Pumpki bago siya mawala. At pagkarating nga namin na pagkarating roon ay naipikit ko na lang ang mga mata kong muli nang makita kong bakanteng espasyo na lang ang mga naroon.
Hinahalikan ng gabi ang buong rooftop. Madalas ding humangin ng malakas at kada nadadagdagan nga lalim ng gabi ay unti-unti rin naming nakakaligtaan ang mga detalyeng minsan naming nakita sa lugar na iyun. Mabilis na may kinuha si Mr. Emoticon na maliit na notebook at maiging itinala roon ang mga bagay-bagay patungkol kay pumpkin. Ako naman ay mabilis niyang pina-drawing ng mismong apartment na iyun.
"Anong mangyayari kapag dumating na 'yung ika-twenty-four hours ng pagkawala ni Pumpkin?" tanong ko kay Mr. Emoticon noong malapit nang mag-umaga. Parehong nakasalampak ang likod namin sa maikling pader ng rooftop. Pareho na rin kaming nakaupo dahil nangalay na kami sa ilang oras naming paikot-ikot na paglalakad dahil pareho kaming hindi mapakali. Magkatabi kami ngayon.
"Mawawala ang lahat ng detalye na patungkol sa kanya sa mga isipan natin," pagod niyang sagot. Sa boses ni Mr. Emoticon ay ramdam ko na ang pagod at pagka-antok, ngunit gaya ko ay pinipilit niya pa ring magising, inaabangan ang pagsapit nang ika-labing apat na oras nang pagkawala ni Pumpkin.
"Paano ka? Paano ako? Paano tayo?" nagaalalang tanong ko sa kanya.
"Hindi tayo ang nawala. Pareho pa tayong nandito," sagot niya."Maraming salamat..." banggit ko sa kanya habang nakatingin kami sa paarating na bukangliwayway.
"Para saan? Para sa pagsagip sa akin kagabi mula sa pagtangka kong pagpasok sa ferris wheel."
"Ayos lang." Maya-maya pa, pareho na naming nakita ni Mr. Emoticon ang sinag ng haring araw. Pilitin man naming huwag maidlip pagsapit ng alas-sais ay hindi namin nagawa. Masyadong malakas ang pagtama ng antok sa aming dalawa causing for my head to fall on his broad shoulders. Pareho kaming nakatulog. Our sleep was so deep at pareho na lang kaming nagising ng bandang tanghali kung saan pareho kaming nagtataka kung anong ginagawa namin sa rooftop na iyun at kung bakit kami magkatabing nagising.* * *
BINABASA MO ANG
MEMORIE IS A LIE
Science FictionAfter waking up in a ferris wheel cart with no memories, Memorie quickly realizes that she is in a parallel universe where everyone is a digital version of themselves. ***** When Memorie wakes up in a ferris wheel cart with no memor...
Wattpad Original
Mayroong 1 pang libreng parte