Balong Malalim
Paguwi ko, natagpuan kong tulog pa rin na sa si Memorie. Gulat na gulat din ako kasi nakarating ako sa bahay niya kahit na hindi ko alam 'yung eksaktong address nito. Basta noong pasakay pa lang ako ng tren, inisip ko lang na kailangan ko nang uwuwi sa bahay ni Memorie. At voila, pagkababa ko ng subway, sumakay agad ako ng taxi na walang driver at inihinto naman agad niyun sa mismong kanto ng block kung saan naroon 'yung bahay ni Memorie.
Alam kong magkakaroon siya ng hungover dahil sa dami ng nainum niya kahapon kaya bago pa siya nagising ay nagpakulo na agad ako ng tubig atsaka gumawa na ng kape. Saktong paggising niya ay natapos ko rin naman iyun.
"Bakit ka ba kasi naglasing kahapon?" tanong ko sa kanya habang nakaupo ako sa gilid ng kama niya.
Nag-sip siya ng kape at pagkatapos ay sinagot na iyung tanong ko. "May mga bagay na minsan, alak lang 'yung nakakapaglunas," nakangiti niyang sabi.
"Talaga?" takang tanong ko. "Gaya ng ano?" dagdag ko.
"Gaya ng kalungkutan. Kahit panandalian lang na naiibsan ng alak 'yung kalungkutan, atleast, nakakalimutan mo 'yung sakit ng ilang oras," mahinahong eksplika niya. Humigop ulit siya ng kape at tumitig lang sa sahig.
Napaisip din ako bigla sa sinabi ni Anxiety. Pero ako, ayaw kong gawin ang alak bilang instrument para makalimutan ko 'yung mga problema ko. I'd rather face it bravely, kahit na gaano pa ka-exhausting. Hahaharapin ko 'yun hanggang sa maresolba kung ano man ang problemang 'yun. Panandalian kong kakalimutan ang problema tapos hahabulin din naman ako nito kaya haharapin ko na lang ng buong tapang. At isa pa, kapag nakatagpo mo 'yung problema sa daan, hindi ka naman talaga makakawala room. Didikit at didikit 'yun sa iyo na parang multo. And the best way to make it disappear is to bravely face it it. Panandalian mo itong tatakasan at bubuntot at bubontot pa rin ito sa'yo.
"Kaya nga minsan, nagpapasalamat ako sa mga kapeng gaya nito. Dahil kasi rito, nagigising ulit ako." Nakangiting tinignan ni Anxiety 'yung tasa.
* * *
"Lahat ng tao sa mundong ito, malungkot. Maaring makatagpo ka ng mga taong masasaya sa daan pero ang totoo, sa likod ng mga ngiti nila ay may kinikimkim silang lungkot. At hindi lang basta-bastang lungkot kundi matinding lungkot. Kadalasan, ang mga pinakamalungkot na tao sa mundong ito ay ang mga taong akala mo e masaya." Naglalakad kami ni Anxiety habang sinasabi niya iyun sa akin. Lumabas kami ng bahay niya para gumala-gala. Two weeks din kasi kaming suspended kaya dahil wala kaming magawa sa bahay niya at naglakad-lakad lang muna kami.'Yung mundong 'to, kung titignan mo ay parang normal lang naman talaga. May maayos na society na nagfa-function, may governing bodies at may mga pamilya. Ang kakaiba nga lang ay kung paano nakikita ng isang taong nakatira rito ang mundong ginagalawan niya. Lahat ng taong narito ay may iba-iba ang pananaw sa mundong ito kaya isang malaking challenge talaga na panatilihin ang peace of order rito kasi kung hindi ay magkakagulo.
"Pero teka, naguguluhan lang ako. Bakit malulungkot ang mga tao rito kung andito na rin naman ang lahat ng kailangan nila?" tanong ko sa sinabi ni Anxiety. Lumagpas na kami sa isang bahagi ng gilid ng daan kung saan ay maraming pine tree at ngayon ay nasa tapat na kami ng isang malaking university.
"Dahil..." tumigil saglit si Anxiety at nginitian ako. "...walang kahulugan ang mundong ito."
Pinapasok kami ni Anxiety ng guard at noong naglalakad na nga kaming pareho sa hallway ay tinanong ko ulit siya. "Teka? Anong ibig sabihin na walang meaning ang mundong ito? Naguguluhan ako."
"There's no such thing as death here. And that makes life meaningless."
Nabato ako sa sinabi ni Anxiety. Ilang Segundo akong natulala sa sinabi niya. Nang maglakad siya ay sinundan ko lang siya. Umikot kami sa likod ng university at maya-maya pa ay may nakita kami roon na isang malaking well.
"Watch out," ani Anxiety at maya-maya pa ay umakyat siya roon sa gilid ng balon. Kamuntikan na akong mapasigaw sa ginagawa niya at maya-maya pa ay halos mahimatay ako ang bigla siyang tumalon doon.
"AHH!" Napasigaw ako sa nangyari. Maraming palakad-lakad na estudyante sa paligid pero paranh hindi man lang sila na-bother na na sumigaw ako. At higit sa lahat ay parang hindi sila na-bother na may tumalon doon sa balon. Sigurado akong bukod sa akin ay may nakakita pa kay Anxiety na tumalon doon pero wala man lang nag-atubiling nagulat. May nakita pa nga akong ngumiwi lang at 'yung isa ay ngumuya lang ng chewing gum.
Mabilisan kong nilapitan 'yung gilid ng balon para tanawin si Anxiety doon. At kahit sobrang nangingining ay ako ay pinilit ko pa rin ang mga naninigas kong paa na humakbang.
"Anxiety?" pauna kong banggit. Hindi ko kayang tumingin roon sa pinakailalim. Hindi ko kayang makita si Anxiety roon na nakahandusay at nagkalasog-lasog ang ang katawan. Or baka hindi ko na rin talaga siya makita roon kasi sobrang lalim 'yung bangin.
Dahan-dahan akong sumilip. Grabe 'yung malalamig na pawis na tumatagaktak sa noo ko habang ginagawa ko iyun at noon ngang naisilip ko na iyun nang tuluyan ay napalunok na lang ako ng laway nang makita kong walang katao-tao roon at hindi ko na rin maaninag kung anong mayroon sa baba kasi puro dilim na lang 'yung nakikita ko.
"Anxiety? Anxiety? Anxiety!" sumigaw na ako at naiyak na. Hindi ko lubos na ginawa niya 'yun. Na bigla na lang siyang tumalon. Kanina, bago kami nagpunta rito, pinaliwanag niya sa aking ang dahilan kung bakit siya naglasing kahapon. At ang sabi niya nga sa akin ay malungkot siya. Hindi ko rin naman akalain na aabot siya ng ganito. Na kikitlin niya ang sarili niyang buhay para hindi niya na maramdaman 'yung lungkot na 'yun.Pero teka, 'di ba anng sabi ni Anxiety e walang meaning ang buhay rito kasi wala rin naming kamatayan ang mga tao? Hindi kaya buha pa talaga siya at naroon lang siya sa pinakailalim?
"Anxiety, hintayin mo lang ako! Hihingi ako ng tulong!" sigaw ko roon sa bangin. Lilingon na sana ako para makatakbo na para makahingi ng tulong pero hindi ko na nagawa nang bigla kong marinig ang boses ni Anxiety sa likod ko.
"Memorie, it's your turn." Nginitian ako ni Anxiety at maya-maya pa ay bigla niyang itinulak ang likod na naging dahilan upang malaglag ako sa balon.
"Huwag mo kalimutang humiling habang nalalaglag ka!" maluwalhating sigaw ni Memorie habang nalalag ako.
Tangi...... naaaaaaaaaaaaaaaa!
* * *
BINABASA MO ANG
MEMORIE IS A LIE
Science FictionAfter waking up in a ferris wheel cart with no memories, Memorie quickly realizes that she is in a parallel universe where everyone is a digital version of themselves. ***** When Memorie wakes up in a ferris wheel cart with no memor...
Wattpad Original
Mayroong 4 pang mga libreng parte