PangarapMaaga akong gumising kasi baka magalit na naman si mama ayokong nag-aaway kami.
Humikab ako at lumabas sa kwarto."Maayong buntag, Ma. (Good Morning, Ma)"
"Unsay maayo sa buntag? (Anong maganda sa umaga?) Bilisan mo sa pagkilos at maghanda ka na para sa almusal."
Araw-araw ganito ang set-up namin sa bahay.
Pagkatapos kumain ay agad akong nagligpit ng pinagkainan at tapos nag laba kasi papagalitan na naman ako ng tiyuhin ko. Lahat nalang kailangan ako ang gumawa para di na ako masaktan at mapagalitan.
After 3 tiring hours natapos rin lahat (sigh).
"Hala! Kailangan ko pa lang puntahan si sheena para maka process na kami sa requirements. Kolehiyo na ako next week kailangan ko itong pag handaan!." Pangarap kong maging isang guro kaya pagbubutihan ko ito.
"Tao po! Tao po! Sheee? Lumabas ka diyan kailangan natin mag process ng requirements para sa enrollment!." Puputok na ata ang ugat ko sa lalamunan kailangan kasi sumigaw bingi minsan si sheena. (Evil laugh)
Nag desisyon kami na sa University of Immaculate kami mag-aaral sa lahat kasi ng inapplyan ko ng scholarship ay dito lang ako pumasa. May kaya sa buhay si shee kaso ayaw niya humiwalay sa akin gusto niya pati sa college magkasama kami. Diba sarap sa feeling!. Hindi lang yan Free tuition at may monthly allowance pa ang saya dba? Hahaha
Ang paaralang ito ay isa sa mga kinikilala bilang isang matatanyag na paaralan, kaya isa ito sa mga pangarap kong paaralan. Nagpapasalamat nga ako kasi natanggap ako sa scholar ang swerte ko. Thankyou G!Nakita ko ang Mommy ni sheena si Tita Abegail.
"Hello po, tita. Nasaan po si sheena?" I politely ask.
"Oh bella, nasa loob si sheena baka hindi ka niya narinig alam mo na palaging may headset sa tenga yun kaya nabingi. Pasensyahan mo nalang." Tumawa si tita
Maputi, matangos ang ilong, mabait at maganda si Tita Abegail, sa kanya nag mana si sheena. Wala ng asawa si tita kasi iniwan siya. Minsan naiingit ako kay shee kasi siya kahit wala yung papa n'ya atleast mahal at alagang-alaga siya ni tita.
Pagpasok ko sa loob ng kwarto ni shee nakikinig na naman siya ng music kaya di niya ako napansin. Tama nga si tita, haaayss
"Hi bes!", magiliw kong bati ngunit di niya ako tinapunan man lang ng tingin. Ang layo ng iniisip ni sheena.
Mabatukan nga! "Hoy, babae! kanina pa ako dito pero di mo ko pinapansin anyare?""Agay oy, isabelle! (Aray naman!) grabe ka! may iniisip lang eh." she's pouting!
"Okay sorry naman. Pero pwede ba kalimutan mo muna yan? Kailangan pa natin mag process ng mga requirements para makapag enroll na tayo! Alam mo naman limited lang ang oras ko. Kumilos ka na d'yan bilis!" I said.
"Oo na ito na kumikilos na, madali lang naman ang mga yun eh!"
"Bilisan mo mag hihintay ako sa baba"
After 30 minutes nakaayos na si sheena akala ko maabutan kami ng isang oras! Thank God!.
Nag commute kami ni sheen papunta sa paaralan na aming napili, sguro mga 20 minutes yon! Eh kasi naman feeling ko hindi tricycle yung sinakyan namin akala mo pagong sa sobrang bagal!.
Pagdating namin sa Jose Maria University natulala ako sa sobrang lawak! Kung sa labas ay parang simple lang pero pag naka pasok kana mapapanganga at mapapasabi ka nalang sa sarili mo na "maghanda ka Isabelle magkaka varicose ka ata nito" Hahaha
"hoy, bella yung laway mo ibalik mo nakakadiri ka". Napa hawak ako sa bibig ko.
Humagalpak naman sa tawa si sheena. Sinamaan ko na ng tingin. hmp!."Naniwala ka naman!. Tara na nga." Nagpadala nalang ako sa paghatak ni sheena, mas alam niya kasi ang pasikot-sikot dito. Dito kasi nagtapos ang kapatid niya si kuya Brian.
Pagdating namin sa "Registrar Office" marami na ang nakapila. Ito na nga ang sinasabi ko mag hihintay na naman kami. Wala ng katapusan. (sigh)
Mga galante at halata na may kaya sa buhay ang mga estudyante dito. Makakaya ko kayang magtapos dito? Nakaka out of place naman, pero alam kong kaya ko, alam kong makakatapos ako! Fighting Thea Isabelle para sa future!
"Thea Isabelle L. Monteza" tawag ng registrar. Agad akong nag angat ng tingin at pumasok sa loob.
"Goodmorning po." Ngiti isabelle wag kang kabahan magpapasa ka lang ng requirements.
"Have a sit Ms. Monteza. I am Miss. Claudia Buenaventura". she smiled
Maybe she's around 30's pero maganda parin.I smiled at her. "Complete na po ang requirements ko pati na po sa scholarship nasa envelope na po."
Tiningnan niya ulit at tumango. Binigay niya saakin ang last copy ng schedule ko sa 1st sem. pagtingin ko halos umaga ang schedule ko 7:00 A.M - 12:00 nn. Thankyou Lord medyo maluwag yung schedule ko makakahanap pa ako ng part-time job. Hindi porket may monthly allowance di na ako kakayod. Pasalamat nalang at malaki grades ko n'ong High School advantage yun.
Nag hintay ako ngayon kay sheena siya kasi yung sumunod saakin e.
"Oh bes? tapos na? Patingin ng schedule mo baka may parehas tayong subject." Business Ad. kasi ang kinuhang course ni sheena may maliit kasi silang Flower shop at gusto niya itong palaguin. At ako naman BSEducation Major in English akala niyo naman magaling hahaha pero naniniwala ako sa kasabihan ng tatay kong si Socrates sabi niya "I know that I am intelligent, because I know that I know nothing" kaya alam kong keri ko itong lahat! Fighting!"Shee, parehas tayo ng minor subjects. At least magkikita parin tayo h'wag mo akong ipagpalit sa iba ha?" Tumawa siya.
" Oo na ikaw lang bestfriend ko isabelle, wag mo rin akong ipagpalit babatukan talaga kita makikita mo." Sabay kaming tumawa sa kabaliwan.
"Sge, isabelle magkita nalang tayo sa susunod na araw sabay tayong bibili ng uniform at mga gamit sa school." She hugged me.
"Okay shee, keep safe sa pag uwi. loveyou"
Tumango siya at kumaway sa akin.Pagdating ko sa bahay buti nalang at walang tao ewan ko kung nasaan sila. (Thank you God sa pag gabay ngayong araw bulong ko saaking isipan). Humiga ako agad sa sobrang pagod at agad nakatulog.
A/N: Next update NOVEMBER 9(FRIDAY)
Thank You!
-Your_Reina❤
BINABASA MO ANG
IN YOUR LOVE (ON-GOING)
General FictionIsang simple at mabait na bata si Isabelle, ngunit no'ng siya ay iniwan ng kanyang Ina hindi niya inasahan na mararanasan niya ang mga pagsubok na kailanman ay hindi nasagi sa kaniyang isipan. ------------- Minsan siya'ng humiling na sana'y may isa...