Kabanata I

3 0 0
                                    

BLAIR POLARIS

"Lola! Alis na po muna ako," paalam ko sa aking lola na naka-upo sakaniyang rocking chair. Siya nalang pati ang pinsan ko ang kasama ko sa bahay.

"Sally! Asikasuhin mo nga itong pinsan mo't aalis daw!"

Natawa naman ako sa inasal ni lola at hinalikan ang kaniyang ulo, "wow fresh na fresh at 89" asar ko

"Aba syempre naman ano! Saan ka ba pupunta?" Aniya.

"May raket ako sa may parlor hihi magmemake up ako,"

Dumating na si ate Sally na may hawak na pera at iniabot ito saakin, "Blair oh,"

"Nako ate huwag na!"

"Kuhain mo na barya ko lang naman 'yan!"

Ngumiti ako at niyakap si ate. Nag paalam ako ulit sakanila at tsaka sumibat na ako.

"Blair ano na napaka late mo na"

"Heto naman alam mo namang walang pamasahe eh"

"Hay nako ka nasestress ang rainbow hair ko sa'yo"

Nag flip ng buhok si Cholo. Siya ang may ari ng parlor na pinapasukan ko at magmemake up kami ngayon para sa isang pre debut shoot.

Inayos ko ang mga singsing ko sa kamay pati ang patong patong kong necklaces. Tinatawag ko ang mga butingting na 'to na charms tulad ng sabi ni lola. Para fashionista ang peg at make up artist na make up artist.

"Ready ka na ba Blair?"

Inayos ko ang damit ko atsaka kinuha ulit ang bag bago sumunod kay Cholo sa isang van na puti.

Santa Isabela Beach Resort

"Wow napaka ganda naman pala ng mag memake up sa anak ko," sabi ni Mrs. Rodriguez na ngayo'y hawak hawak ang kulot na itim na itim kong buhok.

"Hay nako maam kinuha ko ang dabest na make up artist na meron ako sa salon ha para sainyo. Sure na sure ako d'yan kay Blair!"

"Talaga ha? Nako salamat ha! Tara na Blair"

Pagpasok sa kuwarto ng debutant nagulat ako dahil ang daming mga bulaklak. Halatang halatang mayaman ang pamilya nila at hindi basta basta ang magiging debut shoot. Nagtataka lang ako kung bakit sa parlor namin sila kumuha e may mas magaganda pang make up artist kumpara saamin nila Cholo.

"Intayin mo nalang dumating si Raven. Mahilig kasi magbasa ng libro kung saan saan 'yun e tsaka kung saan saan sumisiksik,"

"Oh, okay lang po 'yun mag seset up pa naman po ako,"

Ngumiti saakin si Mrs. Rodriguez atsaka ako iniwan sa kuwarto para mag set up. Ang yayamanin talaga ng kuwarto. Parang gusto ko tuloy magpatalbog talbog sa kama kasi mukhang malambot.

Nag set up na ako ng gamit at noong wala pa si Raven, nag simula akong umupo sa kama. "Wow ang lambooooot! Ang lambot lambot lambot lam--"

"Aray!"

Nagulat ako ng may taong lumalabas mula sa ilalim ng kama. Nanlaki ang mga mata ko at pinag krus ang aking mga daliri,

"Sino ka?! Multo ka ba?!"

Umubo siya ng kaunti at inangat ang glasses niya, "Raven"

"Ahhh! Ah! Uy! Umupo ka na rito para ma start natin 'yung make up mo,"

Napatingin siya saakin ng matagal, ngumiti ako at nag peace sign then she rolled her eyes.

"So mag e-18 ka na pala," sabi ko sakaniya habang inaayos ang eyeliner niya. Medyo komplikado ang ipinapagawa niya dahil maraming linya ang gusto niyang makita sa mga mata.

DEFEAT OF THE GUARDIANSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon