RAVEN (RODRIGUEZ)
Nakangiti kong pinagmamasdan ang mga photos na nakuha namin noong pre-debut shoot. Pinakita ko rin sa iilang kaibigan ko 'to and they are all stunned sa make up ni Blair the Witch.
Hindi ko alam kung saan ba sila nakilala ni mom kaya I really don't know how to recommend Blair to my friends kahit na they want to hire her as a MUA on their birthdays too.
"Raven, kain na tayo," sumilip si kuya sa may pintuan ko. My brother is a full elf na katulad ng parents namin. His ears are pointed, iba na rin ang kulay ng buhok nito pati ang anyo ng mga mata niya.
"Sige, susunod na ako. One last chapter"
"Hay nako Raven. No. Tara na"
Tuluyan na siyang pumasok at nag simula akong hilahin palayo sa librong binabasa ko. Aminado ako, mas malakas si kuya kesa sakin kahit normal pa ang aming mga anyo.
Sabay kaming bumaba at habang nagkululitan kami'y nakita ko si mom and dad na nag uusap.
"Ano pinag uusapan nila kuya?"
"Aba malamang e 'yung nag make up sa'yo na witch"
"But why?"
"Alam mo naman na isa sila mom and dad sa ancestral line ng guardians. Syempre gusto rin nila ma-secure na ang susunod in line. Kayo."
Tumango-tango nalang ako kay kuya at binati ang parents namin. Inayos ko ulit ang salamin ko.
"Anak, kumain na tayo. Sally paki-serve na ang dinner please" sabi ni dad atsaka tumingin saakin. I gulped.
"Hindi mo ba ikukwento saamin ang mga nalaman mo tungkol sa witch na puwedeng maging guardian in your generation? Raven, alam mong importante ang tungkol sa mga ganitong bagay"
"She's Blair Polaris. 20 years of age. Nakatira sa may slums area at marami siyang trabaho. Her parents are Eleanor Polaris and Sab Polaris, both deceased. Ang nag-aalaga sakaniya ngayon ay isang witch na matanda named Lola Chita at may kasama sila sa bahay named Sally Mendiola, a human AT pupunta siya sa debut ko"
Napahinto si Sally na nagseserve atsaka napatingin saamin.
"You know here 'di ba ate Sally? She's your so-called cousin" sabi ko rito at tumango tango naman siya.
"There, dad. I did my research," sabi ko at hindi na sila inintindi.
Being an elf is hard. Lalo na dahil unang kailangan naming gawin ay protektahan ang kingdom namin then family and friends. Kailangan mahusay ka. Kailangan matalino ka. Kundi, you'll not be appreciated.
Or mali ako just because ganito pamilya ko? haha
I raised up my hand atsaka gumawa ng maliliit na sparkles. This is what I do pag ayoko mag basa. Maglaro ng sparkles.
"Raven can I come in?" Boses 'yun ni kuya
"Hello yes"
"Raven I know you don't like how dad treats you--"
"Kuya I'm okay," I softly sent him the sparkles I made. Ngumiti naman siya at ginawa niya itong mini fireworks.
"I'm always here for you. Alam mo naman 'yun." He wrapped his arms around me at sinandal ko naman ang ulo ko sa chest niya.
"Please don't leave me kuya. Ever."
BLAIR POLARIS
Napahinto ako sa lahat ng sinasabi saakin ni lola. May mga demons at angels at hindi ko na maintindihan. May kailangan iligtas. May kailangan hanapin. Hindi ko na alam.
"Lola, hindi ko po maintindihan," itinuro niya saakin ang libro na nakapatong sa table kung saan nandoon ang mga bote niya at herbal.
Kinuha ko naman 'yun at iniabot sakaniya.
"Dalawang daang taon na ang nakakalipas mula noong nagkasundo-sundo ang mga talulikas para pigilan ang pananakop ng mga demonyo sa lupa," kuwento ni lola.
"Nag tagumpay kami na mapigilan sila at maibalik ang kapayapaan at mula noon nag takda kami ng mga susunod na tagapangalaga ng kapayapaan para sa susunod pa na henerasyon," too much information.
Gusto ko pang mag tanong kay lola kaya lang parang punong-puno na kagad ang utak ko sa mga sinasabi niya saakin. Ako? Tagapag ligtas ng henerasyon ko? Ano 'yun?
Nagpaalam muna ako kay lola na may bibilhin lang sa tindahan para makapaglakad-lakad at makapag-isip isip naman muna ako. Buong buhay ko naniniwala ako na manggagamot kami. Tapos biglang ligtas? Wowerz.
Naging mahangin habang naglalakad ako. Medyo gabi na rin kaya ang mga tusok tusok nalang ang bukas at iilang poste ng ilaw.
Mula sa malayo ay may naaninag ako na lumulutang. Parang tao. Winaksi ko muna 'yon sa isip ko atsaka naglakad ng mas mabilis. Pero parang palaki ng palaki 'yung naka-lutang na tao.
Napahinto ako nang makitang papunta sa direksyon ko ito. Natakot ako at nag chant kagad ng safety charm na poprotekta saakin.
Malaki ang pakpak nito at itim na itim. Naestatwa ako sa kinakatayuan ko. Ang gwapo niya. Kamukha niya si Jin ng Tekken. Naramdaman ko ang hangin na pumalo sa mukha ko dahil sa pakpak niya.
"Blair" ngumiti ito na para bang kilalang kilala niya na ako. Maamo ang kaniyang mukha pero hindi ibig sabihin non hindi ko na siya kinatatakutan 'no!
"S-sino ka ba?!"
"Ako si Yameru. Isang fallen angel. Nandito ako para ibalita sa iyo na may paparating na ang pag bagsak ng guardians. At inaanyayahan ka ni King Lucifer na dumalo sa isang selebrasyon," ani to atsaka nag abot saakin ng isang black envelope kung saan naroroon ang pangalan ko.
King Lucifer?
SI SATANAS 'YON 'DI BA?
"Tawagin mo lang ang pangalan ko para sa iyong kompirmasyon. Sigurado naman ako na hindi ka sasapi sa guardians," ngumiti ito. Hindi siya gwapo pag ngumiti. Nakakatakot ang kaniyang madilim na mata at puno ng pangil na bibig.
Napalunok ako sa aking nakikita. Gusto kong sumigaw at magtatakbo pero hindi pupuwede. Hindi ko alam ang kakayahang gawin ng fallen angels. Hindi ako puwede magpadalos dalos lang.
"Yameru"
Nagulat ako ng may biglang mag salita sa likod ko. Isa siyang elf na naka-brown. Kakulay ng dahon ang kaniyang buhok at lila ang kulay ng kaniyang mga mata.
"Lubayan mo si Blair"
Itinaas ng elf ang kaniyang kamay at nag form ng pana. Tubig ang pana sanantalang ang mga arrow nito ay matitigas na parang yelo.
Nang atakihin niya si Yameru ay isinara kagad nito ang mga pakpak. Nagulat ako sa pagkabakal ng pakpak niya. Hindi ko alam kung magchachant ba ako o aalis sa kinatatayuan ko.
Natatakot ako.
Kinindatan ako ni Yameru atsaka mabilis na lumipad papaalis para hindi na matamaan ng elf.
"Blair okay ka lang ba?!" Lumapit ang elf saakin atsaka ko siya namukaan.
"Ate Sally?"
"Oo ako nga ito! Okay ka lang ba?! May ginawa ba 'yung hayup na 'yun sa'yo?!"
Hindi ako makapaniwala sa nakikita. Ang dami kong nalaman kay lola. Ang guardians. Si ate Sally. Umikot ang mundo ko atsaka dumilim ang paligid.
BINABASA MO ANG
DEFEAT OF THE GUARDIANS
FantasyDalawang daang milyon na ang nakalipas. Magagawa ba ng bagong henerasyon ang pagpapanatili ng mahihintong kapayapaan?