PANGARAP LANG KITA

4 1 0
                                    

Ika'y parating pinagmamasdan
Mapupungay mong matang palagi kong tinititigan
Kulay-rosas na labi mong gusto kong hawakan

Nais kitang yakapin
Kahit isang daplis lang ng hangin
Di ko mapigilan
Silakbo nitong damdamin

Kaya giliw sana'y inyong damhin
Pag-ibig ko sayo'y di mo pinapansin
Ibubulong nalang sa hangin
Kakalimutan, iwawaglit at sa ere'y papaliparin

Di ko makakaligtaan
Limitasyon nitong aking nararamdaman
Pangarap lang kita
At sa panaginip lamang tayo magkakatuluyan at magkakakilala

MGA LIKHANG TULA NI EPHYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon