200 milyong taon na.
200 milyong taon na ang nakalipas mula noong nagkaroon ng giyera sa mundo ng mga tao at mundo ng mga talulikas.
Nguni't iisa lang ang naging dahilan kung bakit nagkasundo ang mga ito--
Nagpadala ng mga anghel si Bathala upang buuin ang pagkaka-isa ng tao't talulikas. Nguni't sa pagkaka-isa nila'y umakyat ang mga demonyo sa lupa at nag hasik ng lagim.
Bumukas ang lagusan mula sa Imperyo ng Kamatayan at hinila pababa ang nga anghel, sumapi sa mga tao, at binago ang isipan ng mga talulikas.
Pero sa pag tutulong tulong ng mga tao, anghel, at iba pang mga talulikas, napigilan ang pag hahari-harian ng mga demonyo sa lupa at napanatili nila ang kapayapaan.
Nguni't nagkaroon ng isang pangitain na mauulit at mauulit ang mga pangyayari 200 milyong taon na nakaraan. Kaya nag iwan ng mga guardian ang bawat isa para magpatuloy-tuloy ang pagpoprotekta ng bawat kaharian.
Ngayon nakasalalay ang kalagayan ng mga nilikha sa kamay ng mga guardian at sa susunod na henerasyon na kasunod nila.
++
BINABASA MO ANG
DEFEAT OF THE GUARDIANS
FantasyDalawang daang milyon na ang nakalipas. Magagawa ba ng bagong henerasyon ang pagpapanatili ng mahihintong kapayapaan?