Ceiling
"A-a-anxiety, s-s-sigurado ka ba talaga na ito ang apartment mo?" nangangatog na tanong ko sa kanya. Bukod sa mukhang kobeta 'yung tinutukoy niyang apartment ay sobrang liit din nito. Siguro nasa mga isang dipa lang ito at kung hindi kami yuyuko the moment na pumasok kami roon ay siguradong mauumpog kami at mabubukulan.
Itinapat lamang ni Anxiety ang apat daliri niya sa harap ng bibig niya at tumawa na parang mahinhin na virgin.
"'Di ba sabi ko sa'yo, relax ka lang?" aniya. "Kung iisipin mong maliit ang loob ng apartment ko, magiging maliit din talaga 'yung space," dagdag niya.
Pumikit ako at nag-concentrate. "Sige!"
Binuksan ko na ang mga mata ko at nauna nang pumasok si Anxiety. Sumunod naman ako. At first, dilim pa lang ang nakita ko sa loob ng bahay niya. Pero noong naka-tatlong steps na ako...
"Oh!" Nagitla ako nang biglang nagkaroon ng ilaw. Napapikit pa nga ako dahil sobrang lakas ng pag-flash niyon na tipong parang flash ng isang malaking camera. Pagkabukas ko ng mga mata ko, napaawang na lang ang bibig ko dahil sa labis na pagkamangha.
'Yung kaninang akala ko ay puro anedoro at tabo lang ang matatagpuan ko ay nagkamali ako. Nagkamali ako kasi talagang may anedoro naman talaga at may tabo sa loob ng bahay ni Anxiety, iyun nga lang ay sobrang laki nu'ng kobeta at tabo niya. Walang partitions ang bahay niya na tipong kahit nasa may pinto ka pa ay kita mo na ang kabuuan ng bahay niya. Ang kusina ay nasa hilaga. Ang sala ay nasa gitna. Ang banyo ay nasa timog. At ang kuwarto naman niya ay nasa kanluran. Pero teka! Parang may mali! Mukhang normal naman 'yung sofa set niya pero...
"Sorry Memorie ah, kung napaka-weird ng bahay ko? Sabi ko naman sa'yo 'di ba? Matipid ako kaya tinipid ko pati bahay ko. Uhh," kumurap siya at nagpunta malapit sa malaking anedoro at tabo na magkatabi lang.
"Ito pala ang higaan ko. Mukha lang 'yang anedoro pero diyan ako natutulog," tinuro niya 'yung anedorong gawa sa marmol na sobrang laki, may puting mga unan at mga kumot.
Anong akala niya sa sarili niya? Tae?
Mukhang narinig yata ni Anxiety ang iniisip ko kaya itinapat niya ulit ang apat na daliri niya sa harap ng bibig niya at tumawa na parang mahinhin na virgin.
"Pasensya ka na Anxiety ah? Hindi ko talaga mapigilan ang mga iniisip ko e," paghihingi ko ng paumanhin sa kanya. Ang hirap pala talaga sa mundong ito. Naririnig ng mga taong nasa paligod ko ang iniisip ko. Siguro, kung nasa totoong mundo talaga ako tapos naririnig ng mga tao 'yung nasa isip ko, baka nabugbog na ako.
"Ayos lang. Mas gusto ko nga 'yung gaya mo eh. Prangka at hindi plastik." Tinuro niya na sa sa'kin kung saan ako puwedeng humiga at tinuro nga niya iyung malaking tabo na kulay pula. Actually sofa niya raw talaga iyun dati pero ipapagamit niya raw muna 'yun sa akin.
Sinubukan kong umupo roon at naramdaman kong comfortable naman siya higaan. Medyo malaki rin naman kasi siya at may foam din kaya paniguaradong hindi ako mahuhulog kapag natulog ako rito. Hindi rin naman ako malikot kapag natutulog ako. Tuma-tumbling lang. Loko lang.
"Ayos ba?" tanong ni Anxiety. Nginitian ko siya. Napatingin ulit ako sa kabuuan ng bahay niya. Ang taas ng ceiling! May mga fairy lights din na mga naka-design. Wala akong makitang mga libro. Mga collection niya lang ng gothic dolls ang nandito. Puro itim 'yung suot.
"Ayos naman. Pero ang weird lang kasi ang dami mong manyika. Parang buhay na buhay sila," komento ko. Tumitig ako roon sa manyikang nakaupo sa gilid ng lampshade. Nagitla ako bigla nang kinindatan ako ng manyika.
"Tomboy 'yan," ani Anxiety. Natanga lang ako sa sinabi niya at tinawanan niya lang ako na tipong mahinhin siya na virgin. Ang weird niya talaga! Paano niya alam na Tomboy ang isang manyika? Kapag nangingindat?
BINABASA MO ANG
MEMORIE IS A LIE
Ciencia FicciónAfter waking up in a ferris wheel cart with no memories, Memorie quickly realizes that she is in a parallel universe where everyone is a digital version of themselves. ***** When Memorie wakes up in a ferris wheel cart with no memor...
Wattpad Original
Mayroong 10 pang mga libreng parte