Nais kong makawala
Sa piitan na kinalalagyan
Subalit wala ng paraan
Titiisin na lamang sakit na nararamdamanAko'y magtitimpi
Magbabalatkayong ipakita ang matamis na ngiti
Kahit kabaliktaran nito'y puno ng pighati
Pighati na walang kahatiGustuhin ko mang sumigaw
Ayokong kumalat sa iba ang alingawngaw
Gusto kong itago
Mga matang namumugto
Sa kaiiyak na luha'y di tumitigil sa pagtuloMarahil ako'y tumatawa
Sa likod nito'y may nakakubling luha
Minsa'y pinipilit na maging masaya
Ang totoo'y lungkot ang ipinapakita nitong mga mataGusto kong sumigaw
Hanggang mapaos at luha'y maubosGusto kong lumisan
Mula sa impiyernong langit kung ituring ng karamihan
Labis ko itong pinagsisisihan
Tama pala ang pagsisisi ay laging nasa hulihan
BINABASA MO ANG
MGA LIKHANG TULA NI EPHY
De TodoIto ay halaw sa aking sariling mga karanasan at ang iba'y mula sa kwento ng aking mga kakilala o kaibigan man na nagpagawa ng tula.