Asking
"Huy bella, bilisan mo dyan nagsusulat ka na naman patay ka talaga sa lola mo!. "Sheena said.
Sheena Caballero is my best friend, alam niya lahat ng tungkol saakin. She's my best buddy kung papipilin ako siya parin ang pipiliin ko.
"Tulala ka na naman dyan! Bilisan mo na nanginginig na ang lola mo sa galit!." I sigh palagi itong nangyayari wala ng bago.
"Ito na nga paalis na, bye sheen salamat sa pagkain at sa pagpapatuloy iloveyou."I said
"iloveyoutoo bes basta nandito lang ako palagi okay?" I nodded and smile
Kagabi kasi hindi na ako naka pasok nakalimutan ata ni lola na may apo siyang maganda echos hahahaha.
Nakita ko na ang lola ko sa harap ng bahay nanginging na sa galit, na i-imagine kong umuusok na ang kanyang ilong at handa ng sumabog. Mapapalo na naman ako nito I'm 19 years old pero napapalo parin ako nakakatawa right?
"Bella saan ka naman gumagala ikaw talagang bata ka puro problema nalang ang dala mo sa amin! Dahil sayo nag hihirap kami litse ka! Mana ka talaga sa mama mo!."
Palagi nalang ganito lahat ng kasalanan ko nadadamay pati ang mama ko. Ang mama kong ni minsan hindi ko pa nakikita at nahahawakan. Nasasaktan ako.
"Ma naman permi nalang ba ingon ani? (palagi nalang ba ganito?)" Pinipigilan kong wag maiyak, ayokong makita niya akong mahina. Wala akong ala-ala kasama ang totoo kong mama namatay siya ng araw kung kailan ako isinilang sabi nila hemorrhage daw may iba sabi nga na binat kasi uminom ng malamig na orange juice. I don't know kong dapat ba paniwalaan ko ang mga rason nila. Basta ang alam ko kung wala ako noon di siya mamamatay.
"Mo tubag naka?(sasagot ka na?) Wala kang karapatan na sumagot inalagaan kita ng walang tulong galing sa mga tiyahen mong magaling! Kung hindi dahil sayo nandito pa ngayon ang anak ko kung di dahil sayo hindi kami nag hihirap bago ka pa dumating may kaya na kami kaso nga malas ka naghirap ulit kami!. Malas kayo ng mama mo!" She slapped me hard parang naalog ang utak ko.
Si papa kasi ang paborito niyang anak pero sa kasamaang palad nag asawa na ulit si papa after 8 years pero hindi kami close ng step mother ko. Hindi rin sila close ni lola kaya sa akin lahat napupunta ang galit niya. Hindi ako galit kay papa kahit iniwan niya ako dito sa mala impyernong bahay nato.
"Tama na yan Lina, sinasaktan mo na naman si bella. Kapag nalaman ulit ito ni Jacinto magagalit na naman iyon sayo." Si lolo lang ang nagtatanggol saakin pag sobra na si lola siya ang kakampi ko at si kuya Raul ang kapatid ni papa.
Napahawak ako sa pisngi ko "Alam ko na yan ma, oo na simula ng dumating ako sa tahanang ito minalas na kayo! Ako na ang malas ako na! Pero palihog lang ayaw iapil si mama saimong kasuko nako. (Please wag mong isali si mama sa galit mo sakin)" nagtungo ako sa aking kwarto dito kasi tahimik walang nanghuhusga. Di ko na napigilan bumuhos na ang luha kong di ko na kayang itago ang sakit isipin na parang nag iisa lang ako sa mundo. "Ma, bakit naman ganito ang buhay ko? Bakit mo ako iniwan dito mag isa?" umiyak na ako na parang wala ng bukas and I ask him "Oh God, Am I deserve for all this?" Please guide me.
BINABASA MO ANG
IN YOUR LOVE (ON-GOING)
General FictionIsang simple at mabait na bata si Isabelle, ngunit no'ng siya ay iniwan ng kanyang Ina hindi niya inasahan na mararanasan niya ang mga pagsubok na kailanman ay hindi nasagi sa kaniyang isipan. ------------- Minsan siya'ng humiling na sana'y may isa...