Chapter 2 : ENTRY #2

70 2 1
                                    

Ang telephone booth..

"Gotcha! Nandito na tayo. Pew! Napagod ako dun ha.." masayang sabi nya

Tinignan ko ang pinaghintuan nya.

Teka.. BAHAY NAMIN TO AH?!

"Bakit di mo sinabing dito tayo pupunta?! May pa-compass compass at pa-mapa mapa ka pa dyan!" singhal ko

"Eh.. Heheh dito nga, hindi ko ba nasabi?" ngingisi-ngising sabi nya

"Tss.." I rolled my eyes "Anong binabalak mo?"

"Aalamin ko kung ano ba talaga ang nangyari sayo. Kaya wait ka lang.. Steady pulso ka lang dyan, wag mo muna akong kausapin baka mapagkamalan akong baliw kaya quiet ka lang okay?" sabi nya

Psh! Ang panget nya talaga. Ba't ba nabuhay pa to?

Pinindot nya ang doorbell ng tatlong beses hanggang sa may sumagot mula sa loob.

.

.

.

.

.

.

"Sino yan?" tanong ng tao na palabas na ng pinto

Hindi ko alam kung bakit pero bigla akong kinabahan sa susunod na mangyayari..

.

.

.

.

.

.

.

"Sino yan?"

Ulit ng babae..

Tita Sonia?!

"Goodmorning po.." bati ni Clinton

"Anong kailangan mo?!" mataray na sabi nya

Hmmmpph..

Imbyerna talaga.

Anong ginagawa nya dito?

Sya lang naman ang bestfriend ng mommy ko. But that was before, nung nabubuhay pa sya. Pero nung wala na si mom, sya ang kaisa-isang tao na nakita kong masaya. And that's because, may gusto sya sa dad ko.

Simula nun lagi na sya bumubuntot sa daddy at parang dikya kung makadikit.

"Itatanong ko lang po sana kung nandyan si Gucci ngayon? Classmate po nya ako.." sabi ni Clinton

Bumakas naman ang pagtataka sa mukha ni Tita Sonia..

"Hindi mo pa ba alam ang nangyari? Wala si Gucci dito at hindi mo na sya makikita, kaya umalis ka na.."

Pagkatapos nun, pumasok na si Tita Sonia sa loob at ni-lock yung gate. Hindi na nya binigyan si Clinton ng pagkakataon na makapagsalita ulit.

Kibit-balikat na humarap sa akin si Clinton.

"Ang sama-sama talaga nya!!" naniningkit ang mga mata at nakakuyom ang palad na sabi ko

Kung pwede lang talaga, kung may kakayahan akong hawakan ang buhok nya, hihilahin ko palabas ng bahay namin.

How dare her act like she's the boss of my own house?!

*

"Plan A ekis!" sabi ni Clinton habang nagsusulat sa notebook na hawak nya

Nandito kami ngayon sa loob ng kwarto nya.

"Clinton.. Ano ng gagawin natin ngayon? Hindi tayo pwedeng sumuko.. Hindi pwedeng habang buhay nalang akong ganito. Clinton, gawan mo ng paraan pleeeeaaaaase~" pangungulit ko

"Teka lang Gucci, wag ka munang maingay nag-iisip ako ng plano." saway nya nagsusulat uli sa notebook nya

"Bakit ang tagal?! Bilisan mo na.."

Pinadyak-padyak ko yung paa ko na parang bata.

Binitawan nya naman yung hawak nyang notebook at ballpen at saka tumingin sakin.

"Hindi mo ba nakikita ginagawan ko na ng paraan? Sa katunayan nyan dapat sa mga oras na 'to nagso-solve na ako ng math equation o kaya nakatapos na ako ng isang libro ni Paolo Coelho, pero dahil sayo nasira ang schedule ko.." mahabang litanya nya

asdfghjklmnopz.

"Wala akong pakialam sa math equation mo o sa libro ni Paolo Coelho, ang concern ko eh yung sarili ko kaya gawan mo ng paraan. Gets mo?" sagot ko

Humugot sya ng malalim na hininga na parang mauubos na ang pasensya saka muling nagsalita.

"Gucci, ipapaalala ko lang sayo hindi mo ako binabayaran dito. Tinutulungan kita sa abot ng makakaya ko ng walang hinihiling na kapalit kaya kung pwede lang wag kang masyadong demanding at masyadong bossy. Alam mo, kaya siguro nangyari sayo yan kasi kinarma ka dahil sa ugali mo.."

Aba't---

Hindi ko alam pero bigla nalang akong naluha sa sinabi nya. I admit 'truth hurts' pero kung maibabalik ko lang ang lahat at nawarningan ako na mangyayari sa akin 'to noon pa lang ginawan ko na ng paraan, nagbago na sana ako..

Pero ano pa bang magagawa ko? Ngayon pa na ganito na ako? Mas gugustuhin ko pang mamatay nalang at manahimik sa loob ng kabaong kesa sa ganito na oo, nakakakita, nakakarinig at nakakapagsalita nga ako. Pero wala naman akong kakayahang maka-interact ang ibang tao.

Im so desperate.

T____T

"T-teka bakit ka uumiyak? Sandali, ahhmmm.. Joke ko lang yun, hindi totoo yun hindi ka naman talaga kinarma. S-sorry na Gucci.." natatarantang sabi nya

"That's fine. I knew it.. Siguro nga tama ka, I'm so selfish nung normal pa ako hindi ako aware sa mga tao sa paligid ko, wala akong concern sa ibang tao. Hindi mo rin naman ako masisisi dahil mula pagkabata ko walang ibang nagmamahal sa akin kundi ang yaya ko at ang sarili ko. I'm so self-centered. I deserve this.."

"Wag kang mawawalan ng pag-asa, magagawan pa natin yan ng paraan. May nabasa ako dating libro tungkol sa mga naglalakbay na kaluluwa, yung iba may pag-asa pang mabuhay at yung iba naman natatahimik lang kapag nabibigyan na ng katarungan ang pagkamatay." mahabang paliwanag nya

"Clinton do you think may pag-asa pa kaya akong mabuhay?" tanong ko

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 14, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bring me to HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon