Kaaway
Maaga pa nagsesermon na si mama tanghali na ako nagising kasi nga napagod ako kahapon. Lagot na naman ako nito. Napakamot ako sa ulo ko at tumayo na para lumabas baka kasi kainin na ako ni mama.
"Oh mahal na reyna, 'buti at nagising ka pa akala ko makakaginhawa na ako sa kahirapan yun pala hanggang pangarap nalang", Halata sa kanyang boses ang pagka dismaya.
Sorry naman po nagising pa ang maganda n'yong apo hahaha bulong ko nalang sa hangin."Kumilos ka na at labhan mo lahat ng mga damit!. Wala na kaming maisusuot!". Pagalit nyang utos.
"Tapos na akong maglaba kahapon, Ma. Naligpit ko na nga lahat eh." mahinahon kong sabi.
"Umaangal ka na ngayon? Sundin mo nalang lahat ng pinag uutos ko!." Pinagtaasan niya ako ng kamay sasaktan na naman niya ako. Bigla akong lumayo.
"Okay po." Nakayuko akong umalis at pumunta sa kanilang kwarto para kunin ang mga damit. Maglalaba na naman ako kailan ba sila matututo.
Natapos ko ang lahat ng walang kahirap-hirap. (Note the sarcasm please) Oh God, Hanggang kailan matatapos ang pang-aapi nila sa'kin. (sighed)
Kaya ko lahat ng pagsubok. Sabi nga nila "Walang ibibigay ang diyos na hindi mo kaya".***
Pagkatapos ng lahat, pumunta na ako sa bahay nila sheena may usapan kami na pupunta kami sa mall. Nakalimutan na naman siguro ni sheena hindi lang siya bingi eh, makakalimutin din.
Nakasalubong ko si tita sa gate, may pupuntahan siguro bihis na bihis eh.
"Hello po tita. Nasa loob po ba si sheena?"
"Oh, Hi Thea. Pasukin mo nalang sa kwarto niya naghahanda na siguro 'yon. Sige, bella may pupuntahan pa ako eh."
"Mag-ingat ka po, tita".
Nagpaalam na si tita, may pupuntuhan talaga siya.
"Sheenaaaa? Maghihintay lang ako dito sa baba ha? Bilisan mo hindi ako nagpaalam kina mama umalis kasi."
"Sge bella. Sandali na lang talaga, may pagkain sa kusina baka nagugutom ka."
Tumango ako palagi nalang ganito ako yung naghihintay sa aming dalawa. Pero di naman ako umaangal kasi free foods kapag ganito. HihihiPagkatapos kong kumain tapos na rin si sheena sa pag-aayos.
"Tara na sheen. Ang bagal mo talaga kumilos".
"Oo na bella ako na mabagal ikaw na "MOST PUNCTUAL". Nabatukan ko na, minsan talaga kalog 'to!.
"Bilisan natin sheen kasi di ako nag paalam kay mama eh. Baka mapagalitan na naman ako. Alam mo na hindi lang talak ang aabutin ko."
"Okay bes."
After 2 rides from tricycle to jeep. Dumating na kami sa mall, ang daming tao. Mall nga Thea Isabelle wag bobo, sagot ng utak ko.
BINABASA MO ANG
IN YOUR LOVE (ON-GOING)
General FictionIsang simple at mabait na bata si Isabelle, ngunit no'ng siya ay iniwan ng kanyang Ina hindi niya inasahan na mararanasan niya ang mga pagsubok na kailanman ay hindi nasagi sa kaniyang isipan. ------------- Minsan siya'ng humiling na sana'y may isa...