Sa mundong ginagalawan
Di mo na madaling malaman
Ang katotohanan
Laban sa kasinungalingan
Ang kabutihan sa kasamaan
Ang maliwanag sa kadiliman
Ang asukal na minsa'y kahawig ng asin
Harina na kakulay ng pulbo
Patis na mukhang coke sa malayuan
Ang orihinal sa peke
Mahirap ng tukuyin
Ang singkwenta pesos na pinagkakamalang bente
Ang asul na parang berde
Ang kayumanggi na itinuturi na ding itim
Ang dagat na parang tubig
Mahirap ng tukuyin
Kung sino ang tunay na mapagkakatiwalaan
Sa taong nagbabalatkayo lamang upang pagkatiwalaan
Mahirap ng unawain
Mga bagay bagay na magkaiba
Nakalilinlang parang iisa
Pero di pala
Gaya ng tubig at langis
Magkaiba
Na di kailanman magkakasanib-pwersa
BINABASA MO ANG
MGA LIKHANG TULA NI EPHY
AléatoireIto ay halaw sa aking sariling mga karanasan at ang iba'y mula sa kwento ng aking mga kakilala o kaibigan man na nagpagawa ng tula.